CHAPTER 14.1

974 24 0
                                    

LuHan Lee Manoban POV

Pasipol-sipol pa ako habang naglalakad pauwi, kasunod ang mga bodyguard ko na nasa may bandang likuran lang.

Trip ko lang maglakad-lakad dahil masayang-masaya ako ngayon.

Mula dito ay tanaw ko na ang napakalaki at napakataas na gate ng aming mansion.

I'm so happy at tinanggap ni Jennie yung panliligaw ko.

I am the most happiest guy on Earth.

Starting tomorrow I will start courting her.

Napangiti ako ng maalala ko yung nangyari sa Café Galleria...

flashback...

"C-can I-I court you?" nanginginig kong tanong sa kanya kasabay ng pagbawi ko ng tingin sa kanya.

Nahihiya kasi ako dahil first time kong itanong iyon sa babae at first time ko rin manliligaw pag pumayag siya.

"Yes LuHan...you can court me!" nagtatalon ako nun sa saya, wala akong pakialam kung magmukha akong tanga.

Umupo lang ako ng makitang hiyang-hiya na si Jennie. Sobrang saya ko lang talaga dahil pumayag siyang ligawan ko siya.

I admit wala pa akong niligawan at hindi ko alam kung paano manligaw.

Kusang lumalapit sa akin ang mga babae at sino ako para tanggihan sila di ba?

Wala pa naman akong siniseryeso sa mga naging girlfriends ko lahat naman kasi ng nakarelasyon ko ay puro fling lang.

May tumagal naman na ka-fling ko ng one month pero nasa Korea siya ngayon dahil pinauwi ng lola niya.

Si Frenzy hindi yan condomn...pangalan yan ng naging fling ko for a month. Mabait, maganda kaya lang sobrang selosa at lahat inaaway niya kahit na hindi na kami, buti nalang nag fly na sa Korea kaya walang aaway sa Princess ko...at sa tingin niyo hahayaan ko yang mangyari?

Hindi dahil mahal ko si Princess...yes I love her the first time I saw her. Si kupido kasi biglang pinana puso ko ayon nasapol.

Lakas ng tama!!!

Yung una naming pagkikita ay noong nakita ko siyang tinitingnan ang mga puno ng narra at mahogany.

Nakatayo ako noon sa isang puno ng mahogany sakto naman na napadaan siya at biglang tumigil para titigan ang puno ng narra at mahogany na ewan ko kung anong meron sa mga iyon.

Weird, naibulong ko noon sa isip ko dahil kakaiba ang trip niya.

Imbes na pagpapaganda kasi ang inaatupag ng kagaya niya na normal sa mga babae, eh iba ang trip niya at iyon nga ang tumititig sa puno.

Sabagay, hindi na niya kailangang magpaganda dahil napakaganda niya kahit hindi mag-effort. *blush*

Nakilala ko siya, dahil anak siya ng kasosyo ng kuya ko sa isang business namin sa Paris.

Transferee siya at ewan ko lang kung alam na ni kuya na may bagong transferee dito sa K.U. at babae pa.

Matinik yun sa babae at walang pinalalampas, kasalanan ng nanay namin kung bakit siya ganito ngayon.

Sa anong dahilan? Ahhh! Nevermind that asshole!

"Hi Ms. Beautiful." bati ko sa kanya.

Dahan-dahan itong humarap sa akin kaya nilabas ko na ang killer smile ko.
^_______^<-------ganito ohh...

Laglag ang pangang tumingin siya sa akin, tapos ngumiti siya...ako naman ang laglag panga sa gummy smile nya.

The fuck! Kakainlove!

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon