"Sino nga ba talaga ako? Bakit napakaraming blur na senaryo ang bigla na lang sumasagi sa isip ko? Bakit kahit anong pilit ko alalahanin ang nakaraan ay wala manlang ako maalala? Ano bang mayroon sa nawawalang five years ng alaala ko?"
At doon na nga nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Para bang pati ang ulan ay mayroon din gustong iparating sa 'kin? Heto nga't nagsimula na naman magkaroon ng blur sa paningin ko.
Kasagsagan ang bagyo... May batang umiiyak.
"Mama! Papa! Nasan na kayo? Natatakot na po ako," nagpatuloy sa pag-iyak ang bata hanggang makarating sa mismong sidewalk na nilalakaran ko ngayon.
"Bata, taga-saan ka ba?" tanong ko sa kan'ya
Sinubukan ko s'yang kausapin pero parang hindi n'ya 'ko naririnig... Kaya sinundan ko na lang siya't inobserbahan.
Malayo na rin ang narating niya kaiiyak.
Nang tangkain n'yang tumawid sa gitna ng mga rumaragasang sasakyan ay sinubukan ko siyang pigilan ngunit kapalit no'n ay ako naman ang nasagasaan.
Naramdaman ko ang malakas na impact mula sa sasakyan na akala ko'y sa imagination lang ako sasagasaan.
Ngayon nga'y nakahandusay na 'ko sa sahig at nakatulalalang pinagmamasdan ang mga sumunod na pangyayari...
"Chairman Forbes, patay na yata!"
"No, this can't be. Go! Hurry and put him on the car!"
"P-pero chairman, baka po ma-late tayo sa meeting."
"Would you like me to be the subject headline; CHAIRMAN FORBES, NANG HIT AND RUN! Are you crazy?"
"S-sabi ko nga po."
Kahit hindi ko maigalaw ang buong katawan ay maayos pa rin naman gumagana ang mga mata't tainga ko. Kaya naman bago ako tuluyan nawalan ng malay ay kitang-kita ko kung paano nataranta ang may-ari ng sasakyan pagkakita sa 'king duguan.
***
"You'll be loosing 15 % of stocks by not attending shareholders meeting. Are you really sure about this?"
"It's okay. I already asked Louisa to attend on my behalf."
"I see. How about this room? You better stay at VIP ward."
"No thanks, Kalle. It's more comfortable here."
Ang pag-uusap na 'yon ang gumising sa 'kin mula sa pagkakahimbing. Pamilyar ang mga boses nila kaya naman pagkamulat ko ay tuluyan na nga naging malinaw sa 'kin kung kanino at saan iyon nanggagaling.
"Garry, how are you?" tanong ni Dr. Watson mula sa kabilang division ng kurtina.
"P-paano n'yo po nalaman ang pangalan ko?"
"We already have your medical history. Remember?"
Oo nga pala.
First year ako noong na-comfine sa Watson Medical Hospital dahil niligtas ko si Princess Lois laban sa snipper. Hindi naman ako napuruhan nang husto sa barilan. Pero iyon ang naging simula ng pagkakaibigan namin ng prinsesa.
"Kung gano'n ay nasa hospital na naman po ako," kongklusyon ko saka tinignan ang sariling repleksyon sa flower vase na nasa lamesa. Tulad na mga pasyente ay nakasuot din ako ng sky blue hospital gown.
"But this time, I'm going to give you a legit medical results from your examinations."
Bigla naman ako napalunok sa sinabi nito.
"Ang totoo'y nakiusap sa 'kin noon ang kaibigan kong si Leslee este si President Tiamzon na ilihim na lamang ang tungkol sa totoo mong kondisyon. Do you know that you're 22 years old with blood type AB?"
Type AB? 22 years old? Pero Type O ang pagkakaalam ko. Saka, 17 years old pa lang ako.
"A-ano po ba talaga ang ibig mong sabihin, Doc?"
Para makakuha nang agarang sagot ay tinitigan ko siya nang tuwid sa mata sa pagbabakasakaling mabasa ang iniisip niya.
Ngunit huli na rin nang mapansing hindi ko pala suot ang scanner o ang eyeglasses... Naiwan ko siguro 'yon sa lugar kung saan ako nasagasaan.
"Huwag ka masyadong gumalaw. Maraming dugo ang nawala sa 'yo gawa ng aksidente kaya kinailangan kita salinan ng dugo. Masuwerte ka dahil nakahanap kaagad tayo nang ka-match mo."
"Ka-match?"
Paano naman ako magkakaroon ng ka-match? Eh, kahit isang kamag-anak ay wala nga akong kakilala.
"Garry!"
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses.
"George, bakit bumangon ka na? 'Di ba sabi ko sa 'yo magpahinga ka lang d'yan," nakakunot-noo pa itong nilapitan ni Dr. Watson sa kabilang kortina para alalayan. "George, mahina ka pa!"
Subalit sa halip na bumalik sa stretcher ay nanatili lamang ito sa kinatatayuan habang nakatingin sa 'kin. "K-kumusta ka na?" nagsimula na ito humakbang palapit.
Sa pagkakaalala ko ay ito ang may-ari ng sasakyang nakasagasa sa 'kin.
"Buhay pa naman po ako kaya huwag ka mag-alala. Hindi ko balak magsampa nang hit and run," mabilis kong binawi ang tingin dito.
"Garry, hindi ka dapat magsalita nang gan'yan. Siya pa rin ang—"
"Tama na, Kalle." awat nito sa sasabihin ng doktor.
"Sige, ganito na lang, ire-reffer kita sa pinakamagaling kong Neurologist para maibalik ang limang taong alaala na nawala sa 'yo." rekomendasyon ng doktor mayamaya.
"Ano ba'ng alam mo?" napatiim-bagang ako sa narinig at halos lamukusin ang bed sheet.
"Kung tutuusin ay masuwerte ka dahil ako ang doctor na naka-discover ng mental health conditon mo. Huwag kang mag-alala, hindi kita sisingilin sa bawat treatments and examinations na gagawin namin. Isipin mo na lang, isa 'yong insurance galing sa nakasagasa sa 'yo."
"Iyon lang ba talaga?"
Pakiramdam ko kasi'y mayroong hindi tama sa nangyayari.
"Ito ang calling card ko," pagkasabi'y kinuha ni Dr. Watson ang wallet sa bulsa kung saan nagmula ang inabot na papel. "Tawagan mo lang ako, tutulungan kita."
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Dr. Watson para i-offer ang bagay na 'yon. Alam ko naman may connection sila ni agent Samson pero ang hindi ko maintindihan ay kung para saan ang lahat nang ginagawa n'yang ito.
Idagdag pa ang pagdating ni George Forbes at ang tungkol sa pagiging magkadugo namin. Pati na rin ang katotohanang— 22 years old na pala ako!
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2008
Teen Fiction"Ako gawa sakit. Ikaw, gawa gamot sakit... Kapag binili at ginamit mo ang Matte Lipstick, hindi ka na tatanda. Kailangan mo lang i-maintain ang gamit para manatili ang kabataan. Pero bawal ma-overdose dahil kabaliktaran no'n ang magiging resulta." S...