CHAPTER 31.3

968 31 20
                                    

Limario Lee Monaban POV

Pinipigilan ko ang kabang pilit na namamayani sa dibdib ko. Ayokong makita ng mga kaharap ko na kinakabahan ako. I never felt this kind of nervousness ever. This is different and I don't like it.

Ito na kasi ang oras ng paghaharap namin nina Mommy Liah at Tito Lucas. Hindi ko mapigilang sumama ang pakiramdam ko kapag nakikita ko silang nagbubulungan at nagngingitian ng matatamis. It's so disgusting to me. Matagal na silang nagsasama at ngayon ko lang iyon nalaman.

"Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan? Ano pa ba ang dapat kong malaman?" sabi ko.

Ako na ang nagbukas ng usapan dahil parang wala naman yata silang balak umpisahan ito. Busy kasi sila sa sarili nilang mundo at nakalimutan na nila yatang kaharap ako.

"Babe..." narinig ko naman na tinawag ako ni Jennie. Nakita kong madilim ang mukha niya at tila nais akong warningan na huminahon. Tss! Ano pa bang ginagawa ko? Trinatry ko namang huminahon pero di ko yata kaya. Kinakabahan ako at the same time naiinis. Sayang hindi ko siya katabi, siya lang nagpapakalma sa akin.

Nakaupo kasi ako sa pang-isahang sofa at siya naman ay katabi ang kambal kong kapatid na haplos ng haplos sa tummy niya. Naiirita nga ako sa ginagawa ng kambal na iyon dahil iniistorbo nila ang baby ko. Tss!

"Relax ka lang." ani pa niya na halos ako lang nakarinig dahil mahina lang iyon at pabulong pa.
Napatingin ako kay Tito Lucas ng tumikhim ito. Tumingin muna siya sa gawi ko bago bumaling kay Mommy. Si Mommy naman ay nakatingin na rin sa akin at seryoso ang kanyang mukha. Katabi nila si L na nakayuko lang at pinipindot ang kanyang cellphone. Halata kong tense din ito gaya ko.

Naalala ko nga bigla noong umuwi ako galing Amerika. May gusto kasi siyang sabihin sa akin, tungkol daw iyon kina Mommy at Tito Lucas. Alam na daw niya ang totoo at gusto niyang malaman ko iyon. Ngunit hindi ko siya pinakinggan. Hindi ko na kailangan ng paliwanag ng mga panahong iyon dahil sarado na ang isipan ko. Kung ano ang nakita ko ay iyon na ang paniniwalaan ko.

Nang mga time na iyon ay hindi pa talaga ako nakakamove on. Masakit pa rin kasi sa akin ang pagkawala ng Daddy ko. At sobrang hindi ko iyon matanggap dahil kasalanan ng Mommy ko. Pero kung hinayaan ko ba silang magpaliwanag ng mga time na yun. Ano kaya matutuklasan ko? May magbabago ba? Hindi ko ba sila kamumuhian.

"Nandito na naman tayong lahat kaya umpisahan na natin ang usapang ito para kaagad ng matapos." ani Tito Lucas.

Hindi niya inaalis ang tingin sa akin at sinalubong ko rin siya ng tingin. Pormal lang ang kanyang mukha, iyon lang ang tanging reaksyon na nababakas ko sa mukha niya. Ngayon ko lang siya natitigan ng husto at tila malaki ang hawig nila ni L.

Bunsong kapatid nga pala siya ni Daddy and sad to say kabet siya ng Mommy ko. Ang pangit tingnan di ba? Kapatid ng asawa mo magiging kabet mo?
Kaya nga ang laki ng galit ko sa kanila dahil niloko nila ang Daddy ko. And worst sa mismong pamamahay pa namin sila gumagawa ng milagro.

Hindi ko makalimutan ang araw na iyon dahil iyon din ang araw na namatay ang Daddy ko. Mahal na mahal ko si Daddy, iniidolo ko siya kahit hindi kami gaanong nagkakasama. Lahat kasi ng gusto ko binibigay niya.

"Anong gusto mong malaman Lim?'' tanong niya sa akin. Sumulyap ito kay Mommy na parang humihingi ito ng permiso dito. Nakita ko namang tumango ito saka pinisil ang kamay niyang hawak ng lalaki.
Psh! How sweet! Tss! Parang bumabangon na naman ang galit sa dibdib ko.

"Lahat. Bahala na kayo kung saan kayo magsisimula tutal wala naman akong pakealam. Makikinig lang ako dito habang nagdidialogue kayo." walang gana kong sagot.

Napatingin naman sa akin si L at napailing nalang sa sinabi ko. Iyon ang lumabas sa bibig ko pasensya naman. Hindi ko lang talaga gusto ang presensya ng kabet na'to sa pamamahay ko. Napopollute kasi ang hangin at parang sumikip pa ang sala namin dahil sa kanya.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon