CHAPTER 28.2

1K 31 2
                                    

Still Jennie Kim POV

"What did he say Princess?"  worried na tanong sa akin ni LuHan, pagkaalis ni Kai.
I didn't answer back. I'm still shocked.

Nanatili lang akong nakatayo malapit sa pintuan at tulalang nakatingin dito. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot matapos marinig ang salitang iyon galing kay Kai.

He is totally insane. Paano niya naaatim na takutin ako? Sabihin ang mga katagang iyon sa akin? Wala ba talaga siyang pakialam sa lahat, makuha lang niya gusto niya?

Wala rin ba siyang konsensya para pagbantaang patayin ang dinadala ko? Ano bang nakikita nila sa akin para mabaliw sila ng ganito?

Is he really going to kill my child and have me after he did that? Napakapathetic niya. He is a demon! Demonyo siya para pagtangkaan niya ng masama ang isang walang muwang na nilalang. Nilalang na anak namin ni Lim. Nilalang na pamangkin niya.

Mas malala pa ugali niya kay Limario. Mas masahol pa pala siya dito dahil kaya niya akong saktan at pagbantaan ng ganito.

Tapos ang linaw-linaw ng rason na MAGPINSAN kami! Hindi ba pumapasok sa kukote niya ang rasong ito para itigil niya ang pagkagusto nya sa akin?

My God! Kung si Limario isang halimaw, siya naman ay isang demonyo!

Dapat ko bang ipaalam ito kina Lim at LuHan?

Pero natatakot ako sa kahihinatnan nito kapag sinabi ko iyon sa kanila. Malaking gulo ito kung sakali. Sa ugali palang ni Lim malamang mapatay niya na si Kai anumang oras.

Hindi ko naman gustong isipin na ganun ang mangyayari pero kasi hindi malabong mangyari iyon. Sabi ko nga kapag ako ang involve, hindi palalampasin ni Limario ito.

Alam naman nating lahat kung gaano kapossessive ang halimaw na ito sa akin. Yung ginawa nga ni Kai na pang-iinsulto sa akin kanina hindi na niya pinalampas. How much more pa kaya kapag nalaman niyang muntikan na akong marape ni Kai at pinagbabantaan niyang patayin ang magiging anak namin para makuha ako.

Baka mapatay na siya ni Limario.

Naisip ko rin na this is not the right time para sabihin ko sa kanila ito. Wag na muna ngayon dahil baka mapaano si Lim. Tsaka pag-iisipan ko pa kung dapat ko ngang sabihin sa kanila ito o mas tamang sarilinin ko nalang muna sa ngayon.

Gising na naman si Lim. Andito na siya para ipagtanggol ako. Takot si Kai sa kanya,  alam ko, kaya hindi niya magagawa iyon ng basta-basta dahil si Lim ang makakalaban niya.

"Hey! Natulala ka na dyan?" Untag ni LuHan sakin.

"Awwwwwww!" Hiyaw nito.

Natawa nalang ako. Nagulat kasi ako sa ginawa niya kaya nasapak ko siya. Ang lalim kasi ng iniisip ko kaya hindi ko namalayan ang paglapit niya kaya nasapak ko siya sa ulo.

"Peace." Nangingiting sabi ko sabay sulyap kay Lim na nakahiga na ng maayos sa kama.

Madilim ang mukha nito at halatang naiinis . Galit pa rin siguro ito kay Kai dahil sa pang-iinsultong ginawa nito sa akin.

Mabuti nalang pala at hindi pa magaling si Lim, kundi baka si Kai na ngayon ang nakahiga sa kama niya.

"Ang brutal mo Princess! Nabuntis ka lang ng hali---ni Lim ganyan kana!"
Ngingisi-ngising sabi nito.

Nilingon din nito si Lim na sambakol na ngayon ang mukha dahil sa sinabi niya. Muntik na kasi niyang masabi na halimaw. ^_______^

"Sus. Hindi no! Ikaw kasi nanggugulat ka." Sisi ko sa kanya. Kung di niya ako ginulat eh di sana hindi ko siya nasapak. Natatawa pa rin ako dahil ang lutong ng pagkakasapak ko sa kanya. ^____×

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon