CHAPTER 16

992 20 0
                                    

Jennie Kim POV

Beautiful my girl...

Malakas na ring ng cellphone ko ang nagpagising sa akin ng hapong iyon.

Sino naman kaya itong tumawag? Ang sarap ng tulog ko, nang-iistorbo.
Pakapa-kapang inabot ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko saka ito sinagot habang nakapikit pa ang mata.

[Jen...kanina pa kita tinatawagan. Final practise niyo na!!!] sigaw ni Rosé sakin sa kabilang linya. Inilayo ko ng bahagya ang cellphone ko dahil nakakabingi ang sigaw niya.

Naghikab ako at umunat sa pagkakahiga.

Ang sarap pa namang matulog pag ganitong oras. Tiningnan ko ang oras sa alarm clock ko, ala una na pala.

Kailangan kong pumunta sa school dahil final practice na daw namin.

Bukas na kasi ang pageant. Wala man lang akong maramdamang excitement, ayoko kasi. Ayokong ma-exposed ang beauty ko dahil marami na naman maiinis sa akin.

Kasali kasi ako sa Ms. Kim's University (Ms. K.U), isa ako sa kandidata na pambato ng mga second year.

Ayoko naman talagang sumali, kaya lang ako ang may pinakamataas na vote nung pumipili palang sila.

Wala na akong nagawa kaya umoo nalang ako. Ayoko namang lumabas na Kj so go on with the flow nalang.

"Oo na pupunta na po. Pakisabi kay Prof medyo malelate lang ako ng konti. Bye!" ibinaba ko na ang telepono habang naghihikab pa ako bago nagpasyang tumayo at dumiretso ng banyo para maligo.

After twenty minutes nandoon na ako sa school.

Agad akong pumunta sa may room 1228 at hinanap sina Rosé, Nayeon at Jongyeon.

Nakita ko silang masayang nagtatawanan kasama ang isang lalaki na agad ko namang namukahan.

Nakaupo sila sa labas ng room at nagkalat ang mga crepe papers, cartolina, gunting, pandikit at kung ano-ano pa.

Kumaway ako sa kanila ng ituro ako ni LuHan ng mapansin niya akong naglalakad palapit.

Tumayo siya at sabay na sinalubong nila ako ni Rosé.

Sina Nayeon at Jongyeon naman ay nagpaiwan dahil inaayos nila yung mga decorations para sa stage. Sila kasi ang mga naatasan para magdecorate nun.

Kinabukasan na kasi ang pageant kaya kailangan nilang matapos gawin at iayos ang mga iyon.

"Hello Princess." bati ni LuHan ng makalapit tapos hinalikan ako sa pisngi.

"Uyyyy..." tukso naman ng kambal.

I just smiled.

Sanay na ako sa mga yan. Lagi naman kasi nila kaming tinutukso ni LuHan. At alam nilang nililigawan niya ako.

Sabi nga nila sagutin ko na daw kasi swerte ako sa kanya baka maagaw pa daw ng iba.

Sabi ko naman ayoko muna.

Masyado pang maaga para sagutin ko siya.

Tsaka kailan lang naman siya nanligaw.

Wala pa naman akong nararamdaman sa kanya bukod sa crush at oo, gusto ko siya.

Siguro pag tumagal pa, hindi naman kasi siya mahirap mahalin. Nasa kanya na lahat ng katangiang hahanapin nating mga babae.

Nakadalawang date narin kami. At ang masasabi ko lang ay sobrang saya niyang kasama, sweet at lagi akong pinatatawa.

I know I'm beginning to like him but it's far from love...

I'm not ready to open up a relationship right now.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon