CHAPTER 24.1

1.1K 32 0
                                    

Jennie Kim POV

"SAAN SA TINGIN MO ANG PUNTA MO?! HA?!

Napatanga ako ng makita ang nagbabagang mukha ni Lim habang mahigpit na hawak ang balikat ko.

Sa dami kasi ng pwedeng makahuli sa akin ay siya pa talaga! Ang lakas naman ng radar nito para maramdaman ang pagtakas ko.

Nasa likod nito ang ilan sa mga bodyguards niya na puro lahat nakasuot ng itim at lahat ay may suot ding itim na shades.

Mukhang kakarating lang niya. Nakita ko pang bumaba sa kotse niya ang iba pang bodyguards at nagpapark naman sa di-kalayuan ang isa pang sasakyan.

Napansin kong ito yung sasakyan na ginamit nila sa pagkidnap sa akin.

"Balak mo talagang tumakas ha?! Mabuti nalang at naisipan kong dito kami dumaan instead na doon sa entrance.'' aniya

Nakakahiwa ang tingin niya. Pakiramdam ko humiwalay na ang bawat parte ng katawan ko.

Nasasaktan rin ako sa mahigpit na hawak niya sa balikat ko subalit mas nanaig ang takot sa akin sa nakikita kong galit sa kanyang mga mata.

"V! JIMIN! JK! JHOPE! RM! JIN! MAGSILAPIT KAYO!!!" Dumagundong ang boses niya habang malakas na sumisigaw!

Kinaladkad niya ako papasok ng pavilion at padarag na tinulak ako paupo sa isang rattan na upuan.

Pinigilan kong mapasigaw ng sumakit ang pang-upo ko. Ang sakit! Wala man lang kasing foam ang upuan. Tsaka wala ba itong kaconcern-concern man lang?

Alam naman niyang masakit pa rin ang ginawa niya sa akin tapos bigla nalang akong itutulak.

Matalim ang matang tinapunan niya muli ako ng tingin, napayuko nalang ako para itago ang pagkatakot.

Bumungad ang limang bodyguard niya na takot na takot. Halatang kagigising lang ng mga ito. Kita kong magulo ang buhok nila at namumula ang mga mata.

"ANONG GINAGAWA NIYO AT BAKIT MUNTIK NG MAKATAAS ANG BABAENG ITO!" sigaw niya habang bumubungad palang isa-isa ang mga pobreng bodyguards sa loob.

"HINDI KO KAYO BINABAYARAN PARA MATULOG! MGA INUTIL!!! Linapitan niya ang isa saka ito sinikmuraan.

Yung isa naman nakatanggap ng suntok sa mukha ang mga sumunod ay ganun din. Lahat sila bulagta sa sahig habang sapo ang mga nasaktang katawan.

Halos himatyin naman ako sa takot habang pinagmamasdan ko siyang hinihingal.

Kuyom ang magkabilang kamay at namumula ang kabuan ng kanyang mukha.

Nakakatakot siya! Mukha siyang sinaniban ni Lucifer.

"AT IKAW NA BABAE KA PAANO KA NAKALABAS NG KWARTO MO?!" baling niya sa akin.

Kailangan ba talagang sumigaw siya? Ang lapit nga lang niya sa akin.

"Tanga kasi yung remote hindi nagtago." papilosopong sabi ko kahit takot na takot ako sa kanya. Nakakainis kasi!

"DAMN IT BITCH!!! NASA AKIN ANG REMOTE! TELL ME SINO NAGPATAKAS SAYO?! SI ALING PURING BA? HA? JK TUMAYO KA DYAN! TAWAGIN MO ANG MATANDANG IYON!" galit na utas niya.

Nagmamadaling nagtatakbo naman sa loob ang takot na takot na bodyguard.

"LIMARIO PWEDE BA! Wala silang kinalaman dito! Wag mo silang saktan dahil hindi nila kasalanan kung tumakas man ako! Ikaw ang tanga! Napulot ko kaya ang remote sa sahig ng kwarto mo!"

Bahala na kung masapak man niya ako. Ayokong madamay ang mga walang muwang na tao. Hindi ko kayang makita silang sinasaktan ni Lim-halimaw dahil sa akin.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon