Maureen's dilemma

6 2 0
                                    

KIM POV

"Uy, Linking Park! Lagpas ka na! Hindi d'yan CR ng mga tomboy!"

Biglang umurong ang ihi ko sa sinabi ni Neightan Kalle. Hindi ko na nga sana papansinin ang kabastusan nito habang sinasarado ang zipper ng pantalon sa daan. Gustong gusto ko na sana magtimpi kung hindi lang ito below the belt sa pambu-bully.

"Bakit nakatayo ka pa d'yan? Gusto mo ba mamboso sa girls?"

"You know what, Neightan, kung magjo-joke ka, paki-warning-an naman ako para mabigyan kita nang moral sa support sa napaka-corny mong jokes. But thanks for the reminders, ha. Don't worry, kapag nagpunta uli sa bahay namin 'yung Presidente ng Pilipinas, ipo-propose ko sa kan'yang patayuan ng sariling CR ang LGBT Community para hindi mo na kami pinoproblema," pagkasabi'y itinuloy ko na ang paglalakad papasok sa loob ng CR.

Wala ako panahon para pagtuunan nang pansin ang mayabang na Neightan na 'yon. Hindi ako papayag na muli nitong sirain ang magandang umaga ko sa Camp Bridge.

***

Palibhasa naudlot na ang ihi ko kaya dumiretso na lamang ako sa lababo para maghilamos at nang mahimasmasan kahit papaano. Inabala ko ang sarili sa pag-aayos kaya huli na rin nang mapansing katabi ko lang pala sa lababo si Maureen.

"HOLY SHIT! NAKAKAGULAT KA NAMAN! K-Kanina ka pa ba d'yan?"

Pero parang wala siyang narinig. Napakalayo ng tingin niya. Parang napakalalim ng iniisip. Nakapagtataka rin dahil ngayon ko lang siya nakitang nakasuot nang proper school uniform.

"M-Maureen, ayos ka lang?"

Magsasalita pa sana ako pero biglang dumating sina Denice at Nikki. Nagtatawanan sila.

"Seriously, you like Neightan? Yuck! He's a gangster. Why him?"

"Nikki, huwag ka nga maingay! Baka may makarinig sa 'yo!"

"Ano naman nagustuhan mo sa pineapple na 'yon?" pakikisali ko sa usapan nila.

"Ah, eh..." halos mamilipit ang dila ni Denice pagkakita sa 'kin.

"Uy! Kim, nand'yan ka pala!" bati naman ni Nikki. "Who's pineapple you're talking about?"

"Sino pa ba, eh, 'di 'yung—"

Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil biglang bumukas ang pinto sa gawing dulo ng cubicle. Nag-reflect iyon sa salamin kaya halos manlaki ang mga mata ko pagkakita kay Airish DK habang inaayos ang kulay itim na taklob sa mukha.

"Oh, hi! Kayo pala 'yan!" puna nito.

Kahit hindi makita ang ngiti sa nakataklob na labi ay alam kong nakangiti ito dahil iyon ang nakikita ko sa singkit nitong mga mata.

Isa kasi itong espesyal na Muslim kaya mga mata lamang nito ang nakikita. Balot na balot ito nang kulay itim na long sleeve na ipinatong sa school uniform. Lagpas hanggang talampakan ang suot nitong palda at tanging sapatos lamang ang nakalitaw.

Wala pa nakakakita sa totoong itsura nito sa likod nang makapal, mahaba at maluwag na kasuotan. Maliban sa mga kumikislap na ginto sa leeg, braso at daliri ay kapansin-pansin rin ang nunal sa kaliwang bahagi ng mata nito na lalong nagpa-emphasize sa mahabang pilantik ng mga pilik-mata.

"Our first subject is about to start. Nikki , let's hurry!" pagmamadali pa ni Airish. Namalayan ko na lang na nakalapit na pala ito kay Nikki.

"Oh, sis, wait!" habol naman ng kakambal nitong si Denice. "Since we're all here, I want you to meet Maureen Lincoln," pakilala pa nito sa nakatulala pa rin naming kaklase.

"Off course I know her!" hirit naman ni Nikki. "Duh, she's kuya Kentaki's girlfriend."

"I know," napakibit-balikat si Denice. "But I never said sa 'yo ko s'ya ipakikilala."

"I see."

"Maureen, this is Airish, my twin sister. The one I'm talking who's interested to join in your club!"

"Hello, Maureen! It's nice to finally meet you."

Palihim kong pinagmasdan si Maureen. Bigla siyang natauhan at kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya pagkakita kay Airish DK. Hindi lamang siya basta natulala dahil hindi na rin niya malaman ang sunod na gagawin at sasabihin. Pakiramdam ko nga'y bigla siyang nakaramdam ng ackwardness sa hindi inaasahang pagkikita nila.

"Sorry, I never had a chance to visit OTAKU's office. I'm kinda busy in academics, eh. Maybe next year, ipa-priorities ko na ang pagsali sa mga club. Sorry ha."

"Ano ka ba besh, ok lang 'yon kay Maureen!" sabat ni Nikki. "For sure nauunawaan ka n'ya kasi lahat naman tayo naghahapit for the second grading."

"Y-yah. No worries," napatango na lamang si Maureen bilang pagsang-ayon.

"But then, sorry talaga," umakto pa si Airish nang paghawak sa magkabilang kamay ni Maureen. "After the exam, let's have some coffee, so we can get to know each others. Sobrang looking forward kasi ako na maka-bonding ang girlfriend ng fiance ko, eh."

"S-sure."

Kung narito lang siguro si Princess Lois ay baka natawa na lamang ito habang pinapanood si Maureen. Nakakatawa kasi isiping halos matameme ang aming most talkative habang kaharap ang mortal na karibal sa puso ni Kentaki.

"Besh, tara na!" tawag naman ni Nikki mula sa pintuan.

"Alright! See you around, Maureen" paalam pa ni Airish bago tuluyang lumabas sa cr.

Naiwan kami nila Maureen at Denice sa loob.

"Hindi pa ba tayo papasok?" tanong ko sa mga kaklase.

"Are you okay, Maureen?" puna naman ni Denice. "Sorry, I didn't mean to offend you... or anything."

"Yes, I'm okay. Mauna na kayo sa room. M-may aasikasuhin pa kasi ako."

CAMP BRIDGE: Class of 2008Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon