Campus Warfreak

9 3 0
                                    

KIM POV

"JERRYME, WAIT!" sigaw ko mula sa kalagitnaan nang napakaraming estudyante.

Pero mukhang useless ang ginawa kong pagsigaw dahil parang wala siyang balak huminto o lumingon. Pagkatapos ay narinig ko pang pinagbubulungan ako ng mga estudyanteng nakasuot ng itim na blazer

"So uneducated! Why she's shouting?"

"Why she's wearing a white blazer, in the first place?"

"Is she's a lesbian?"

Eh, 'di wow! Ako na 'tong center of attraction! Porke ba cross-dresser ako at nakasuot nang kulay puting blazer ay ku-question-nin na nila ang pagkatao ko?

Pesteng Jerryme naman kasi 'to! Ayaw huminto sa paglalakad. Parang bingi.

"Hey! I said wait!" wala na nga ako nagawa kung 'di habulin at sabayan siya sa mabilis na paglalakad. "Sure ka bang dito ang daan papuntang canteen?"

"Magbasa ka. May signages naman." pagkasabi'y mas binilisan niya ang paglalakad.

"Teka nga! Bakit ang bilis mo maglakad? Iniiwasan mo ba 'ko?"

"Sa tingin mo ba hindi?"

"Hala, ano namang ginawa ko para iwasan mo 'ko? May nasabi ba 'kong mali?"

"Sa tingin mo ba wala?"

Napaisip tuloy ako. "Tungkol ba 'to kay Princess Lois?"

"Alam mo naman sensitive ako pagdating sa engagement namin 'di ba."

"Oo na! Nakalimutan kong bawal nga pala i-open ang tungkol sa engagement ninyo hangga't hindi ka pa nakaka-move on sa ex mo."

"Kim, ano ba?! Mag-ingat ka nga sa mga sinasabi mo! Baka marinig ka ng mga tauhan ni Dad!"

"Blah, blah, blah," nag-make face na lamang ako nang kung ano-anong facial expression saka humakbang papasok sa canteen.

Aware naman akong sensitive si Jerryme pagdating sa engagement nila ni Lois. Pero kasalanan ko ba kung makati ang dila ko? Paano kaya s'ya makaka-move on kung puro rebound material ang hinahanap n'ya? Ewan ko ba naman kasi sa lalakeng 'to! Nasa kan'ya na nga ang lahat— takot naman magmahal!

***

"Iskuwelahan ba 'to?!"

Hindi ako makapaniwala sa interior design inspired by ancient era at mga nagliliwanag na chandelier sa loob ng canteen. Pati mga waiter at janitor ay naka-suit pa! Feeling ko tuloy ay nasa isang vintage five star restaurant ako ngayon.

"Uy! Girl, section one ka rin?" nakangiting lumapit sa 'kin ang isang babae na kapareho kong kulay puting blazer ang suot, nakapalda ito at mayroon black and white checked necktie.

Sa pagkakaalala ko ay ito 'yung nakita ko sa basement na nakasuot ng varsity jacket kanina— 'yung may engraved na 'Watson' sa likod.

"Yes," matipid kong sagot saka tumingin sa pintuan habang hinihintay si Jerryme.

"Transferry ka ba? Saan school ka galing?" tanong pa ni Watson na mukhang plano pa pahabain ang usapan. "Gusto mo ba ipakilala na kita sa ibang section one? Nasa auditorium na sila. Tara! Sabay ka na sa 'min pumunta."

"Ah, eh, k-kasi—" hindi ko alam kung paano magagawang ignore-rin ang charm ng babaeng ito na mukhang magiging kaklase ko pa yata.

Kaya para mabaling sa iba ang atensyon ay binasa ko ang pangalan nito sa suot na nameplate. Sammara Kelly B. Watson. Nice name. Maganda ito sa maganda. Pero hindi ko rito nakikita ang pagiging easy to get kaya wala ako planong magpaakit dito.

CAMP BRIDGE: Class of 2008Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon