"Kung gano'n, aalis na 'ko," paalam ko saka kinuha sa sofa ang paperbag.
Lumakad ako papunta sa sensory door ngunit nang bumukas ang pinto ay kasabay no'n ang pagbungad nang napakaguwapong panauhin.
Sa sandaling pagkukrus ng landas namin ay para bang nag-slow motion ang lahat. Hindi ko alam kung bakit ako natulala sa kulay abo nitong buhok at pormahang madalas napapanood Korea-novela.
Teka, hindi ako nanonood ng Korea-novela! Nakita ko lang sa internet.
"Daemo!" namalayan ko na lang na nakapasok na pala ito sa loob ng opisina at mabilis na yumakap kay agent Samson.
Ayon sa translation ay tinawag n'ya itong 'Ninang'
"Ikaw na ba 'yan, Kim— berly?" wari'y dumistansya rito si agent Samson para kilatisin mula ulo hanggang paa. "Ang laki nang pinagbago mo, ah! Hindi na kita nakilala!"
"Daemo, huwag mo na po 'ko tawaging Kimberly! Ako na ngayon si Lim Kim Park. You can call me Kim, for short."
"Gan'yan ba talaga kalaki ang impluwensya ng Korea sa 'yo, kaya pati 'yang gender mo ay mayroon na rin adaptation?"
Natawa naman ito. "Daemo, hindi pa naman ako transgender kaya may chance pa 'kong bumalik sa pagiging babae. But for now, i-enjoy-in ko po muna ang pagiging lesbian." pagkasabi'y marahan nitong hinubad ang green scarf na nasa leeg at ang magkabilang gloves sa kamay. "Ang init naman dito!" sunod nitong hinubad ang mahabang leather jacket na puro aluminum designs hanggang sa matira na lamang na suot ang pulang hanging blouse at ang malalaking bangles sa kamay.
"Paano hindi iinit kung doble-doble ang suot mo?"
Sa wakas ay napuna rin ni agent Samson!
"So, sinong kasama mo umuwi sa Pilipinas?"
"Si Eomma," sagot nito habang inaayos ang pagkakalagay ng matulis na hikaw sa kaliwang tainga. "Pero humiwalay po s'ya sa 'kin sa airport kasi dadaanan pa raw niya 'yong totoo kong appa. At ang sabi niya, dumiretso na raw ako sa 'yo." bigla itong pumameywang. "Nakakainis nga, eh! Nang pumunta po ako sa condo mo, wala ka naman do'n. Kaya pumunta na lang ako sa bahay n'yo, kaso sabi naman ng katulong nasa office ka raw. Kaya dumiretso na po ako rito. Iyon nga lang, muntikan pa maging epic kasi ayaw ako papasukin ng security guards! Grabeng hassle talaga 'to, Daemo!"
Bahagya naman natawa si agent Samson.
"Balita ko may girlfriend na raw 'yong anak mo. Maganda po ba? Pakilala mo naman po sa 'kin baka kaya ko pang sulotin!"
"Kim, umayos ka ha!"
"Yagsog, naneun jinjihae!"
'Seryoso po ako. Promise!' Ang sabi nito.
"Baka gusto mo ma-grounded gaya nang nangyari kay Clarck matapos agawan ng girlfriend ang anak ko?"
"Talaga po? Hindi ko ma-imagine na nagawang pag-agawan ng magpinsang 'yon ang iisang babae! Sino po ba 'yon?"
"S'ya lang naman ang successor ng Metrobank."
"Succersor ng Metrobank? Do you mean, Maureen Lincoln? Yung International cosplayer? Eh, paano 'yon, engaged pa rin po ang anak mo kay Airish, 'di ba?"
"Well, at the end of the day, kay Airish pa rin naman s'ya ikakasal. So, there's nothing to worry about it."
"Kawawa naman pala 'tong si Maureen. Hay! Ang hirap talaga makipagrelasyon. Kaya ako, puro pambababae na lang 'tong inaatupag ko, eh. At least, hindi ako uuwing talunan sa huli."
"Kaya nga hindi na ko nagtatakang anak ka ni Atty. Frank Depensor. Namana mo sa kan'ya ang pagiging playsafe!"
"Correction, he maybe my biological father but as long as si Prime minister Park Suk Goo ang nasa birth certificate ko, Atty. Depensor will never be a father to me."
Napaismid naman si agent Samson.
Hindi ko na hinintay matapos ang pagkukumustahan nila kaya itinuloy ko na ang paglabas sa building ng Apple Corporation.
***
"Kaasar! Napakahaba pa ng bakanteng oras! Ano naman kaya ang gagawin ko ngayon?" binalik ko ang tingin sa pinanggalingang building at ngayon ko lang na-appreciate ang nakakapanlulang taas nito.
Kung tutuusin ay hindi na nakapagtatakang ganito kaganda at katibay ang building ng kompanya ni agent Samson lalo na't asawa niya ang Presidente nang pinakatanyag na construction company sa mundo— ang Yamamoto Holdings. Iyon nga lang hiwalay na sila ngayon dahil sa third party.
Sa kabilang banda, bago sa paningin ko ang panauhin ni agent Samson kaya hindi ko ine-expect na may anak na pala ang kuya ni Brayan. Pero, sino nga kaya ang mama nito?
Sayang, gusto ko pa sana magtagal sa loob kung hindi lang magiging komplikado. Mabuti na lang rin na mukhang hindi nito napansin ang presensya ko kanina.
***
Habang naghihitay ng sasakyan sa terminal ng bus ay napansin ko ang mag-amang sarap na sarap sa kinakaing ice cream. Medyo may edad na 'yong tatay samantalang naglalaro naman sa lima hanggang pitong taon ang bata... Bigla ko tuloy naisip ang papa ko.
Kahit minsan kaya ay nakasabay ko s'ya kumain ng ice cream?
Ang totoo n'yan, wala talaga ako maalala na kahit anong memories na may kinalaman sa kabataan ko. Ultimo pangalan at mukha ng mga magulang ko ay hindi ko maalala. Hindi ko alam kung nagka-amnesia ba ako, na-trauma o sadyang hindi lang talaga ako dumaan sa pagkabata.
Hindi ko nga alam kung totoo bang ako si Garry Tolentino dahil nagising na lang ako isang umaga na iyon ang tinawag sa 'kin ni agent Samson.
Basta ang natatandaan ko lang, paulit-ulit n'yang sinasabi na kailangan ko kamuhian ang bumubuo sa Immortals— lalong-lalo na sina Maricar Depensor, Amanda Watson at Louisa Forbes.

BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2008
Teen Fiction"Ako gawa sakit. Ikaw, gawa gamot sakit... Kapag binili at ginamit mo ang Matte Lipstick, hindi ka na tatanda. Kailangan mo lang i-maintain ang gamit para manatili ang kabataan. Pero bawal ma-overdose dahil kabaliktaran no'n ang magiging resulta." S...