CHAPTER 15.1

976 24 2
                                    

Jennie Kim POV

"For you my Princess." sabi ni LuHan sabay abot ng rosas sa akin.

Tumingin ako sa kanya, unti-unti ng nawawala ang pasa sa kanyang mukha.

Tinanong ko sya kung saan niya nakuha mga pasa niya dati.

Sabi niya nakipagbugbugan daw siya sa mga tambay sa kanto. Sabi ko naman anung ginawa ng mga bodyguards mo tumunganga lang nung nabugbog ka.

Hindi na siya sumagot nun. Halata naman kasing nagsisinungaling eh. Hindi na ako nagtanong nun dahil baka ayaw niyang malaman ko.

Hindi ko mapigilan ang ngumiti ng abutin ang isang long- stemmed pink rose na inabot ni LuHan.

He never fail to make me smile everyday.

This is the 7th rose I received from him and this is the 7th day of him to court me.

Hindi ko pa naman feel masyado panliligaw niya kasi nga di naman gumagamit ng masyadong effort.

Hatid-sundo lang at pagbibigay ng flowers everyday ang ginagawa niya.

Halos ganun naman ginagawa niya dati noon nung pagkatapos mangyari ng muntik ko ng pagkakidnap.

Ewan ko nga kung nanliligaw na siya ng lagay na yan.

Hindi na nasundan yung date namin sa Cafe Galleria. Hindi sa atat akong makipagdate sa kanya.

Di ba kadalasang nagsisimula ang panliligaw sa paglabas-labas para magdate.

Yan ang alam ko kasi ganyan manligaw yung dalawang naging ex-boyfriend ko.

"Thank you LuHan." sabi ko sabay samyo ng amoy ng rose. Ang bango talaga ang sarap amuyin.

"Tapos na ba klase mo?" tanong niya habang nangingiting pinagmamasdan niya akong inaamoy ang rosas.

"Why you ask?" tanong ko din. Sana yayain niya akong magdate.

Sana.

Ay ang landi ko naman, napaghahalataan tuloy ako. Hmpt! Eh kasi naman ang gwapo-gwapo na naman niya ngayon.

Bagay sa kanya yung uniform niya.

"Let's date."

OMG! Dininig ang dalangin ko! hihihi. Hay!

Kinagat ko ang labi ko para itago ang ngiti sa labi ko dahil baka isipin niya na gustung-gusto ko makipagdate sa kanya.

Papakipot naman ako ng konti ah.

"Ahm...ngayon na ba? Teka ano ba mga schedules ko ngayon." kunwari nag-iisip pa ako hihi.

Wala naman na talaga akong pasok, gusto ko lang talaga magpakipot. Dalagang Koreana ako eh.

"Let me think first."

"Yup. Kung wala ka nang pasok.''

"Ahmnnn. Tara na!''

"Haha nag-isip ka pa ng lagay na yan?"

Namula naman ako sa sinabi niya.

Nakakahiya! Pinagtawanan pa ako. =__=

Tinalikuran ko siya at mabilis na naglakad.

"Hey! Princess wait!" hinabol niya ko at hinawakan ang braso ko para pigilan ako.

"Binibiro lang naman kita eh...sorry."

Iniharap niya ako at masuyo nitong itinaas ang baba ko at tinitigan ako sa mata. Mas lalong namula ang pisngi ko. Napasinghap naman siya.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon