Sa tapat ng Depensor Residence ay pinagmasdan ko muna ang kabuuan ng bahay. Hanggang second floor lamang ito at mayroong rooftop. Kung tutuusin ay hindi ito isang dream house na maituturing dahil napakasimple ng exterior designs.
Bakit sa Forbes Landmark pa nila naisip magpagawa ng bahay?
Pagmamay-ari ang lupain na 'to ng international Real Estate developer. Knowing Forbes Corporation, only elite family can afford their price. Kaya paano nangyaring nakatayo rito ang isang two-story house?
"Thanks for coming, Mayor. Good luck!"
"No worries, Attorney."
Nakita ko si Eomma na ka-holding hands ang bagong boyfriend niya. Pero hindi ko ine-expect na kasama rin nila ang daddy ni Rick Lee— este ang mayor sa lugar na 'to, ang soon to be Philippine President— kung papalarin.
"Masyado naman kayong formal sa isa't isa. Umayos nga kayo!"
Iyon ang conversation na narinig ko nang bumukas ang pulang gate.
"Oh, Kim you're here!" baling sa 'kin ni Eomma kaya dali-dali siya bumitaw sa ka-holding hands para lumapit sa 'kin. "Kanina ka pa ba d'yan? Bakit hindi ka manlang nag-doorbell?" nag-aalala siyang yumakap. "Where is Jerryme?" pagkabitaw sa 'kin ay sunod niyang binaling ang tingin sa malawak at tahimik na driveway ng subdivision.
"Umuwi na."
"A-anak, kumain ka na ba?" tanong naman ng ka-holding hands ni Eomma kanina. "Tamang-tama, marami kami hinandang pagkain sa loob."
"Busog pa 'ko."
"By the way, Leslee, ito na nga pala ang anak naming si Kimberly," ipinakilala ako ni Eomma kay Mayor para mapalitan ang intensity sa pagitan namin ng boyfriend niya. "And Kim, this is mayor Tiamzon, classmate namin ng daddy Frank mo way back high school days at Camp Bridge."
"Nice meeting you, Kimberly," nakangiting inilahad ni Mayor ang kamay kaya wala akong choice kung 'di ang makipag-shakehands. "Hindi ba't kaklase mo rin ang anak ko?"
Napatango naman ako.
"Leslee, 'di ba may debate ka pang pupuntahan? Baka ma-late ka na n'yan." giit muli ni mommy.
"Thanks for the reminders, Ria! Bueno, see you next time."
Pagkaalis ni Mayor ay naiwan na lamang kaming tatlo.
"So, tara! Pumasok na tayo sa loob!" aya naman ni Eomma saka ako inakay papasok.
Sumunod din sa 'min ang boyfriend niya.
Pagkapasok ay dalawang palapag ng bookshelves ang bumungad sa 'min kung saan naabutan abala sa paglilinis ang mga katulong. Pero nang sumenyas ang boyfriend ni Eomma ay dali-dali silang tumigil sa ginagawa.
"Everybody," sabi pa nito. "I would like you to meet our daughter, Kim. From now on, dito na rin siya titira."
Para iyon isang big announcement dahil pagkasabi no'n ay sabay-sabay akong binati ng mga katulong.
"WELCOME HOME PO, MS. KIM."
Grabe, iniinsulto ba nila ako?!
Ok na sana kung hindi lang nila ako tinawag na Miss Kim.
"Tutal, ayaw mo pa kumain, tara sa South building. Ipapakita ko sa 'yo ang magiging kuwarto mo!"
"South building?"
"Itong section na 'to kasi ang library at receiving area ng mansion. Medyo may kalayuan ang South building kaya magpahatid na lang tayo sa shuttle para hindi ka mapagod." paliwanang pa ng boyfriend ni mommy.

BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2008
Teen Fiction"Ako gawa sakit. Ikaw, gawa gamot sakit... Kapag binili at ginamit mo ang Matte Lipstick, hindi ka na tatanda. Kailangan mo lang i-maintain ang gamit para manatili ang kabataan. Pero bawal ma-overdose dahil kabaliktaran no'n ang magiging resulta." S...