GARRY POV
"GARRY, BILISAN MO!" sigaw ni Doreen habang hinihintay ako makababa sa hagdanang lubid na nakalambitin sa rooftop ng hotel. Nakasakay pa kasi siya sa helicopter at hindi makababa dahil sa tagal ko.
Mahigit tatlong oras na namin sinusundan ang helicopter ni Dra. Amanda Watson magmula Maynila hanggang nakarating na nga kami sa Cebu. Gumamit na rin kami ng private helicopter para mapadali ang pagsunod sa kanila nang hindi nila namamalayan.
Pagkatapak sa sahig ng rooftop ay hindi ko na hinintay makababa si Doreen dahil kaagad na 'kong tumakbo para sundan ang doktora. Habang tumatakbo ay inayos ko na rin ang suot na hoodie jacket at makapal na sunglasses bilang disguise. Confidential ang ipinunta ko rito kaya walang dapat makaalam sa totoo kong pakay at kung sino ako.
Ganoon din naman ang ginawa ni Doreen. Dumiretso ito sa Technical room para bantayan ang CCTV sa buong hotel.
"Garry, ok ka lang d'yan?" tanong sa 'kin ni Doreen mula sa bluetooth earpods na nakabit sa tainga ko kaya kahit malayo sa isa't isa ay nagkakarinigan pa rin kami.
Kasalukuyan na 'ko ngayong gumagapang sa kisame ng hotel papunta sa silid kung saan naghihintay ang katagpo ni Dra. Amanda.
"Nakapuwesto na," deklara ko.
Nadiskubre kasi namin na nakapatay ang CCTV sa silid kung saan naghihintay ang katagpo ng doktora kaya ipinusisyon ko ang spy camera sa maliit na butas bilang ebidensya sa transaksyong mangyayari.
"Kumusta ka d'yan, Doreen?"
"Ok lang. Napatumba ko na sila!" buong pagmamalaki pa niya sa kabilang linya.
Na-imagine ko tuloy kung paano niya kinarate ang mga Technical Operator sa loob.
"Ito lipstick," giit ng intsik na si Mr. Mat mula sa harap ng projector kung saan dini-discuss ang PowerPoint presentation para sa isang business proposal.
Ang senaryong ito ang hinihintay kong makita, hindi ang nakakainip nilang kumustahan at pagpapakilala sa isa't isa kanina.
"Tawag ko rito Mat Lipstick. Ikaw babae, bili nito. Gaganda agad. Babata uli. Pero bawal gamitin madalas dahil ito hindi basta lipstick. Ito mayro'n laman drugs. Bawal ma-overdose. Dalawang taon lang lalabas na side effect. Ikaw papanget. Tatanda agad. Tawag sakit na 'yon Progeria."
Kasunod no'n ay inabot ng secretary niya ang iba't ibang shade ng lipstick kay Dra. Amanda Watson.
Naroon rin si Louisa Forbes.
"Mat Lipstick?" nakakunot noong binusisi ng doktora ang lipstick.
"Aking sample First Lady Metrobank. Ako bigay kan'ya lipstick one year ago. Ngayon talab na stage one. Siya parang nababaliw. Naaadik. Nae-excite. Sabik na sabik maging pinakamaganda."
Napakuyom ako ng kamao mula sa kisame dahil sa mga narinig. Sinasabi ko na nga ba't hindi lamang basta ordinaryong sakit ang nangyayari sa mommy nina Doreen at Maureen.
"Paano ako mag-i-invest sa product na 'to kung alam ko naman sasabit ako sa side effect?" sunod itong bumaling sa katabi. "Louisa, ang akala ko ba big time client 'to? Eh, plano pa yata tayo nito idawit sa Drug Pushing!"
"Chill ka lang, Amanda," nakangisi namang sagot ni Louisa "Chairman ng Revlor Cosmetics ang kaharap natin hindi Drug Lord. Makikipag-set ba ako ng appointment, kung alam kong sasabit tayo."
"Ako malinis magtrabaho. Kayo hindi sabit dito," sabi pa ni Mr. Mat. "Ako bigay sa 'yo formula gamot. Ikaw benta no'n, ikaw yayaman."
"Formula?"
"Sa madaling sabi, ako gawa sakit. Ikaw gawa gamot sakit. Tayo yayaman!" wari'y napapalakpak pa si Mr. Mat sa excitement.
Ang palakpak na 'yon ang signal para sunod na ipamigay ng secretary ang mga folder.
"Iyan Marketing Plan," tukoy niya sa pinamigay na folders. "Lagay d'yan, ating market mga babae, above 30. Pili ko endorser Maricar Depensor. Siya tanda na pero ganda pa rin. Dami alam sa fashion kaysa Natalya Samson. Puro wrinkles, alam lang gadgets."
Bigla ko naalala ang sobreng binigay ni President Tiamzon bago ako naaksidente. Sabi niya Marketing Plan daw ang laman no'n. Napaisip tuloy ako kung may kinalaman ba iyon sa transaksyong nagaganap ngayon.
Sayang dahil nawala iyon kasabay nang pagkawala ng eyeglasses ko. Hindi ko manlang nabuklat ang sobre at natignan kung tungkol saan ang Marketing Plan na naroon.
"Bakit hindi na lang si Dianne Hadji-Ali?" natatawang suggestion ni Dra. Amanda.
Bumalik na rin ang atensyon ko sa kanila.
"Wala Dianne alam sa fashion. Alam n'ya lang, mamutol ilaw. Madamot MERALCO sa kuryente."
Muli naman natawa ang doctora. "Bueno, pag-iisipan ko muna maigi ang proposal mo, Chairman Mat," sabi pa nito habang pinapalipat-lipat ang pahina sa hawak na Marketing Plan. "Walang kasiguraduhan ang dalawang taon para sa side effect at hindi makapaghihintay ang pera ko sa gano'n katagal na panahon." pagkasabi'y sinarado nito ang folder saka umakto nang pagtayo. "Mabuti pa, tatawagan na lang kita," ngumiti ito't inilahad ang kamay sa kaharap. "Muli, ikinagagalak ko ang makita ka, Chairman Mat."
Pinaunlakan naman ng intsik ang pakikipag-kamay nito. "Ako hintay lang tawag mo, Doktora."
Patapos na ang usapan nila.
Isine-save ko na sa flash drive ang video ng kanilang negosasyon nang bigla naman nahulog ang flash drive sa butas. Bumagsak iyon sa sahig at nakita kong pinulot ni Louisa.
"May tao!"
Mabilis na nagpaputok ng baril ang mga tauhan nito at pinagtatadtad ng putok ang kisame.
Hindi na rin ako nakapagsalita pa. Halos mamaluktot ako huwag lang tamaan ng bala. Pero kahit anong iwas at mabilis na pagkilos ang gawin ko ay imposible pa rin hindi ako matamaan... Mabuti na lamang nakasuot ako ng bulletproof kaya hindi naging problema ang tama sa dibdib at daplis sa braso.
Ngunit kung mamalasin ay bumigay ang kisame kaya tuluyan na 'kong nahulog sa bitag nila. Maganda naman ang naging bagsak ko sa sahig. Nai-balance ko naman ang mga tuhod at nagawa ko pa nga bungaran nang tadyak sa tiyan ang isa sa mga bodyguard na naroon.
Kaso hindi sila nagpatalo't pinagtulungan nila ako hanggang ma-corner sa pader. Kasunod no'n ay kaagad nila akong pinaluhod sa sahig, hinawakan sa magkabilang-braso, at tinutukan nang mga nakapalibot na naglalakihang baril.
"Sino ka?" tanong ni Dra. Amanda.

BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2008
Teen Fiction"Ako gawa sakit. Ikaw, gawa gamot sakit... Kapag binili at ginamit mo ang Matte Lipstick, hindi ka na tatanda. Kailangan mo lang i-maintain ang gamit para manatili ang kabataan. Pero bawal ma-overdose dahil kabaliktaran no'n ang magiging resulta." S...