CHAPTER 21.1

876 22 0
                                    

Jennie Kim POV

Andito ako sa airport ngayon kasama si LuHan.
Hinihintay namin ang pagdating nina daddy at mommy sakay ng eroplano na galing Paris.

Tumawag kasi sila kagabi sa akin na uuwi nga sila at ako mismo ang gusto nilang sumundo sa kanila.

Ipinaalam ko ito kay Miel, nagprisinta naman siyang samahan ako sa pagsundo dahil pareho naman kaming walang klase ngayon.

May general meeting kasi ang lahat ng professor ng K.U kaya wala kaming pasok.

Uuwi sila dahil sobrang namimiss na daw nila ako. Halos dalawang linggo na kaming hindi nagkita at miss na miss ko na sila.

Malungkot kaya mag-isa sa tahanan namin kasi madalas silang wala.

Laging out of the country dahil sa mga business trips na kadalasan isa o dalawang buwan umaabot.

Uuwi lang naman sila kapag may emergency o kaya naman pag may importanteng okasyon gaya ng birthday ko, recognition, graduation at kung ano-ano pang importanteng event.

Naiintindihan ko naman sila dahil para sa akin naman lahat ng ginagawa nila. Hindi naman sila nagkulang sa akin. Tsaka wala kasing ibang mapagkakatiwalaan si daddy at mommy kundi mga sarili lang nila.

"Miel... kinakabahan ako." untag sakin ni LuHan.

Ipapakilala ko na kasi siya kina daddy at mommy na official boyfriend ko.

Natatakot daw siya na baka hindi siya magustuhan ng parents ko. Hindi naman mapili sina mommy at daddy basta ba tamang lalaki ang pinipili ko ayos na iyon sa kanila.

"Hwag kang kabahan. Mabait ang mga parents ko.'' pagbibigay ko ng assurance.

"Pang-ilang boyfriend na ba ako na pinakilala mo sa parents mo?"

"Actually, pangalawa ka palang." hindi ko pa rin nasasabi kay LuHan ang tungkol kay Jisoo. Hindi naman kasi ako makatyempo kahapon dahil hindi na kami nagkita ng hapong iyon.

Nagtext lang siya na marami siyang gagawin na projects kaya hindi niya ako mahahatid sa pag-uwi.

Sabihin ko na kaya ngayon sa kanya?

Ano kaya magiging reaksyon niya?

Okey, sasabihin ko na sa kanya.

Bahala na.

Matagal naman na kaming break ni Jisoo at hindi ko na naman siya mahal.

"Ahh..." sabi lang niya habang nakatanaw sa malaking screen kung saan makikita mo ang mga pasaherong lumalabas sa eroplano patungong airport.

"Miel... I have to tell you something..."

"About what?" lumingon siya sa akin at naghintay ng susunod ko pang sasabihin.

"About Drew..."

"What about him? Ayaw mo ba sa kanya? May ginawa ba siya sa iyo? Tell me Miel, uupakan ko yun."
sunod-sunod na tanong niya. Salubong ang mga kilay niya at mababakas mo ang inis.

Natatawang hinaplos ko ang mukha niya.

"Calm down Miel... wala siyang ginagawang masama... actually he's my e-ex-boyfriend..." nakita ko kung paano umawang ang mga labi niya habang nanlalaki ang mga mata na parang hindi makapaniwala.

"I-i'm sorry Miel... h-hindi ko alam nung una dahil wala ka namang nakwekwentong bestfriend sa akin. At hindi ko rin maalala kung nakwento ko rin siya sa iyo.

Nagulat nalang talaga ako nung sabihin mo ang buong pangalan ng bestfriend mo na nagtransfer dito, na ex-boyfriend ko naman. Sorry hindi ko nasabi agad."

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon