Grand Entrance

4 1 0
                                    

Sino kaya ang nag-post no'n?

Nang makita ko ang motorsiklo ni Neightan sa parking lot ay lumakas ang kutob kong nasa loob lamang ito ng Camp Bridge at sigurado akong magkasama sila ni tito Brayan. Naalala ko 'yong moment namin sa rooftop noon kaya dali-dali akong tumakbo papuntang rooftop para makita si tito.

Kahit madalas kami mag-away ay nag-aalala pa rin ako para kay tito Brayan. Siguro dahil sa lukso ng dugo. S'yempre magkamag-anak pa rin kami kahit paano.

Oh, yes! Tanggap ko na isa akong Depensor.

Hindi ko alam kung anong nagpabago sa pananaw ko, pero sa mga oras na ito ay alalang-alala talaga ako sa feelings ni tito. Iisipin kong napaka-sensitive niya para damdamin masyado 'yong post about sa pagiging ampon niya, but what if totoo 'yon? What if matagal na pala niyang alam ang tungkol do'n and someone interfere to ruin his high school life?

"Sigurado ka ba si tita Louisa ang may pakana sa Freedom Wall?" tanong ni Neightan.

Hindi ako nagkamali sa hinalang sa rooftop nga sila matatagpuan.

"Pero, Brayan, bakit n'ya naman gagawin ang gano'n ka-childish na bagay?"

"I don't know... It's just you, Sammara, Garry, Lois, her mom and my family, and the orphanage. Maliban do'n, wala na ibang nakakaalam tungkol sa pagkatao ko. Neight, paano kung si Princess Lois?"

"Hindi naman gan'yan ka-bitter ang pinsan ko para ilagay ka sa alanganin, Bray—"

"So, it's legit!" ismid ng isang estudyante.

Hindi ko napansin na nakikinig rin pala ito sa usapan nila katulad ko. Color black ang blazer nito at may hawak itong cellphone na mukhang kanina pa naka-on ang audio recording.

"Sino ka?"

"I'm Jasmine, second year section two from Journalism Department."

Hindi ko alam kung paano haharapin si tito Brayan ngayong alam ko ng ampon siya. Ayoko siyang husgaan pero anong magagawa ko kung iyon ang totoo? May maitutulong ba kung dadamayan ko s'ya?

Dahil sa pagka-shock ay napaatras na lamang ako. Tumakbo ako palayo sa rooftop nang hindi nila namalayan.

***

Habang naglalakad sa Sunken Garden ay iniisip ko pa rin ang mga nangyari simula noong umalis ako sa bahay papuntang Angels Orphanage hanggang makapasok sa school at makarating sa rooftop.

"Uy, Kim!"

"D-Denice?"

"Bakit ka nakatulala? Kamuntikan ka na masagasaan ng motor kanina. Hindi ka manlang umiwas."

"Ah, eh..."

"Dadalawin namin sa hospital ang mommy ni Doreen, gusto mo sumama?" aya naman ni Rick Lee.

"Sama ka na sa 'mi, Kim!" pamimilit pa ni Sammara.

Matagal bago nag-sync in sa utak ko ang mga sinasabi nila. Hindi ko nga rin alam kung saan sila nanggaling at bigla na lamang sumulpot sa harap ko. Magsasalita pa sana ako pero naglalakihang sasakyan ang sunod-sunod na pumarada daan. Ilang sandali pa'y naaaninagan ko ang napakaraming bodyguard at ang pagdating ng mga kilalang negosyante.

"Dad!"

"Dr. Watson, what brought you here?"

"I'm here to fetch my kids. Let's go, Sammara. I'll drive you home."

"But Dad, kuya is—"

"BITAWAN N'YO 'KO! BITAWAN N'YO 'KO!"

"LET ME GO!"

Napatingin kami sa nagsisisigaw na sina Neightan at Brayan habang hawak ng mga bodyguard.

"Dad, anong kalokohan 'to?!" usal ni Neightan pagkalapit sa doktor.

"Neightan, Sammara, sumakay na kayo sa kotse."

"And Brayan, sumama ka sa 'kin," giit naman ni Mr. George na naroon din.

Nakakagulat ang paisa-isang pagsulpot ng mga ito sa harap ko. Para silang mga kabute na bigla na lamang nagsasalita mula kung saan.

Pero hindi pa natatapos ang grand entrance para sa members ng IG Network dahil kasunod no'n ang pag-ihip ng napakalakas na hangin at ang paghawi ng elesi mula sa himpapawid. Pagkalapag ng helicopter sa Sunken Garden ay napuno ng alikabok ang paligid ngunit kahit gano'n ay malinaw kong nabasa ang 'Lim Airlines' at kitang-kita ko ang pagbaba ng mga pamilyar na mukha sa helicopter.

"Don't lay any finger on my brother, George!"

"Maricar?"

"Yes she is!" sabat naman ni Eomma na mas lalo kong ikinagulat. "I called her to fix this mess, George. I never imagined na magagawa mo 'to kay Kian."

"But he agreed."

"Shut up, Kalle!"

Supalpal ang daddy nila Neightan sa Eomma ko. Woah!

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa palagid. Masyadong unexpected ang pagdating nila sa Camp Bridge... At this point, sila na ang naging center of attraction. Pati mga teacher ay nakikiusyoso na rin.

"Ate, ano ba talagang nangyayari?" baling ni tito Brayan sa kasama ni Eomma.

One thing is for sure, kaharap ko na ngayon si Maricar Depensor. Ito ang pangalawang kapatid ng daddy Kian ko.

"Listen Maricar, Kian and I already talked about this set up. I'll make sure your brother won't get hurt from anyone. That's a promise."

"I'm sorry, George, but your favor is totally a drag! Would you please act yourself?!" sabi pa ni Maricar. I mean, tita Maricar. "If ever your wife Kara is here, she will also disagree to use someone as a bait for the sake of your —"

"Stop it, Maricar!"

"What's going on here?"

Speaking of grand entrance, heto na nga ang school President. Lumapit ito sa 'min at pilit inuunawa ang mga nangyayari.

"I wasn't informed you guys were here to fetch your children in the middle of class hour."

"Louisa, would you please stay out of this?"

"Kalle, this is my school. How can I stay out of the line, if guys were keep on making a scene?!"

"I'm sorry. It's my fault," pag-amin ni Mr. George.

"We better leave," giit naman ni tita Maricar. "Get in the helicopter, Brayan."

"Kim, tara na!" utos din sa 'kin ni Eomma.

Wala kaming nagawa ni tito Brayan kung 'di ang sumunod at papuntang helicopter.

"That fast?" pagtataka naman ng school President. "Dumating lang ako, aalis na kayo? Why don't we just have some coffee?"

"Maybe next time, Louisa." tanggi ni tita Maricar. "I have more important business than drinking coffee with you."

Oh my gosh!

Tita Maricar is indeed a war freak! No wonder, nagawa n'yang agawin ang asawa ni ninang Natalya.

"Let Brayan stay with George's custody."

"Kuya!"

"Hon, what are you doing here?"

We're both shocked pagkakita kay Dad.

"Si Brayan ang nawawalang anak ni George. Natural lang sumama siya sa totoo n'yang ama."

"WHAT?!!!!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CAMP BRIDGE: Class of 2008Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon