Stage One

7 2 0
                                    

Ngayon nga'y nabubuhay kami sa taong 2008. Ang panahon kung kailan hindi angkop sa realidad. Bagaman kakaiba ang mundong ginagalawan namin ay nasanay na kami sa delikadong pamumuhay.

Kahit saan ko ibaling ang tingin ay puro 4D technologies ng Apple Corporation ang makikita. Katulad nang HD gadgets, micro robbots at hologram conversations na hindi pa nailalabas sa publiko.

Pagtungtong sa third floor ay isang umaaandar na elevated machine ang sumalubong sa 'min. Sa sobrang bagal ng andar nito ay nagpasya na lang ako maglakad. Atat na kasi ako makita si agent Samson dahil sa napakarami kong tanong na dapat nitong sagutin.

Subalit hindi pa man ako nakakalayo sa elevated machine ay may matutulis na Lasers ang biglang dumampi sa 'king damit. Hindi pa man ako nakakabuwelo ay sinundan na 'yon ng iba magkakasunod na blaze laser mula kung saang sulok ng hallway.

"Doreen, ano ba 'to? Hindi ba nila ako nakikilala?"

Lumundag ako at lumambitin sa kisame sa pagbabakasaling makaiwas ngunit kahit saan yata ako pumunta ay nananatili lamang nakasunod ang mga 'yon. Kaya wala na akong choice kung 'di lumusot sa natitirang makitid na espasyo sa pagitan ng bawat Lasers para makarating sa kabilang dulo ng hallway.

"Hanggang dito ba naman?!" napasapok na lamang ako sa noo.

"Restricted na rin kasi ang office ni agent Samson kaya hindi ka puwede gumawa nang anumang ingay na lalagpas sa five decibels. Or else, magkakalasog-lasog ang katawan mo mula sa mga nakahandang Lasers na sasalubong sa 'yo," paliwanag pa ni Doreen.

Pagkasabi'y dahan-dahan niyang hinakbang ang mga paa. Naglakad siya nang tahimik hanggang makarating sa kinatatayuan ko.

"Kung gano'n, wala akong panahon huminahon!" pagkasabi'y pabalibag kong binuksan ang katapat na pinto kung nasaan ang opisina ni agent Samson.

Sa loob ng ay bumungad sa 'kin ang napakalawak na silid. Naglakad ako papasok hanggang makitang nakatayo sa tapat ng bintana si agent Samson habang hawak ang kopita ng alak.

"What brings you here, agents?"

"Mayro'n o wala lang ang isasagot mo!" padabog kong ipinatong sa lamesa niya ang kaliwa't kanang kamao. "Mayro'n bang kinalaman ang nakaraan ko sa pagiging magkadugo namin ni chairman Forbes?"

"G-Garry?"

"Agent Samson, mayroon o wala lang ang isasagot mo! Please, huwag mo na 'kong pahirapan. Sobrang gulo na ng utak ko. Kung ayaw mong magpaliwanag, kahit mayro'n o wala na lang sana ang isagot mo. Iyon lang, malaking tulong na iyon."

"lniisip mo bang ikaw ang nawawala niyang anak?"

Napatigil ako. Napaisip. Kahit minsan kasi ay hindi manlang sumagi sa isip ko ang posibilidad na 'yon.

"C'mon, agent Garry, hindi lang ikaw ang nagtataglay nang misteryosong pagkatao. Hindi lang ikaw ang naulila. Kaya para ipaalam ko sa 'yo, isang ampon si Brayan Depensor. Malaki ang koneksyon ng pagiging ampon niya sa nawawalang emerald ni chairman Forbes kaya kung ako sa 'yo, pagtuunan mo nang pansin si Brayan."

"P-pero," napatiim bagang ako. Hindi ko inaasahan na iyon ang makukuhang sagot mula rito.

"So, we have visitors!"

Kaagad kami napatingin sa underground staircase kung saan nanggaling ang boses

"Dr. Neil!" bulalas ni Doreen.

Napalunok ako pagkakita sa dumating.

Umuusok ang laman ng bitbit nitong test tube racks.

Bihira lamang ito magpakita sa 'min dahil madalas ito mangibang bansa para sa undercover missions. Isa itong scientist. Expertise nito ang pag-imbento nang mga formula para sa gadgets at machines ni agent Samson.

Maganda ang tikas at hubog ng pangangatawan nito. Balbas-sarado ito't blond ang buhok. American citizen at mayroong kulay asul na mata. Samantalang gawa sa metal ang maskarang nakatakip sa kanang bahagi ng pisngi nito. Para itong half human, half robbot.

"Dr. Neil! It's good to see you here!" daing naman ni Doreen. "Actually, I was about to beg agent Samson to tell you that I needed you so badly. My mom is having struggles. These past few days kasi kung ano-anong weird na bagay 'yung sinasabi n'ya. Kung ano-anong obsessions ang ginagawa niya to the point of hurting own body. Like kinakagat n'ya 'yong braso niya at isa-isang tinatanggal ang mga kuko sa daliri. Do you think it's normal?"

"Sounds weird, huh," komento ni agent Samson.

"Please, Doc, invent an extraordinary formula to cure her."

"Let's see what I can do," nasabi na lamang ni Dr. Neil.

Kung ganon, may sakit pala ang mommy ni Doreen.

Isa siguro iyon sa dahilan kung bakit minadali ang pag-hire kay Maureen bilang CEO ng kompanya nila.

***

Sa huli ay umuwi akong palaisipan ang mga sinabi ni agent Samson. Kung suot ko lang sana ang eyeglasses ay malaki ang maitutulong no'n para solusyunan ang mga iniisip ngayon.

Sayang, hindi na 'ko nagkaroon nang pagkakataon para maitanong kay Dr. Watson ang tungkol sa salamin ko. Naniniwala akong gumagana pa iyon at tinatago lamang nito kung saan. O kaya nama'y mayroong ibang nakapulot sa kalsada. Basta sigurado akong ayos pa iyon dahil hindi iyon basta-basta nasisira at nababasag. Masyado iyong hightech para maging disposable.

CAMP BRIDGE: Class of 2008Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon