Pagpasok sa Kuta ni Watson

6 3 0
                                    

Wow! Eh 'di s'ya na nagpangalandakan ng pagiging successor niya!

Kahit na kailan ay napakayabang talaga ni Neightan.

Nagpatuloy ang pagpapakilala ni Sammara hanggang magtapos kay Kentaki.

Sunod ay nagkaroon kami ng eleksyon para sa class officers kaya naman muling napuno nang kantyawan at hiyawan ang buong classroom.

Sina Kentaki at Maureen ang naging Muse and Escort
Si Neightan ang Sergeant at Arms
Si Doreen ang Auditor
Si Sammara ang Secretary
Si Denice ang Vice President
Si Princess Lois ang President
At ako bilang Treasurer

Napakawalang kuwentang botohan!

Pero bago kami tuluyang i-dismiss ni Mrs. Mabilang ay nagbigay muna ito ng napakaraming assignment.

Para sa mga sumunod na subject ay sinundan iyon ng English, ng Math, ng Filipino, ng MAPEH, ng TLE, at sa huli ay ang HEKASI.

Isa sa mga naobserbahan ko ay ang napakataas na educational background ng mga teacher namin at ang kakaiba nilang dedikasyon sa pagtuturo.

Maganda ang naging takbo ng talakayan kaya masasabi kong hindi sayang ang malaking pera na ibinabayad ng mga magulang dahil unang araw pa lang ay present na ang mga teacher at kan'ya-kan'ya sila nang istratehiya para hindi maging boring ang klase.

Sadyang nasa mga estudyante na lang talaga ang pagkukusa para matuto.

"Uy! Garry, uwian na! Bakit nakaupo ka pa rin d'yan?" tanong sa 'kin ni Princess.

Sa sobrang dami ng mga nasabi ko ay huli na nang mapansin kong uwian na nga pala. Mangilan-ngilan na lang rin ang kaklase kong naiwan sa classroom.

"Samahan mo pala ako. Gusto ko bumili ng bagong DSLR," sabi pa ni Princess Lois sa tono nang pagyayaya.

"P-pero bakit ako?" sinubukan kong alisin ang braso mula sa pagkakaangkla niya pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayapos sa 'kin. "P-Princess, alam mo namang may pasok pa 'ko sa trabaho, 'di ba? Sa iba ka na lang magpasama."

"Kanino naman ako magpapasama? 'Yung best friend kong si Maureen, busy sa boyfriend n'ya. 'Yung pinsan kong si Sammara bantay-sarado ng mga bodyguard n'ya. 'Yung manliligaw ko namang si Brayan, absent. So, kanino?"

"K-kay—"

"Oy! Garry, congrats!" bulyaw naman sa 'kin ni Neightan. Lumapit ito at inakbayan ako. "'Di ba sabi ko sa 'yo, ako pa mismo ang magpapa-welcome party para sa 'yo? Kaya tara na!"

"Ha? Ah, eh—"

"Ano'ng pinagsasabi mo, Neight?" pagtataka naman ni Princess.

"Mula ngayon, bahagi na s'ya ng section one kaya natural lang na maging isa rin siya sa mga miyembro ko!" paliwanag pa ni Neightan. "Ang totoo nga n'yan, last year ko pa s'ya ini-invite at inaasahan ko na ang pagdating ng araw na 'to!"

"Excuse me, ako ang nakiusap sa school President na ilagay si Garry sa section one kaya wala kang naging contribution do'n!" wari'y hinila ako ni Princess papalayo kay Neightan.

"Anong ikaw? Sira! Sarili n'yang desisyon ang pagpunta sa section one kaya wala s'yang utang na loob sa 'yo!" pagkasabi'y buong-lakas rin itong nakipag-agawan sa prinsesa. "Tara, naghihintay na sila sa ibaba!"

"Hindi!" daing naman ni Princess. "Ako ang naunang magyaya kay Garry kaya sa akin s'ya sasama!"

"Anong sa 'yo? Sa akin!" pagdidiin ni Neightan.

"Akin!"

"Akin!" pang-iinis pa nito sa prinsesa.

"Akin lang sya!"

CAMP BRIDGE: Class of 2008Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon