CHAPTER 29.2

918 23 2
                                    

Jennie Kim POV

I can't believe what he is doing right now. Tinitigan niya kasi ng masama ang lahat ng lalaking napapatingin sa akin. Para siyang lalamon ng tao sa paraan ng pagtingin niya sa mga lalaking kanina pa nakatingin sa table namin.

I know they are all staring at me. Mapababae man o lalaki napapatingin. Hindi ko naman sinasadyang maging daring at center of attraction tonight. Gusto ko lang naman maging hot and sexy sa harap ng halimaw na ito para mas lalo siyang mainlove sa akin.

Oo nangyari nga ang gusto ko, halos bumaha nga ng laway sa mansyon namin dahil sa kanya. Pero syempre joke lang iyon. Laglag panga lang naman siya kanina ng makita niya ako. Hindi ko inakala na ganun magiging reaksyon niya. Natatawa ako dahil halos lumuwa ang mga eyeballs niya. Pakiramdam ko nga iba na naman tumatakbo sa isip niya ng makita niya ako. Alam naman po natin kung gaano kasipag ang halimaw na ito sa favorite excersise niya.

Imbes na sa akin nakafocus ang atensyon ng halimaw na ito ngayon ay sa mga lalaking nakatingin sa akin nakadako ang tingin nito. Hindi yata magandang ideya ang magsuot ako ng ganito kapag maraming tao dahil mukhang mapapaaway pa yata ang halimaw na'to. Mas maganda yatang nagsuot nalang ako ng isang simpleng dress para hindi takaw atensyon, but I doubt that. Hahatak at hahatak pa rin ako ng atensyon.

"Lim, what's your order? Kanina pa hinihintay ng waiter ang order mo." tanong ko sa kanya ng nakataas ang isang kilay ko.

Saka lang ito bumaling sa akin ng magsalita ako. Nakakaasar, wala sa akin ang atensyon niya. Nakatingin kasi siya ng masama sa isang lalaking nasa kabilang table. Nakatitig kasi ito sa akin kahit kaharap nito ang kadate nito. Ang kadate naman nito ay nakatingin naman kay Limario.

Psssh! Akala ko ako lang humihila ng atensyon dito. Pati pala ang kasama kong gwapong halimaw ay ganoon din. Pasimpleng inismiran ko ang babae na gumanti ng irap bago inalis ang tingin sa table namin.

"Ano iniisip mo? Bakit ang layo ata ng tingin mo?" Inis na sabi ko habang salubong na ang kilay ko dahil sa pagkainis na nararamdaman ko. Gusto ko nasa akin lang atensyon niya. Ako lang ang titingnan niya at aasikasuhin. Hay... nahahawa na yata ako ng pagkapossessive ng halimaw na ito.

"Iniisip ko kung paano ko mapapatay sa titig ang mga gunggong na nakatitig sa iyo." Malakas na sabi niya.

Hindi ko alam kung sa akin ba niya sinasabi iyon o ipinaparinig lang niya sa mga lalaking nakatingin sa akin. Habang sinasabi kasi niya iyon ay bumaling na naman ang tingin nito sa lalaking tinitigan nito ng matalim na nasa kabilang table at matiim na nakatitig sa cleavage kong nakahantad.

Awtomatikong napatakip ako sa cleavage ko at bahagyang itinaas ang tube dress ko para hindi masyadong lumuwa ang mga Mt. Everest ko.
Pansin ko lang mas lumaki na yata sila ngayon dahil yung dating cup ng sinusuot kong bra ay masikip na. Kinailangan ko pang pumunta nung Linggo sa mall para bumili ng mas malaking cup.

Palihim nalang akong napangisi ng makita kong napangisi ang halimaw dahil mabilis na ibinaling ng lalaki sa ibang direksyon ang tingin nito ng makita niyang halos patayin na siya sa titig ni Lim.
Mabuti naman at naisipan niyang alisin ang tingin niya sa akin dahil talagang tatamaan siya kay Lim.

Lahat nga ng nakatingin sa akin ay kaagad yumuko ng marinig ang sinabi niya. Kinilig nalang ako sa ginawa niya. Ayaw niya talagang i-share ako sa iba. Kahit ba tingin lang naman. Madamot lang talaga siya.

"Lim... just order okey.. Don't mind them. Let's enjoy this night together. Wag mo nalang silang pansin."mahinahong sabi ko sa kanya habang umiinom ng tubig.

"Pakidagdagan yung order ko ng isang order ng litson kawali plus mayo for the dip. Then for my dessert I want calamansi juice with a chocolate syrup on it." nakangiting sabi ko sa waiter na kanina pa nakatingin sa akin.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon