Introduction to Sophomores

34 4 0
                                    

"Parang kailan lang, uhogin bata ka pa— pero ngayon, second year high school ka na!" gunita ni agent Samson. "Napakabilis talaga ng panahon."

Narito ako sa building ng Apple Corporation dahil biglaan na naman ang pagpapatawag n'ya sa 'kin. Kung pagmamasdan ang opisina niya ay naka-organize ang mga kagamitan at wala kahit anong senyales na isang galaw ko lang ay mayroong 'open manhole' na biglang bubukas, o kaya nama'y magkakasunod na 'palaso' ang biglang tatama sa 'kin.

Maliban sa pagiging chairwoman ng Apple Corporation ay siya rin ang founder ng A3. Kaunti lamang ang nakakaalam sa A3 dahil iyon ay underground Corporation ng mga Korporasyon. At sa ilalim nang pamumuno niya ay walang tutol kaming sumusunod sa kahit anong 'misyon'.

"Panoorin mo 'to," utos pa niya saka hinarap sa 'kin ang laptop na nasa lamesa.

Hindi iyon ordinaryong laptop dahil isang pindot lamang niya sa keyboard ay nag-appear kaagad ang mala-hologram projector kung saan mapapanood ang multiple CCTV footages mula sa magkakahiwalay na lugar nang live.

Sa kaliwang bahagi nang multiple screen ay nasa cosplay event ang anak niyang si Kentaki kasama ang girlfriend nito.

Sa ibaba ng screen ay mapapanood ang pangangampanya ni agent Tiamzon sa pagka-presidente.

Sa tabi ay guest sa isang talkshow ang anak nito.

At sa itaas naman ay nasa car racing competition si Brayan.

Samantalang sa kanang bahagi ng multiple-screen ay mapapanood ang pagtatalo ng mag-asawang Watson.

Sa ibaba no'n ay naroon ang mga anak ng mag-asawa na mas abala sa pagpapa-salon at wala manlang kamalay-kamalay sa mga nangyayari sa bahay nila.

Sa tabi no'n ay mapapanood ang pagbo-volunteer ni Clarck sa brigada eskuwela ng military school na pagta-transfer-an.

At sa itaas ay naroon si Princess Lois na walang ibang ginawa kung 'di ang magmukmok sa roof top ng headquarters nila.

"Wow! Ang galing ng CCTV hacker! Paano s'ya nagkaroon ng access d'yan?" naitanong ko matapos obserbahan ang monitor.

"Si agent Doreen ang tumrabaho sa lahat ng iyan," pagkasagot niya'y tumayo siya sa kinauupuan saka lumakad papunta sa shelf na kinalalagyan ng paborito n'yang wine.
Binuksan n'ya ang 'Margarita' at nagsalin sa dalawang kopita. "Una ko 'to natikman noong honeymoon namin ng asawa ko kaya magmula noon ay naging paborito ko na ito. Sayang nga lang, divorced na kami. Paulit-ulit ko man 'tong inumin, balewala dahil wala na 'ko ibang nalalasahan kung 'di puro pait," pagkasalin ay inabot niya sa 'kin ang isang kopita. "Heto, tikman mo."

Kinuha ko naman iyon at ininom. "ANG PAIT! Ano'ng masarap dito?" pagkasabi'y nilapag ko ang kopita sa lamesa. "Gets ko na! Ayaw mo maging madamot kaya sine-share mo sa iba 'yong pait. Ayos ka rin mag-isip, eh!"

Kahit si agent Samson ang boss ko ay puwede ko pa rin siya kausapin nang casual dahil hindi naman kami 'iba' sa isa't isa. Magmula kasi nang kupkopin niya ako at sinanay maging undercover agent ay para ko na rin siya naging ina.

"Narito na sa Pilipinas ang mga kukumpleto sa binigay ko sa 'yong misyon," pagbabalik niya sa naunang usapan. "Kung sakali makatulong ang pagbuntot ni Brayan kay Princess Lois ay isa 'yong napakalaking pabor para hindi matuloy ang kasal nito kay Jerryme... Kaya naman may inihanda na 'kong susunod na misyon para sa 'yo." pagkasabi'y itinuro niya ang sofa kung saan nakapatong ang pulang paper bag.

"Laman no'n ang bago mong school uniform."

"H-hindi na 'ko mag-aaral sa Camp Bridge?"

"Nagkakamali ka dahil ilalagay ka na namin sa section one para mas mapadali ang paglapit mo kay Princess Lois."

"Section one? Ako? K-kailangan ko ba talaga maging gano'n kalapit sa prinsesa?"

"Alam mo naman na higit pa sa pagiging bodyguard niya ang gusto kong mangyari sa inyo. 'Di ba?"

Suot ang hight tech eyeglasses ay palihim kong binasa ang mga iniisip ni agent Samson. Pero tulad noon ay gano'n pa rin ang mga nasagap ko. Wala iyon pinagkaiba sa mga nauna niyang emosyon, saloobin, at ala-alang puno nang galit.

"Huwag kang mag-aalala," mayamaya'y sabi niya na mukhang nakahalata sa ginagawa ko. "Hindi naman ako kasing sama ng mommy niyang si Louisa para i-frame up siya katulad nang ginawa nito sa 'kin noon... Pero, hindi rin naman ako kasing bait ni Dianne para hayaan sila maging masaya lalo na't napakamiserable ng buhay ko ngayon. Sa madaling salita, patitikimin ko lamang sila nang kaunting pait," pagkasabi'y sinalinan n'ya uli ng wine ang kopitang nilapag ko. "Hindi naman ako madamot kaya, ise-share ko rin sa kanila 'to. You know, sharing is caring!" muli niyang inabot sa 'kin ang kopita.

Kinuha ko na lamang iyon at bahagyang dumistansya sa kan'ya saka ibinalik ang tingin sa hologram projector.

Sinundan naman niya nang tingin ang direksyon ng mga mata ko."Pero siyempre, uunahin ko muna sila."

"Hindi talaga kita maintindihan," napailing na lamang ako saka nilagok ang wine.

Magsasalita pa sana siya ngunit biglang nag-ring ang telepono sa lamesa.

Ang tawag ay mula sa secretary niya kaya pinindot n'ya iyon nang naka-loudspeaker.

"Chairwoman, mayroon po kayong walk in guest sa lobby. Wala s'yang appointment ngayon at ipinagpipilitang inaanak mo raw siya. Siya raw si Lim Kim Park. Papapasukin ko po ba?"

"Lim Kim Park," napatango siya't muling inulit ang pagbigkas sa pangalang narinig. "Lim Kim Park."

"Ano 'yon, Linking Park? Pinangalan ba s'ya sa banda?" komento ko.

"Sige, papasukin mo na."

Sa huli ay nasabi niya bago patayin ang telepono at ni-shutdown ang laptop matapos ang ilang ulit na pagbigkas sa pangalang Lim Kim Park.

CAMP BRIDGE: Class of 2008Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon