GARRY POV
"Finally, you answered!" bungad ni Princess Lois sa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag niya.
Nakailang missed calls na rin kasi siya mula kanina. Hindi ko naman masagot dahil busy ako't naka-duty sa restaurant.
"Honnêtement, j'ai beaucoup de putain de choses à vous demander et cela me rend fou de vouloir vous poser ces questions effrayantes si mal!"
"Lasing ka?" kaagad na pumasok sa isip ko.
Hindi naman kasi siya magsasalita ng French at magmumura kung nasa matinong pag-iisip. Ayon pa sa auto language translator ko, 'honestly, I have a lot of fucking things to ask you and it makes me feel crazy by wanting to ask you these freaking questions so badly!' ang ibig sabihin ng mga sinabi niya.
Narinig ko rin ang mga tunog ng sasakyan sa kabilang linya kaya malamang nasa kalsada siya.
"G-gabing-gabi na, bakit nasa labas ka pa? S-saka a-ano ba 'yong itatanong mo? Bakit kailangan mo pa maglasing?" pag-aalinlangan ko sa mga tanong. Katatapos lang kasi ng trabaho ko at nag-aasikaso na 'ko pag-uwi nang tumawag siya.
Sa Celina Condotel and Restaurant ako nagtatrabaho bilang part time waiter at bellboy. Magdadalawang taon na rin mula noong ipasok ako rito ni President Tiamzon kaya bilang ganti ay pinagbubutihan kong maigi ang pagtatrabaho para hindi ito mapahiya lalo na nga't malapit na kaibigan nito ang amo ko. Pero may mga pagkakataon talagang hindi maiiwasan na magkaroon ng conflict kapag nagkasabay ang pagpapatawag sa 'kin ni agent Samson at ang oras ng trabaho ko sa restaurant.
Kahit pa sabihing magkapatid sina agent Natalya Samson at ma'am Celina Fontanilla ay iba pa rin ang mundong ginagalawan ko. Isa pa'y walang alam si ma'am Celina sa headquarters na pinapatakbo ng kapatid nito at sa pagkakaroon ko ng ugnayan dito kaya isa talagang napakalaking rebelasyon ang magaganap kung sakaling magkabistuhan. Mabuti na lamang hindi ako naging close sa mga anak nilang sina Clarck at Kentaki dahil isa rin iyong problema kung magkakataon.
"Is it true that you and Doreen a-are in a relationship?" tanong ni Princess na nagpabalik ng isip ko sa realidad.
Natulala kasi ako sa hallway pagkakitang paparating si Dr. Watson kasama ang mga bodyguard nito.
"Is she's better than me?" tanong pa niya. "A-am I not enough?"
"P-Princess ang totoo kasi n'yan," hindi ko alam kung paano magpapaliwanag. Hindi ko rin kasi napaghandaan ang itatanong niya. Kaya naman napaatras na lamang ang laway at dila ko sa hindi malamang isasagot.
"Well, I guess silence means yes."
Naramdaman ko ang pait sa boses na 'yon ng Prinsesa.
"It seems like, nobody's afraid to lose me. Nobody will dare to fight for me. I'm a big nothing. Ang akala ko kasi may gusto ka sa 'kin. Assuming lang pala ako."
"P-Princess lasing ka lang. Nasaan ka ba? Pupuntahan kita."
Ayoko na marinig ang mga susunod pa niyang sasabihin. Masyado na kasi siya nagmumukhang talunan. Isa siyang prinsesa. Hindi siya dapat nakakaramdam nang gan'yan.
"I'm fine. I'm with Jerryme... Y-yyou have nothing to worry. Maybe it's time para isipin ko naman ang tungkol sa 'min. In the end, sa kan'ya pa rin naman ako ikakasal, eh," sabi pa niya. "Bye, Garry."
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Princess Lois sa mga sandaling ito. Hindi ko rin naman kasi ine-expect na maiisip niyang posible ako magkagusto sa kan'ya dahil kahit na minsan ay hindi iyon pumasok sa isip ko. Siguro nga baka dala lamang ng kalasingan.

BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2008
Teen Fiction"Ako gawa sakit. Ikaw, gawa gamot sakit... Kapag binili at ginamit mo ang Matte Lipstick, hindi ka na tatanda. Kailangan mo lang i-maintain ang gamit para manatili ang kabataan. Pero bawal ma-overdose dahil kabaliktaran no'n ang magiging resulta." S...