School of Elites

8 3 0
                                    

GARRY'S POV

"They're right! Section one ka na nga!"

Kasalukuyan ako naglalakad sa hallway papuntang auditorium nang napansin ang kakaibang tingin na ibinabato ng mga estudyanteng nakakasalubong sa daan.

Kulay puti na kasi ang suot kong blazer at alam ng lahat na mga nasa section one lamang ang nakakapagsuot nang ganitong kulay ng blazer dahil mula section two pababa ay itim na blazer ang suot.

"Your sponsor is indeed has a strong connection with the school President," sabi pa ni Cindy na mayroong hawak na Frappe. Kaklase ko ito last year. Ang anak ng Principal.

"P-pasensya na. H-hindi ko naman alam na ililipat nila ako sa section one. K-kung gusto mo palit na lang tayo ng section."

"Are you kidding me?! Let me remind you, isa ka lang basura na binihisan ni Mayor Tiamzon! Hindi ka nababagay sa section one dahil mas mabaho ka pa sa poop!" pagkasabi'y sinadya nito buhusan ng Frappe ang sariling sapatos. "Gosh! Natapon! Puwede mo ba punasan 'yung shoes ko. Malagkit, eh."

Nababaliw ka na ba?

Umakto na lamang ako sa pagdukot ng panyo mula sa bulsa para uto-utong punasan ang sapatos.

"Hey, Garry, sensitive sa magaspang ang leather shoes ko. Puwede ba 'yung blazer mo na lang?"

"She's right," pagsang-ayon naman ng kasama nito.

"So, ano pa hinihintay mo? Take it off."

"Take it off! Take it off!" kantyaw ng iba.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Cindy para papunasan sa 'kin ang sapatos na sinadyang binuhasan ng Frappe. At kung hindi ba naman may sayad ang utak nito ay bakit pati suot kong blazer ay gusto nito gawing basahan.

Bully nga naman!

"Garry, male-late na kami sa assembly puwede ba punasan mo na 'tong shoes ko?"

Nerd lang naman ang magpapauto sa inuutos nito. Pero dahil nerd ang image ko ay malamang na magpauto ako. Sabagay ako lang naman ang kaya nila bully-hin magmula pa noong tumuntong ako sa Camp Bridge kaya wala na 'kong magagawa kung 'di magpa-bully katulad nang nakasanayan.

Saka wala naman mangyayari kung papatulan ko sila dahil sa Guidance Office rin ang bagsak ko. At malamang na magagawa lang nila baliktarin ang kuwento para ako ang pagmukhaing masama. O kung hindi man, ang fraternity na ng boyfriend nito ang bahalang bumugbog sa 'kin pagkatapos ng klase.

Ganito ako ka-looking forward sa mga mangyayari kaya hindi na ko nag-aaksayang lumaban lalo na't bahagi ng misyon ko ang magpa-bully.

"TIGILAN N'YO NGA SI GARRY!"

Pero katulad ng dati ay heto na naman si Chloe para ipagtanggol ako laban sa mga kaklase.

"Garry, nababaliw ka na ba talaga?" lumapit si Chloe para pigilan ako sa ginagawang paghuhubad. "Hindi mo ba alam na nakalagay sa handbook ng Camp Bridge na bawal gawin basahan ang school uniform? Kung hindi ka ba naman uto-uto!" pagkasabi'y hinatak n'ya 'ko palayo. "Tara na nga sa auditorium!"

"HOY, GARRY! BUMALIK KA RITO! HINDI MO PA NAPUPUNASAN ANG SAPATOS KO!" narinig ko pang nanggagalaiti sigaw ni Cindy habang palayo kami.

At sila nga ang mga bumubuo sa section two.

Sila ang mga dati kong kaklase na wala ibang ginawa kundi bully-hin ako noong first year, kaya pinagpapasalamat ko na naging kaibigan ko ang Class President naming si Chloe Tiamzon dahil malaki ang naitulong niya para iligtas ako sa walang katapusang pambu-bully ng mga kaklase namin. Nakakalungkot lang isiping hindi ko na siya magiging kaklase ngayong second year.

CAMP BRIDGE: Class of 2008Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon