Video Recording

4 2 0
                                    

Ayon sa video kung saan maririnig ang boses nina Rick Lee at Lois ay palihim nila sinusundan ang date ng magkasintahang Kentaki at Maureen. Nasa parking lot sila ng mall. Katatapos lang din siguro ng klase dahil naka-school uniform pa sila.

Nang um-angle shot ang lente ay hindi nila inaasahang mahagip sa frame ang paghahalikan ng kung sinong magkarelasyon mula sa sinasandalang Porsche.

Nagtatawanan sina Princess at Rick Lee habang sinu-zoom in ang video ngunit kasabay nang pag-zoom in na 'yon ay ang pagbagsak ng DSLR sa sahig.

...Na patuloy pa rin sa pagre-recording.

"HOY, BRAYAN!" pumagitna si Princess Lois sa naghahalikan.

Hinablot niya ang braso ng lalake saka ito binungaran nang sampal na sobrang ikinagulat ng magkakaklase pati na rin ng babaeng kahalikan nito.

"P-Princess, a-anong ginagawa mo rito?"

"Ikaw, ano sa tingin mo 'yang ginagawa mo?!"

"K-kasi—" mangangatuwiran pa sana ito pero mas nagulat ito pagkakita kay Rick Lee kasama ang magkasintahang Kentaki at Maureen. "K-kanina pa ba kayo d- d'yan?"

Napaismid lamang si Rick Lee bilang sagot. Samantalang kitang-kita kung paano nagkukuyom ang kamao ni Kentaki na nanggagalaiting manuntok kung hindi lang pinipigilan ni Maureen.

"How dare you doing that to him!" sabat naman nang kahalikan ni Brayan kanina.

Si Tyra Han ang kahalikan ni Brayan. Umakto ito nang pagganti ng sampal kay Princess ngunit sinalag iyon ni Brayan.

"Tyra, stop!"

"Baby, what are you doing? Let me teach her what she deserves!" sinubukan nito pumalag mula sa pagkakahawak ni Brayan. "Let me go!"

"The movie is about to start. Hurry... I'll join you later.. I have something to clarify here first."

"But—"

"Baby, you have nothing to worry. I can make it."

"Alright," ngumiti pa ito saka nakipag-initiate ng french kiss. "Don't let me wait so long, huh."

"I will."

Wari'y humarang naman si Princess Lois sa dadaanan ni Tyra. "Sa tingin mo ba hahayaan ko lang na makaalis ang babae mong 'yan?"

"Lois, just let her go. Problema natin 'to, kaya wag mo s'yang idamay. Please," umakto pa ito nang paghablot sa braso niya.

"Wow! May pa-please please ka pang nalalaman. Bakit mahal mo na ba s'ya?"

"Lois, nakakahiya sa ibang tao," halos pabulong na ang pagkakasabi ni Brayan habang hawak sa braso si Princess. "Huwag ka gumawa nang iskandalo. Please, umuwi ka na."

"Wala akong paki! Kung gusto mo, ngayon mismo magpatawag pa 'ko ng media para magkasiraan na ng pangalan kung magkakasiraan. Tutal, inumpisahan mo na naman, eh!"

"Lois, itigil mo na 'to."

"Bakit kanino ka ba mas concern? Sa career ng malanding artistang 'yan? Or sa image mo? O baka, magpapanggap ka na naman concern sa 'kin para mauto mo uli ako?" pinagsusuntok niya si Brayan sa dibdib habang sinasabi 'yon. "Gan'yan ka naman, eh! Wala ka ibang hobby kundi ang magpaikot ng mga babae! Ang sama-sama mo! Ewan ko na nga ba kung bakit ako na-fall sa timer na tulad mo!"

"What is she's saying?" pagtataka ni Tyra. "Can you please tell me, what's going on here?"

"Manahimik ka d'yan kung ayaw mo ipa-firing squad kita sa Luneta!" baling naman niya rito.

"Lois, listen," mayamaya'y hinawakan na siya ni Brayan sa magkabilang-balikat para tumigil sa pagwawala. "Ganito na lang," wari'y humugot muna ito nang malalim na buntong-hininga saka siya tinitigan nang diretso sa mga mata. "Let me clarify things to you. OO NILIGAWAN KITA AT AMINADO AKO NA NAGUSTUHAN TALAGA KITA. KASO, NAINIP AKO KAYA HINDI KO NA KASALANAN KUNG NAKAHANAP AKO NG IBA. ANG BORING MO KASI. NAKAKASAWA. WALANG THRILL. HINDI NAGING TAYO KAYA WALA KANG KARAPATAN PARA MAGALIT SA 'KIN NANG GAN'YAN."

"Wow! Sa 'yo pa talaga nanggaling 'yan!" pagkasabi'y humalakhak si Princess at hindi pinansin ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya. "Sana, h-hindi ka na lang nagsimulang manligaw kung wala ka rin pala planong ituloy. Sana... hindi na lang kita in-entertain."

"IYAN. TAMA 'YAN!" duktong ni Brayan. "MABUTI PA, PAG-ARALAN MO NA LANG MAHALIN ANG FIANCÉ MONG SI JERRYME DAHIL SA KAN'YA KA RIN NAMAN IKAKASAL SA HULI."

"Wala kang puso."

"Let's go, baby," baling na Brayan kay Tyra.

Matapos no'n ay magkahawak-kamay silang umalis at tuluyan na ngang nawala sa frame. Samantalang naiwan namang luhaan si Princess.

"Princess Lois, huwag mo ngang ibaba ang sarili mo sa tulad n'ya!" daing ni Rick Lee mula sa kinatatayuan saka kinuha ang bumagsak na DSLR. Lumakad ito papalapit para ibalik iyon sa kan'ya. "Isa kang prinsesa kaya dapat lang na turuan mo sila nang leksyon! What if magpadala tayo ng subpoena sa bahay nila? Or ipa-firing squad mo na kaagad sa Luneta? Kapag nagawa mo 'yon, ipapagawa talaga kita ng statue. With matching label pa na— huwag agawan, malalagot ka!"

"You know what, Lee, hindi ka nakakatulong. Mabuti pa, iinom na lang natin 'yan!" sabat naman ni Maureen.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?" tanong ni Kentaki. "Kung umuwi ka na lang sana sa bahay, eh, 'di sana hindi ka umiiyak ngayon. Pero mabuti na rin 'yan. Ang mahalaga, alam mo na 'yong totoo. Tara, ihahatid ka na namin."

"Kim nakalimutan ko 'yung—"

Biglang sumulpot si Princess at halos manlaki ang mga mata niya pagkakitang hawak ko pa rin ang DSLR.

Hindi ko alam kung maaawa ba ako o maiinis sa sobrang kamanhidan niya. Kitang-kita na pala ng dalawang mata niya na may affair sina Brayan at Tyra pero patuloy pa rin s'ya sa pag-arte na parang walang nangyari.

"Ayos 'tong shots na 'to, ha." nasabi ko na lang para hindi magmukhang bigdeal ang napanood. "Scripted? Sino nag-direct?"

Sinabi ko rin iyon para hindi siya magmukhang kahiya-hiya sa harap ng mga empleyadong nakarinig sa video.

"Kailan n'yo ni-film?" sinubukan ko pa s'yang tignan nang diretso sa mga mata.

"L-last week," naiilang niyang sagot saka pasimpleng kinuha ang DSLR sa kamay ko. "Tara, kumain na muna tayo."

Nakakatawa lang isipin matapos ang mga nangyari sa Salon ay patuloy pa rin siyang umaarte na parang walang nangyari. Ngayong ay naging malinaw sa 'kin ang ibig sabihin nang mga plastic n'yang ngiti.

CAMP BRIDGE: Class of 2008Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon