CHAPTER 27.2

1.1K 39 21
                                    

Jennie Kim POV

[ Si Limario kasi...]

Tootoot tootoot tootoot...

Shitness!

Biglang na lowbat ang cellphone ko bago pa man madugtungan ni LuHan ang sasabihin niya.

Naiinis na nagpapadyak ako sa labas ng kotse sa sobrang inis. Nakita kong napapangiti naman ng palihim si Kris sa ginagawa ko habang nakatayo rin ito malapit sa nakabukas na pintuan ng kotse.

Binuksan niya kasi ito agad kanina ng makalapit ako. Papasok na sana ako kaya lang napatigil ako dahil nga tumawag si LuHan sa akin.

Ang malas nalowbat ang cellphone ko. Hindi ko na kasi naisip na i-charge pa ito pagkaalis ko ng mansyon kanina dahil sa pagmamadali kong huwag malate sa midterm examinations namin.

Nakakainis naman talaga oh! Kung kailan emergency saka naman malolobat itong cellphone ko.

Hindi ko tuloy nalaman kung anong nangyari kay Limario. Holy shit! Huwag naman po sanang may mangyaring masama sa kanya. Kawawa ang magiging baby namin kung walang makikitang ama paglaki niya.

Natampal ko ang sarili kong noo sa mga naisip ko. Ano bang pinag-iisip ko?

Masyado namang naging advance ang utak ko para maisip iyon. Walang masamang nangyari kay Lim, iyon na muna iisipin ko.

Itinuloy ko na ang pagpasok ng kotse na naudlot dahil sa pagtawag ni LuHan. Agad na rin pumasok si Kris matapos akong makaupo sa backseat.

"Saan tayo Princess?" tanong ni Kris ng makaupo na rin siya sa driver's seat.

"Sa hospital. Make it fast Kris may emergency." sagot ko habang kinakalkal ang laman ng bag ko para hanapin ang charger ko.

Hindi ako mapakali habang di ko nalalaman kung ano ang nangyari kay Lim. Naninikip ang dibdib ko kapag naiisip kong nasa kapahamakan siya sa mga oras na ito.

Kailangan kong i-charge ang cellphone ko para matawagan siya. Nag-aalala na marahil ngayon si LuHan dahil out of coverage area na ang number ko.

"Princess, hindi po tayo pwedeng magmadali. Marami po ang umuuwi ngayon dahil Biyernes kaya siguradong aabutin po tayo ng traffic papuntang hospital." wika naman ng driver ko ng nakalabas na kami ng K.U.

"Find a way Kris. It's not my problem. So find a way, okay?" mataray kong sabi habang nanggigil na ibinuhos ko ang laman ng bag ko sa upuan ng kotse.

I know masyado ng nagiging mainitin ang ulo ko simula ng magbuntis ako. Lagi ko ngang nasusungitan sina Rosé, kahit sa mga simpleng bagay lang. Mabilis kasi akong mainis at magalit.

Mabuti nalang at nauunawaan nila ako at naiintindihan nila ang kalagayan ko. Alam naman siguro nila na dala lang ito ng pagbubuntis ko.

I know it's the hormones of a pregnant mother kaya nag-iiba ang ugali ko. Naalala ko kasi na napag-aralan namin ito way back highschool days. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit nagiging mataray ako at mas lumala pa ang mga moods ko.

"Y-yes Princess." tila takot na sagot sa akin ng driver ko.

Mabilis niyang tinahak ang kalsada at nakipagsiksikan sa mga sasakyan para makasingit at hindi abutan ng traffic.

Naguilty naman ako bigla dahil hindi ako sanay na sinusingitan siya ng ganito. Kababata ko kasi siya at malapit siya sa akin.

Anak kasi ito ng mayordoma namin at matagal ng naninilbihan ang pamilya nito sa amin kaya hindi na iba ang turing namin sa kanila.

Saka siya lagi ang kalaro ko sa mansyon noong mga bata palang kami dahil hindi naman ako lumalabas ng bahay noon. Lagi lang ako sa loob sa takot ng mga magulang ko dahil baka makidnap ako kapag naglalabas ako.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon