... Sa ganoong paraan nga ako nagsimula maging center of attraction sa Camp Bridge.
Maliban sa mga kaklase at ilang kakilala mula sa ibang section ay wala nang naglakas-loob na lumapit at kumausap sa 'kin. Hindi ko alam kung dahil ba lesbian ako o sadyang takot lang silang ma-involve sa 'kin dahil kay Neightan.
Pero ano pa man ang dahilan, ok lang. Hindi nito masisira ang fighting spirit ko. Ako yata si Lim Kim Park. Ang unica ija ng Prime Minister sa South Korea at legitimate daughter ni attorney Depensor. Kung tutuusin ay napakasuwerte ko sa pagkakaroon ng dalawang daddy kaya walang dahilan para i-turn down ko ang sarili nang dahil lang sa pambu-bully ng mga schoolmate ko.
Saka, nand'yan naman si Princess Lois para ipagtanggol ako.
"Anong Sports pala ang gusto n'yong salihan?" tanong ni Princess.
Kasabay ko siyang naglalakad sa Parking lot kasama sina Rick Lee at Denice. Katatapos lang ng last subject kaya puwede na kami umuwi.
"Baka sa Archery club na lang," sagot ni Denice.
"How about you Kim?"
"Wala pa ako napipili."
"If I were you, sali na lang kayo sa Cheering squad. Masaya ro'n! And very friendly ang squad members ko!" pang-eenganyo sa 'min ni Rick Lee.
"Required ba talaga ang magkaroon ng club?" tanong ko.
"Oo naman, Kim! Nakalagay kaya sa handbook natin 'yon, Article IV."
"Wow, ha! Sino naman gumawa ng Article na 'yan? May power of attorney ba 'yang batas-batasan na 'yan?"
"Yes! Of course!" kampanteng sagot ni Princess. "Si Attorney Frank Depensor lang naman ang gumawa n'yan. Our soon to be Chief of Justice once ma-elect si mayor Tiamzon as President!"
Ang taong 'yon?
"Mukhang expected n'yo na talagang mananalo si Dad, huh!"
"Siyempre, ang laki kaya nang impluwensya ng pamilya n'yo!" sabi ni Princess na mukhang sila lang ang nagkakaintindihan.
"Hello, girls!" bungad naman ni Maureen nang salubungin kami.
May mga kasama itong cosplayers sa likod.
"Open for audition pa kami sa OTAKU. Baka gusto n'yong sumali," pagkasabi'y binigyan kami nito ng tig-dadalawang fliers. "Puwede rin kayo mag-invite ng friends bilang tulong n'yo na sa 'min."
"Sorry, but nakapag-decide na sila sumali sa Cheering Squad!" pagdidiin ni Rick Lee.
"Who says?" ismid ko.
"Kim, dapat naki-ride ka na lang!" bulong pa nito sa 'kin.
"Actually, I just heard interested 'yung twin sister ko about sa org. mong 'yan Maureen. So don't worry, I'll invite her."
"Really?"
Laking tuwa na parang hindi pa nagsi-sync in sa utak ni Maureen ang mga narinig.
"Oh! It's a good news!"
Pero bigla ito napaisip.
"D-do you mean Airish— DK?"
"Yah," nakangiting sagot ni Denice. "May iba pa ba 'kong twin sister?"
"I see," sinubukan pang ngumiti ni Maureen. "P-please tell her that I can't wait to see her in our office, ha."
"Well, I can't wait to see both of you, too." giit naman ni Princess. "I'm more than excited and it seems magagamit ko na ang bago kong DSLR para sa napakagandang scoopes."

BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2008
Teen Fiction"Ako gawa sakit. Ikaw, gawa gamot sakit... Kapag binili at ginamit mo ang Matte Lipstick, hindi ka na tatanda. Kailangan mo lang i-maintain ang gamit para manatili ang kabataan. Pero bawal ma-overdose dahil kabaliktaran no'n ang magiging resulta." S...