Sa sakayan ng jeep nila ako binaba...
Elementarya pa lamang ay nakakasabay ko na sa jeep si Shiorone at noon pa man ay lihim ko na siyang sinusubaybayan nang lingid sa kaalaman ng mga boss ko. Kakaiba kasi sa lahat si Shiorone. Kung ilalarawan ay para siyang 'human warewolf' na nagtatago sa likod ng bandana. Ako lang rin ang nakakakita sa makapal niyang buhok sa mukha.
"Garry!"
Namalayan ko na lang ang paghinto ng kulay puting BMW sa halip na ang jeep na hinihintay.
"Tara! Sabay ka na sa 'kin!" aya ni Princess Lois mula sa loob ng sasakyan.
Sinulyapan ko muna si Shiorone at nang makitang nakasakay na ito sa pinarang jeep ay nagdesisyon na lang ako paunlakan ang paanyaya ni Princess Lois.
"B-bago na naman yata ang driver mo?" puna ko sa mukha ng driver niya.
"Ayon, nag-resign uli. Linggo-linggo naman bago ang driver ko, kaya anong bago do'n?"
"Ang sabihin mo, palagi mo kasi sila tinatakasan kaya nasesesante," kantyaw ko saka binaling ang tingin sa bintana.
"Hindi lang talaga sila marunong magbantay! Sana nga, ikaw na lang uli ang driver ko, eh."
Napaismid naman ako. "Baka nakakalimutan mo, last year pa 'ko nagpasa ng resignation letter sa 'yo."
"FYI, hindi ko 'yon titinanggap. So, meaning to say, driver pa rin kita."
"Bakit kasi hindi mo na lang sagutin si Brayan para hindi ka na mamroblema sa paghahanap ng mga driver?"
"Paano ko sasagutin? Eh, mukhang nainip na yata s'ya."
"Ano ibig mong sabihin?"
"May bago na kasi syang nililigawan,"
Napatiim-bagang ako sa narinig. "Alam mo naman na lapitin s'ya ng mga babae, 'di ba? Baka maling tsimis lang 'yong nasagap mo."
"Sana nga."
"Huwag ka mag-alala, kakausapin ko s'ya mamaya para sa 'yo."
Pagkasabi no'n ay sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin.
Mabuti na lang may isang vendor na kumatok sa bintana habang nakatigil ang sasakyan.
"Ano po 'yon?" tanong ni Princess Lois sa vendor nang buksan niya ang bintana.
"Ija, baka gusto mo bumili ng Sampaguita? Sampung piso lang isang tuhog." salestalk ng babaeng bahid ng grasa ang katawan. Napakapayat nito at isang piraso ng ngipin na lamang ang nakalitaw sa bibig.
"H-hindi po kasi ako mahilig sa Sampaguita," tanggi naman ni Princess Lois. "Pero, bibilhin ko na po ang lahat ng 'yan para makauwi ka na po." pagkasabi'y inabutan niya ng P1,000 ang matanda. "Sa iyo na po ang sukli."
"Naku! Ija, maraming salamat!" tuwang-tuwa naman nitong ipinagpalit ang lahat ng paninda sa halagang P1,000.
"Wala pong anuman," nakangiting sagot ni Princess.
"Anong gagawin mo sa Sampaguita?"
"Ilalagay ko na lang ito sa chapel ng school para hindi masayang." pagkasabi'y inamoy niya ang bulaklak. "In fairness, mabango s'ya."
"Bakit ang bait mo?" tanong ko pa. "Sure ka ba talaga sa family background mo?"
"H-huh?" mukhang hindi n'ya naman na-gets. "What do you mean?"
"Para kasing napakalayo nang ugali mo kay Louisa— ibig kong sabihin, sa mommy mo."
"I see. Honestly, nagtataka nga rin ako. Mabuti na lang talaga hindi ko namana ang pagiging matapobre niya."
Napatango na lamang ako.
"Teka, bakit mo nga pala nasabi 'yon? Kilala mo ba ang mommy ko?"
"W-wala. Napansin ko lang," para makaiwas sa pangungulit niya ay itinuon ko na lang uli ang tingin sa labas ng bintana. "Mabuti pa, hanggang dito mo na lang ako ihatid."
"Pero malayo pa 'to sa school."
"Naalala ko kasi 'yung dedline ng submission form sa DepEd. Baka matanggalan ako ng scholarship kapag hindi ko 'yon inasikaso ngayon."
"Gusto mo ba samahan na kita para maging madali ang flow ng scholarship application mo?"
"Naku! Princess huwag na. Kaya ko na 'to."
"Ok." napakibit-balikat siya. "Manong, ihinto mo na lang sa sidewalk, bababa si Garry."
Ang totoo'y hindi naman talaga ako pupunta sa DepEd dahil idinahilan ko lang iyon para hindi na magtanong si Princess Lois. Kaya naman, pagkababa sa sinakyang BMW ay nilakad ko mag-isa ang ilalim nang makulimlim na kalangitan.
***
Bagaman may pagbabadya ng pag-ulan ay itinuloy ko pa rin ang paglalakad sa hindi malamang direksyon.

BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2008
Teen Fiction"Ako gawa sakit. Ikaw, gawa gamot sakit... Kapag binili at ginamit mo ang Matte Lipstick, hindi ka na tatanda. Kailangan mo lang i-maintain ang gamit para manatili ang kabataan. Pero bawal ma-overdose dahil kabaliktaran no'n ang magiging resulta." S...