CHAPTER 30

1.1K 24 6
                                    

Limario Lee Manoban POV

Inip na inip na ako dito. Gusto ko ng umuwi pero ayaw naman nila akong payagan. I-enjoy ko lang muna daw itong gabi na ito dahil isang gabi lang naman at minsan lang mangyayari.

Halata kong hindi lang ako ang nabobored dito dahil ganoon din ang tingin ko kay Suho na sa malayo nakatingin. Nakasimangot siya at malalim ang iniisip habang pinaglalaruan ng isang daliri niya ang yelo sa hawak niyang kopita. May problema kaya ang isang ito. Babae?

Tsk! Inalis ko ang tingin sa kanya ng makita kong bumaling siya sa direksiyon ko. Pasimple tumingin naman ako sa cellphone ko para hindi niya mahalatang nakatingin ako sa kanya. Napangisi naman ako ng makita ang wallpaper ko. Picture kasi namin iyon ni Jennie na nakawacky.

Tsk! Miss ko na siya. Ang tagal namin hindi nagkita. Ano kayang ginagawa niya sa mga oras na ito? Malamang tulog na siya dahil alas otso'y medya na ng gabi. Simula ng magbuntis siya halos ganoon na ang oras ng pagtulog niya. Tapos gigising naman siya ng alas kwatro ng umaga para magpapak ng saging.

Saging as in BANANA lol not the green term. Yan ang halos routine niya gabi-gabi.
Alam ko ito dahil madalas na ginigising niya ako ng madaling araw para makausap ako. Sabi niya, gustung-gusto daw niyang naririnig ang boses ko sa umaga dahil iyon daw ang pampagising niya sa katawan.

Huh! Alam ko naman na naglalambing lang siya pag ganoon. Gusto lang niyang lambingin ko din siya dahil iyon ang gustong-gusto niyang ginagawa ko.

Miss na miss ko na talaga siya. Ilang araw na kasi kaming hindi nagkikita dahil lumipad ako ng Singapore para mainspeksyon ko ang pamamalakad ng negosyo ko doon. Halos one week nga akong nagstay doon dahil maraming trabaho na kailangan kong tutukan.
Kahit nga gustuhin kong umuwi ay hindi pwede. Sobrang dami ng trabaho at kailangan kong asikasuhin.

Nagkasya nalang tuloy kami sa phone conversations. Miss na miss ko na nga siyang makatabi sa kama dahil matagal na yung last na nagsiping kami.
Five months na nga pala ang tiyan niya ngayon. Nararamdaman na namin yung paminsan-minsang movement ng baby namin noong four months palang ito. What more ngayong five months na siya.

Excited na nga akong maging daddy. Gusto ko ng makita ang Junior ko, kaya lang apat na buwan pa ipaghihintay namin para masilayan siya.
Dapat ako ang maging ka mukha niya, hindi ang gagong L na yon.

Nakakainis nga eh. Naalala ko na madalas hanapin ni Jennie si L noong nasa four months na ang tiyan niya. Madalas na ito ang gusto niya kasama at katabi sa pagtulog sa gabi.

Labis ko namang tinututulan iyon. Paano ayaw niya akong katabi. Ang baho-baho ko daw at ayaw niya ang amoy ko. Fuck! Wala naman akong putok! Ang bango ko kaya. Psh! Galit na galit nga ako nun at halos patayin ko sa tingin si L dahil mukhang ineenjoy niya ang pagkakataon para makatabi sa pagtulog si Jennie sa iisang kama.

Ayaw ko naman sa ideya niyang iyon. Kaya naman ang nangyari ay tatlo kaming natutulog sa kwarto ko. Labag man sa kalooban ko ay wala akong magagawa. Kaasar pa dahil hindi ko siya makatabi. Sila ni L sa kama ko at ako naman sa sofa.

Tangna! Bwiset na bwiset nga ako non dahil nakayakap pa si Jennie sa kanya samantalang binebelatan naman ako ni L bilang pang-aasar. Hindi nga halos ako makatulog ng maayos noon dahil binabantayan ko sila. Baka kasi masalisihan ako ni L at ayokong mangyari iyon.

I trust him naman na wala siyang gagawin. Pero hindi ko maalis sa isip ko ang magduda. Lalo na at mahal pa niya ito. Nakakapagpainit lang talaga ng ulo ko ang sitwasyon kong iyon. Tapos ang pinakaworst pa na ginawa ni Jennie ay ng minsang mamulatan ko sila na naglalambingan. Mali pala, nilalambing pala niya si L.

Alam niyo ba kung ano ginagawa niya? Hinahalikan lang naman niya si L sa pisngi, sa ilong at sa LIPS! Fuck! Hindi ko kinaya iyon kaya nabugbog ko si L. Alam ko wala siyang kasalanan doon. Fuck lang men! Nakakapagselos eh. Kaya lang mas pinalala ko lang sitwasyon.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon