CHAPTER 2: Am I in hell?

7 3 0
                                    

KIM POV

"Totoo bang member na si Garry ng frat ni Neightan?" narinig kong tanong ni Rick Lee kay Sammara.

Kasulukuyan kaming naglalakad sa hallway papuntang Locker room para magpalit ng PE uniform for the next subject. Kasama ko rin sina Doreen at Denice dahil iniwan na naman ako ni Jerryme na kaisa-isang buddy ko sa classroom.

"Kung nagkataon pala, dadaigin na nila ang F4!" deklara naman ni Doreen.

"Anong F4 ka d'yan?" tanong ni Sammara.

"Eh 'di ba nga, apat na silang famous?" paglilinaw pa nito saka sinimulang isa-isahin sa kamay ang mga babangitin. "Si Neightan, si Joe, si Brayan at si Garry. Oh, 'di ba? Ang lakas maka-F4!"

Kung sabagay, nakita ko ngang magkasama kagabi sa NS Bar and Restaurant sina Neightan at Garry. Sinalubong pa nga sila ng isang lalaki na nakasuot rin nang puting blazer ng Camp Bridge. May kaakbay pa nga iyong babae habang naninigarilyo.

"Gano'n ba talaga ka-warfreak ang frat ng kuya Neightan mo, ha Sammara?" nag-aalangan namang tanong ng transferee din na si Denice.

Nakahinto na sila ngayon sa tapat ng Locker room. Medyo nahuhuli kasi ako sa paglalakad.

"Mabait naman 'yung kuya ko. Gaya nga nang sinabi ni Garry, magkakaiba lang tayo ng attitude and perspective sa buhay," pagkasabi'y dumiretso na sila sa kan'ya-kan'yang locker.

Gano'n din ako.

"Good morning, classmates!" nakangiti namang bati ni Maureen nang datnan naming tinutulungan ito ni Kentaki sa pagsisintas ng rubbershoes.

Nakapagtataka kasi PE uniform ng ibang school ang suot nila.

"Ang aga n'yo ha," puna ni Sammara.

"Maaga kasi ako sinundo ni Kentaki."

"Wow! Going stronger!" kantyaw naman ni Doreen.

"But wait, sino na naman 'yang anime character ang ini-impersonate mo, ha?" paglilinaw pa ni Rick Lee.

"Ah, ito bang PE uniform?" tukoy nito sa suot. "Well, kunwari lang naman na nag-aaral kami sa Hakusen Academy ng Special A at si Hikari Hanazono ang naisip kong i-impersonate for today, while si Kei Takishima naman ang kay babe. Ang cool 'di ba?!"

"Mabuti nagagawa ka pang sakyan ni Kentaki sa mga kalokohan mong 'yan," sabat naman ng kadarating lang na si Princess Lois.

Hindi ko na pinakinggan pa ang iba nilang usapan basta itinuloy ko na ang paglalakad papunta sa locker ko. Pero hindi ko naman inaasahan ang bumungad sa 'kin pagkabukas ng locker.

"FUCK!"

"Kim, anong nangyari sa 'yo?"

Dali-dali naman sila lumapit.

"Oh, Em, G!"

"Is that a yellow tag with matching 'You'll be dead note from F4'?" nangangatog pang nilarawan ni Doreen ang mga nakikita sa loob ng locker ko.

"Correction, red tag 'yong kanila!"

"They're crazy!" kinuha ni Kentaki ang yellow tag saka tumingin sa paligid.

'Yung mukhang pineapple na 'yon.

"Sinasabi ko na nga ba, eh!" giit naman ni Sammara. "Kim, dapat kasi nag-sorry ka na lang."

"Hoy! Kim, don't tell me, ikaw 'yong nakabangga ni Neightan kahapon?" paniniyak pa ni Princess.

Hindi ko na sila pinansin pa. Basta bigla na lang ako lumabas sa Locker room para hanapin 'yong mukhang pineapple na 'yon. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay kakaibang tingin na kaagad ang napansin ko mula sa mga estudyanteng nasa hallway.

Ilang hakbang pa ay isang nilamukos na papel ang naramdaman kong tumama sa likod ko. Nang lingunin ko ang pinanggalinga no'n ay isang matabang lalake ang bumungad sa 'kin. Hindi nakabutones nang maayos ang uniform nito at gulo-gulo pa ang buhok na tila hindi manlang nakapagsuklay.

"Ikaw ba ang bumato sa 'kin?"

"Eh, ano kung ako?"

"Ano bang kasalanan ko sa 'yo, ha?"

"Sa kan'ya wala. Pero kay Neightan— mayro'n," sabat naman ng kung sino.

"Ikaw na naman?" tumingala ako sa corridor kung saan nagmula ang boses.

Doon ko nakita 'yung lalake na humarang sa 'kin sa canteen na nagngangalang Joe Roxas. Kasama pa nito 'yung mala-pineapple ang buhok na si Neightan at naroon din si Garry. Ngayon nga'y kasama na nila 'yong lalaking sumalubong sa kanila sa bar kagabi.

Ito na nga siguro 'yong tinutukoy nilang si Brayan na matangkad, maputi at mukhang alaga ng gym ang pangangatawan. Nakausot ito ng pulang varsity jacket at mayroong proper haircut.

"Nagustuhan mo ba ang surprise ko sa 'yo?" sabi pa ni Neightan.

Napaismid naman ako. "Ay, iyon na ba 'yon?"

Wari'y humalakhak naman si Joe. "Bakit sa tingin mo ba, iyon lang 'yon?"

"Kim, mabuti pa, humingi ka na lang nang tawad kay Neightan para hindi na lumaki ang gulo. Please," pagsusumamo naman ni Garry mula sa corridor.

"You know what, Garry, hindi ka dapat sumasama sa mga 'yan dahil iimpluwensyahan ka lang nila. Huwag ka ngang tumulad sa mga 'yan!"

"Wow!" reaksyon naman ng naka-varsity jacket. "Hindi kaya masyado ka lang nagiging judgmental?"

Aba?! Wala rin pala itong pinagkaiba sa mga kasama nito! Birds with the same feather flocks together nga naman!

"Gosh! Kim, hayaan mo na nga ang kabaliwan na mga 'yan!" mayamaya'y narinig ko si Maureen. "They're just bored."

Doon ko lang namalayan na sumunod pala sila sa 'kin hanggang dito.

"HOY, FOUR IDIOTS!" baling naman ni Princess Lois sa itaas. "Um-attend na nga kayo sa mga klase n'yo! Kaaga-aga puro pambu-bully ang inaatupag ninyo!"

Sa isang salita lamang ng prinsesa ay kaagad na bumalik sa kani-kanilang klase ang mga estudyanteng usisero. Samantalang nanatili naman nakatayo sa corridor ang apat na pa-famous.

"Oh?! Ano pang tinitingin-tingin n'yo d'yan? Malapit na mag-start ang klase natin kaya dapat present kayo. Bilis na!" uto pa nito.

Palibhasa ito ang anak ng school President at susunod na reyna ng London kaya malakas ang loob nito sa pag-asta nang gan'yan.

CAMP BRIDGE: Class of 2008Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon