CHAPTER 9

1K 23 0
                                    

Jennie Kim POV

Kanina pa ko nakahiga dito sa malambot kong kama at hanggang ngayon di pa rin ako makatulog.
Pabaling-baling ako sa higaan ko.

Natry ko na yata lahat ng posisyon ng paghiga. May patagilid, patihaya, pabaluktot, padapa at patuwad pero ayaw talaga akong dalawin ni Fairy of Sleep. Hahaha. Imbento ko lang yan!

Tumingin ako sa wallclock ko.
Syete!!! alas diyes na, dapat tulog na ko sa mga oras na to! Paniguradong malalate ako sa pagpasok bukas.

Ahmmmn!

Teka... Bakit parang may mali yata sa wallclock ko???
Parang may...

"AHHHHHHH!!! YAYAHHHHHH!!! hiyaw ko. Saka ako tumalon palayo sa may dingding kung saan nakasabit ito.

Humahangos naman na pumasok ang yaya ko.

Bakit di man lang kumatok muna?

Takte naisip ko pa yun sa lagay na ito eh halos natataranta na ko sa nakakadiring nilalang na paikot -ikot sa paborito kong orasan.

"Wat hapin Prinsis? Wer is da fayer?" histerical na sigaw din ni yaya.

Takte, kung wala ako sa ganitong sitwasyon eh kanina pa sana ako humagakhak ng tawa. Bisayang-bisaya talaga ang tabas ng bibig nito pati sa pag-Eenglish ang tigas.

Tsaka ano yung fayer? Fire siguro? Akala siguro niya may sunog.

Anyway's back to the situation. Teka, bwebuwelo lang ako para makatotohanan. Hohoho

"YAYA! M-M-MAY I-I-I..." pati pangalan ng nilalang na to di ko mabigkas dahil sa sobrang kinikilig ako este NANDIDIRI ako to the hayis livil! Pwe!

Pati tuloy ako tumitigas este tinitigasan ay mali!

Basta kayo na bahala mag-isip kung ano ibig kong sabihin.

Napatingin na naman ako sa nilalang na yon at parang kinindatan ako!

Ewww!

Mas lalo akong napahiyaw! Anong feeling niya ang gwapo at macho niya at feeling niya lahat ng babae ay napapakilig niya?

Dahil pag nakakakita tayo ng ganyang nilalang eh napapasigaw at napapatalon tayo. Kaya feeling ng animal na ito correction please! Insekto lang pala!

Duhhhh! Na ang pogi at macho niya. Tsss! Feeler! Sarap tirisin!

"Ikew telegeng bete ke epes leng pele. Doncha wuri keyeng-keye ko yen.?" Laglag panga ako sa sinabi ni yaya. Bakit parang sumanib yata si Vice Ganda sa kanya at biglang nag-iba ang lenggwahe niya.

Kinuha nito ang sariling tsinelas at pinalo ang ipis na umiikot pa rin sa wallclock ko.

Pero nakaiwas ang putris na ipis at lumanding ito pababa, buti nalang di nabasag ang wallclock ko. Regalo pa naman ni mommy yon. Pero teka lang papunta sa direksyon ko ang ipis!

Napatili na naman ako. Agad akong nagdive sa kama ko with matching hot pose pa parang pose lang ni Ivana Alawi. lol.

Si yaya naman ayun at hinabol habol ang ipis. Sa ilang habulan na nangyari eh ayon at na-rest in peace na ang kawawang ipis. Pagkatapos madampot ni yaya ang ipis ay lumabas narin ito.

Nakahinga ako ng maluwang. Humiga na ulit ako, kahit papaano na-distract ako sa pag-iisip ko sa halimaw na iyon pero heto na naman at naaalala ko na naman siya.

Ewan ko ba kung bakit pilit siyang pumapasok sa isipan ko.

Memories of what happened earlier are still flashing on my mind.

Eh hindi ko naman siya dapat isipin. Galit na galit nga ako sa ginawa niyang paghalik sakin dahil nasugatan ang labi ko, swerte ko nalang hindi namaga.

Yung halik niyang marahas, bakit parang pakiramdam ko nakadikit parin ang labi niya sa labi ko.

Bakit ganoon?

Bakit di ko maalis sa isipan ko yung paghalik niya?

He's not my first kiss pero parang pakiramdam ko ngayon lang ako nahalikan.

What is happening to me???

"Ang sabihin mo nagustuhan mo yung halik niya."sagot ng utak ko.

Hindi ko nagustuhan ang halik niya!!!

"Eh bakit mo siya naiisip? Aminin! Wag ideny! Nagustuhan mo kiss niya."

Shattap Brain!

Inalog-alog ko ang ulo ko, baka sakaling mabura sa isipan ko ang lalaking iyon pati na ang halik na pinaranas niya sa akin.

Inutusan ko nga si Brain na pumunta sa Mars at makipaglaro muna ng tong-its sa mga Marsian. Pero ang pasaway kong utak ayaw umalis.

"Ahhhhhhhhh!"impit kong sigaw.

Nababaliw na yata ako.

Kung anu-ano pinag-iisip ko. Oo na, aaminin ko na.

Nagustuhan ko nga siguro yung halik niya, na halos nagpadugo sa mga labi ko.

Bakit ganoon?

Nagiging sadista na ba ako?

Inalog ko na naman ang ulo ko para paalisin kung ano man ang mga tumatakbo sa loob ng isipan ko.

Masama itong nangyayari sa akin. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Bakit parang pakiramdam ko nakakapasok na siya sa sistema ko?

Argh! Di ako papayag.

Lalo na't ang gusto lang naman sa akin ng halimaw na iyon ay ang katawan ko.

Bagong katawan, bagong laruan at bagong parausan.

I will never allow that to happen.

Never as in never.

Haharapin ko siya at ipapakitang iba ako sa mga babaeng naikakama niya.

Hinding-hindi ako bibigay sa karisma niya. Kahit gaano pa siya kagwapo at kamacho period!

Lagi kong ipapaalala sa sarili ko na SEX lang ang gusto niya at KATAWAN ko lang habol niya.

Hinding-hindi ako bibigay!!!

Itaga niyo yan sa bato! Sensya na Jireh Lim pahiram muna ng linya ng kanta mo. Don't worry fan mo ko.

Umayos na ako ng higa.

Ilang minuto lang ay hinila na ako ni Fairy of Sleep sa Dreamland ko... :D Zzzzzzzzzz!

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon