CHAPTER 19.2

890 23 0
                                    

Jennie Kim POV

Kanina pa ako pasulyap-sulyap sa pintuan ng opisina ni Kai.
Hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas si L.

Kinakabahan na ako dahil naririnig ko pa silang nagtatalo pero wala akong maintindihan dahil medyo mahina nalang ang pagtatalo mula sa loob.

Ano na kayang nangyayari?

Nasuntok din kaya si LuHan dahil nakialam siya sa away?

Halos trenta minutos na ang nakalipas buhat ng pumasok siya at hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakalabas.

Nagulat ako ng may marinig akong may sumigaw sa loob.

Boses ni LuHan iyon at mukhang galit na galit siya.

Kasabay noon ay ang pagkalabog ng isang katawan at tila pagwawala.

Walang pag-aatubiling pumasok ako sa loob.

Bahala na kung magalit si LuHan sa pagsuway ko sa kanya.

Mas mahalagang makita ko kung ano nangyayari sa loob baka kung ano na nangyari sa kanila.

Pagkabukas ko ng pinto awtomatikong napatakip ako sa bibig ko.

Si halimaw nakahandusay sa sahig at dumudugo ang noo habang si LuHan naman ay mahigpit na hawak ng dalawang kaibigan ni halimaw. Nanlilisik ang mga mata nito at parang gustong pumatay.

"BITAWAN NIYO AKO PAPATAYIN KO ANG GAGONG IYAN!!!" sigaw nito habang pilit na kumakawala sa mga nakahawak.

Ngayon ko lang nakitang magalit si LuHan ng ganito para siyang sinaniban ng sampung demonyo.

Tulala lang ako sa kanya.

Hindi ko inakalang ganito siya magalit.

Ang huling kita ko na nagalit siya ay noong nagkainitan sila ni halimaw sa may quadrangle ng university.

Bugbog sarado silang pareho noon, ngayon hindi ko man lang nakikitaan ng pasa ang mukha niya.

Si halimaw ang dehado malamang may hinampas na si LuHan sa kanya nung hindi pa ako nakakapasok.

Hindi man lamang nila napansin na bumukas ang pintuan at nakatayo ako mula rito.

Ano kayang pinag-awayan nila at parang papatay ito sa galit.

Ang dalawang nakahawak dito ay bugbog-sarado at gula-gulanit ang mga damit. Marahil nadamay sila sa gulo dahil umaawat sila.

Tsk! Nakakaawa talaga mga umaawat.

Ang pinsan ko namang si Kai ay dumugo ang isang balikat.

Di ba siya yung unang kaaway ni halimaw?
Ano kaya pinag-awayan nila at sa bugbugan humantong.

Napangiwi naman ako ng muling dumako ang tingin ko kay halimaw.

Ang daming dugo na umaaagos sa noo niya. Hilong tumayo ito at parang babagsak anumang oras dahil hindi ito makatayo ng maaayos.

Napatingin siya sa akin at agad humakbang palapit.

Napatanga lang ako sa kanya hanggang hinila niya ako palabas ng opisina ni Kai at tila nagmamadaling kinaladkad nalang ako patungo sa parking lot.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!"

Nagpupumiglas ako pero hindi ko siya kaya.

Nakarating na kami ng parking lot ng university ng bigla kong marinig ang pagtawag ni LuHan ng pangalan ni Lim-halimaw.

Napalingon ako kay LuHan at pilit kong binabaklas ang kamay ni halimaw sa akin.
Dali-dali niya akong kinaladkad hanggang sa makarating na kami sa limousine nito ay mahigpit pa rin ang kapit niya sa kamay ko.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon