CHAPTER 33.1

751 16 0
                                    

Kai Zhier Kim POV

I smiled devilishly while looking at her beautiful face. She is sleeping beside me and I'm happy coz my plan worked good. Hindi man lang ako masyadong na hirapan sa pagkuha sa kanya.

"Ang tanga ni Limario...ang tanga ng groom mo...hahaha!" natatawa ako habang kinakausap ko si Jennie na mahimbing na natutulog sa tabi ko. We are here in my car. Nagbibyahe na kami pabalik ng Manila. I was the one who's driving at nakasunod lang sa akin ang mga bodyguard ko at nakahanda.

Handang-handa nila akong protektahan in case na makatunog si Lim na ako ang kumuha sa mapapangasawa niya. Nakahanda na lahat ng mga plano ko. We are flying for England today ASAP. Nagmamadali akong makalabas ng Pilipinas dahil baka mahanap kami ni Lim at mabulilyaso ang plano kong tangayin ang mag-ina niya.

Nagbago na ang isip ko na patayin ang anak nila ni  Jennie. I can't kill the child. Aariin ko nalang siya na akin dahil ayokong kamuhian ako ng babaeng mahal ko dahil pinatay ko ang anak niya. Baka mas lalong hindi niya ako mamahalin kapag ginawa ko iyon kaya hahayaan kong mabuhay ang bata. Hindi naman niya ako matatakasan pagpunta namin ng England dahil ikukulong ko siya doon. Hindi ko siya hahayaang makalabas ng lungga niya dahil baka takasan niya ako.

Maganda ang plano ko di ba? Kawawa naman si Lim. Nawala na sa kanya si Jennie at ang magiging anak nya. Mapapahiya pa siya dahil ang lalabas na nangyari ay tinakbuhan siya ng bride. Walang makakaalam ng nangyari dahil wala silang magiging hint kung bakit hindi siya sinipot ni Jennie dahil malinis ang naging trabaho ko sa planong ito.

Peke din ang gagamitin naming passport paglabas ng Pilipinas para hindi niya kami matungtong. But I doubt that, I know it's impossible na hindi matunugan iyon ni Lim. Si Lim pa henyo iyan. Everybody knew that, Lim has the power to make everything's possible. But I will make sure na hindi niya malalaman na ako ang nagplano nito.

Alam kong ipapahanap niya si Jennie at ako ang pinakamalapit na suspek na paghihinalaan niya. I'll make sure na hindi niya kami matutungtong dahil malayo ang England at malawak ito. Maghire man siya ng sandamakmak na private detective.
Hinding-hindi niya kami matatagpuan.

Tatakbuhan sana ako ng babaeng ito kanina, mabuti nalang mabilis kumilos ang isa sa bodyguard ko. Mabilis niyang natakpan ang bibig nito ng panyo na may pampatulog kaya naman hindi na ito nakapanlaban pa at na himbing nalang na natulog.
Napangiti akong muli ng maalala ko ang mga planong ginawa ko at ang mga nangyari kanina bago ko siya nakuha.

flashback...

"Nakahanda na ba lahat?" tanong ko kay Rey na siyang pinakalider ng mga bodyguards ko. Bibyahe kasi kami patungong Vigan kung saan gaganapin ang kasal ng babaeng kinababaliwan ko.

"Yes boss." sagot naman nito.

"Okey. Let's go."

Tinalikuran ko na siya at sumakay na ako sa likuran ng bago kong sports car. Ito ang naisipan kong gamitin dahil hindi ito kilala ng mga taong nakakakilala sa akin. Mabubulilyaso ang plano ko kapag gumamit ako ng sasakyan na makikilala nina Lim. Talagang pinaghandaan ko ang pagpunta ng Vigan at sana hindi pumalpak ang planong ilang beses kong pinag-isipang mabuti.

"Wala na ba tayong naiwan?" tanong ko ulit sa bodyguard ko ng makasakay na ito sa driver's seat.

"Wala boss.''

"K. Nakahanda na ba ang private plane ko bukas?"

"Yes boss."

"Good. Nasaan yung mga pinabili kong prostetics?"

"Heto po Boss."

Iniabot niya sa akin ang isang malaking plastick bags kung saan nakalagay ang mga gagamitin ko para makapagdisguise ako. Binuksan ko kaagad ang plastick bag, napangisi ako ng makita ang laman nito. Inilabas ko ang isang cream na kayang baguhin ang kulay ng balat ko instantly. Binuksan ko ito saka pinahid sa mukha, leeg at mga braso ko.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon