Clark Samson Fontanilla

3 1 0
                                    

"I'm sorry, Ma'am. Busy po sa office of the CEO, hindi sumasagot ang secretary niya."

"Anak ng tipaklong naman 'tong si Maureen!" maktol ni Lois.

"Tawagan mo na lang kasi sa cellphone," sabi ko.

"Nagpalit nga ng number, eh! Ewan ko ba kasi sa babaeng 'to kung bakit napakahirap maka-bonding! Ultimo sunday nasa office!"

"Ma'am, kung gusto n'yo, magpa-reserve na lang po kayo ng appointment para bukas. Fully booked po kasi si Madam ngayong araw."

"Naiirita na 'ko ha!" napasapok sa noo si Princess Lois. "Let's put it this way, Miss, ituro mo sa 'min ang daan papunta sa office niya, or else ipapa-cancell ko sa Mc Royalty and Forbes Corporation ang lahat ng investment namin sa kompanyang 'to! Hindi mo yata kilala kung sino ang kaharap mo ngayon."

"Uy, Lois, sobra naman yata 'yan," sinubukan ko na siyang awatin sa pagyayabang.

"Excuse me, what's happening?" tanong ng kung sinong nagsalita.

Napatingin kami sa direksyon nito.

"Uy, Clarck! You're here!" sabik na yumakap dito si Lois. "Binibisita namin si Maureen. Eh ikaw?" tanong pa niya pagkadistansya rito.

"Dinalhan ko lang ng pagkain si Maureen."  nakangiting sagot nito na nagpalitaw sa braces ng mga ngipin.

Napakaguwapo ng lalakeng kaharap namin ngayon. Siguro naglalaro sa 5'8 ang height nito. Matikas ang pangangatawan nito at preskong-presko kung manamit. Nakabukas ang dalawang butones sa itaas ng suot nitong white polo kaya makikita ang ma-muscle-muscle na bahagi ng dibdib. Medyo pangahin ito at may kulay grey na mga mata. Kung naging singkit lamang ang bilugan nitong mga mata ay masasabi kong puwede na sila maging magkamukha ni Kentaki. Mukha naman itong goodboy sa semi-kalbong hairstyle.

"Hindi yata ako na-inform, delivery boy na pala ang role mo sa buhay ni Maureen ngayon." pagpapatuloy naman ni Princess Lois sa usapan. "So, ano 'to? Bantay-salakay ka na kaagad porke nalaman mong break na sila ng pinsan mo. Ayos din talaga 'yang mga diskarte mo, 'no!"

"Anong masama do'n? Single naman s'ya?"

"Very nice answer!" napahalakhak si Princess Lois. "Ang akala ko ba lalayuan mo na s'ya? Hindi pa ba sapat 'yong pinatapon ka ng mga magulang mo sa Philippine Military Academy para lang magtanda ka? And, anyway, how come na narito ka? 'Di ba stay-in kayo sa dorm slash camp site or what so ever kung anomang tawag do'n sa tinutulugan ninyo? So, bakit nandito ka? Don't tell me, puwede na kayo maglabas-pasok do'n."

"Siyempre gano'n ako kalakas sa commander namin! Ako yata si Clarck Samson Fontanilla!"

"Eh, 'di ikaw na!" napaismid si Princess Lois. "Ikaw na ang anak ni General Marck Fontanilla! Ipangalandakan mo na rin, si Celina Samson ang mommy mo. At mayroon kayong 25% of shares sa IG Network!"

"Wow! Kailangan mo ba talagang sabihin 'yon?" komento ko naman. "Excuse me, since nakapasok ka naman sa loob, puwede mo ba kami samahan papunta sa office ni Maureen?" sinadya ko na rin makisali sa usapan nila.

"One by one ang pagpasok sa pinakaloob! Kailangan n'yo muna makakuha ng visitors ID, iyon kasi 'yung magiging access ninyo. Bale ita-tap iyon sa parang machine na kagaya sa MRT or LRT stations para bumukas 'yung mga harang at pintong dadaanan ninyo. Masyado na rin kasing high-tech ang buong building ng Metrobank, eh. Hindi basta-basta nakakapasok ang mga outsider."

"For sure, invention na naman 'yon ng Apple Corporation. Minsan talaga hindi nakakatulong 'tong si tita Natalya, eh!" bulong na lamang ng prinsesa.

"Paano naman kami makakakuha ng Visitors ID?" tanong ko uli at hindi pinansin ang pag-iinarte ni Lois. "Makakausap pa rin ba namin si Maureen kahit wala kaming appointment sa kan'ya?"

"Mayroong form do'n sa information desk. Mag-fill up kayo isa-isa. Isulat n'yo na lang sa form na naka-schedule kayo for OJT Interview, tapos si Mr. Frias ang contact person. Mag-iwan na lang kayo ng school ID sa receptionist in exchange of Visitors ID. Huwag n'yo kalimutan i-claim 'yon bago kayo umuwi."

"Puwede ba 'yon?" paninigurado naman ni Princess Lois.

"Siyempre kunwari lang na si Mr. Frias ang sadya ninyo. Masuwerte kayo kung tutuusin kasi nasabay ang pagpunta n'yo sa interview ng mga OJTs."

Napatango na lamang ako sa paliwanag nito.

"Ang mahalaga naman makalagpas kayo sa harang na 'yon," tinuro pa nito ang mga machine sa 'di kalayuan. "Tag-iisang ID lang ang kailangan ninyo. Pagkatapos no'n, pumunta na kayo sa 15th floor, East tower. Pagkalabas ninyo sa elevator, diretsuhin nyo na lang 'yung hallway kasi nasa dulo ang office ni Maureen."

"Wow, thanks!" sabi ko. "Tara! Princess Lois, mag-fill up na tayo ng form!"

"Ikaw na mag-fill up ng sa 'kin. Pipirmahan ko na lang. Tinatamad ako magsulat!" walang ganang utos niya saka naupo sa pinakamalapit na sofa.

Sumunod naman sa kan'ya ang dalawang bodyguard niya.

"Kahit kailan buhay prinsesa talaga ang babaeng 'yan," napapailing na komento ni Clarck. "Malas mo, ikaw pa naging boyfriend n'ya."

"Correction, wala kaming relasyon!" Matapos no'n ay inirapan ko ito at dumiretso na ako sa Information desk para mag-fill up ng form.

Grabe! Kahit minsan hindi ko na-imagine ang sarili ko na karelasyon si Princess Lois. Kadiri!

Katulad nang instruction ni Clarck ay nag-elevator nga kami papunta sa 15th floor at naglakad hanggang makarating sa dulo ng hallway kung nasaan ang sinasabing office ni Maureen. Nanatili namang nakasunod sa 'min ang dalawang bodyguard ng prinsesa dahil nag-fill up din sila ng form.

"Excuse me, saan kayo pupunta?" Tanong ng security guard na humarang sa 'min.

Magsasalita sana ako pero bigla namang umaksyon ang isang bodyguard ni Princess para hawakan ito sa magkabilang balikat.

"Anong ginagawa ninyo?" puna ng isang empleyado.

Sa tingin ko ay ito na nga ang secretary ni Maureen.

"Security! Security!" taranta nitong idinial sa telepono ang emergency number. "Magpadala kayo ng security rito!"

Habang dina-dial nito ang number ng security hotline sa telepono ay mabilis naman kaming nakapuslit papasok sa office ni Maureen gamit ang iti-nap naming visitors ID sa pintuan.
Naiwan na lamang sa labas ang dalawang bodyguard ni Lois para ayusin ang gulong sinimulan namin.

CAMP BRIDGE: Class of 2008Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon