Miss Pretending

4 2 0
                                    

"Ah, eh, nakita ko lang naman na nagre-research s'ya tungkol sa Immortals. Saka narinig ko 'yong usapan nila ni ninang Natalya tungkol sa mga taong kukumpleto sa misyon n'ya. They're sounds weird nga, eh!"

Bigla naman humalakhak si Princess Lois.

"Anong nakakatawa?"

"Alam mo may pagka-paranoid ka rin, eh!" wari'y hinampas n'ya 'ko sa balikat. Paulit-ulit n'ya 'yon ginawa hanggang matapos sa pagtawa. "Pumunta na nga lang tayo sa Salon!"

***

At umakyat na nga kami sa 4th floor kung saan nakapuwesto ang boutique ng family hairstylist nila. Pagkapasok sa salon ay kaagad kami sinalubong ng Branch Manager at in-entertain hanggang VIP room.

"My dear Princess Lois, ano ba ang gusto mong gawin namin sa buhok mo?" tanong ng Hairstylist habang hinahawakan ang bawat hibla ng buhok ni Princess. "Bagay naman sa 'yo ang ganitong hairstyle, bakit pa natin babaguhin?"

"That's exactly the point!" pagdidiin naman ni Princess Lois habang tinitignan ang sariling repleksyon sa malaking salamin. "Ayoko na sa charming image kaya gusto ko na nang something new. I-rebond mo ko at i-cut hanggang balikat. Lagyan mo rin ako ng one sided bangs. And I think, bet ko rin maging black hair."

Natawa na lamang ako pagka-imagine sa mga nilarawan niya.

"Ano ka nagmo-move on?" katyaw ko mula sa inuupuan sofa habang binabasa ang Vogue Magazine.

"Move on from what?"

Nakakunot-noo silang bumaling sa 'kin.

"Move on from everything that keeps you holding on," sinadya ko lakasan ang pagbasa sa lines na nasa magazine. "Nabasa ko lang." pagpapatay-malisya ko pagkakita sa namimilog na mga mata ni Princess.

"C'mon, my dear Princess Lois, sino ba kasi 'yang dahilan nang pagiging broken hearted mo?" intriga pa ng Hairstylist na parang walang plano tuldukan ang panghahalungkat sa lovelife niya.

"Saan ba nanggaling ang conclusion na 'yan? Porke magpapa-salon, heartbroken kaagad. Hindi ba puwedeng trip ko lang?"

"S-sigurado ka na ba sa general transformation na 'yan? Baka nabibigla ka lang, Princess Lois." pag-aalala pa ng Manager na naroon pa rin. "May basbas na ba ito ng mahal na reyna?"

"I'm pretty sure and I don't care about royal guidelines. Tara! Start na natin ang session."

Kasabay no'n ang pagdating ng British Buttler at seryosong kinausap ang Manager. Nang tumango ito ay iyon na ang nagsilbing 'Go-signal' para pumasok ang iba pang hairstylists na kasama sa gagawing hair treatment kay Princess Lois.

Habang isinasagawa ang treatment ay tila isang 'emergency operation' ang nagaganap sa dami ng mga hairstylist na nakahelera at naghihintay mabigyan nang pagkakataong mahawakan ang buhok ng prinsesa.

Paano kaya kapag natapos ito't salubungin kami sa labas ng mga reporter para gawing exclusive report ang tungkol sa pagpapagupit niya ng buhok?

Naku! Lois, ano ba talaga ang tumatakbo sa isip mo?

Napailing na lamang ako't binalik ang tingin sa binabasang magazine. Nang ilipat ko iyon sa sumunod na pahina ay mukha ni Tyra Han ang bumungad habang mino-model ang signature clutch bag ng Maricar's.

Bigla tuloy ako napaisip kung tama ba ang ginawa kong pakikipag-break last month. Sa sobrang famous kasi nito ay naging usap-usapan tuloy ang break up namin sa social media. Naging blind item rin sa mga talkshow ang pagiging third party ng isang elite student— na obvious namang si Brayan ang tinutukoy.

Para kasi sa 'kin, ang pakikipagrelasyon ay parang Laro. Kung hindi ka makikipaglaro, ikaw ang mapaglalaruan. Kaya nang sabihin ni Brayan na kayang-kaya nito agawin sa 'kin si Tyra ay hindi na 'ko nagdalawang-isip na makipaghiwalay bago pa ito tuluyang agawin sa 'kin. Atleast, kayang-kaya kong ipagmalaki na pinagsawaan ko na ito at hindi ako magmumukhang inagawan sa huli.

Gan'yan ako ka-playsafe!

"Ano'ng tingin mo sa bago kong hairstyle?" tanong ni Princess Lois matapos ang mahigit pitong oras na hair treatment sa kan'ya.

"M-maganda." hindi ko naiwasang mapalunok ng laway at matulala sa kan'ya. "Nagmukha kang seductive."

"Don't tell me, na-starstruck ka na sa lagay na 'yan," natatawa n'ya pang sabi habang sinusuklayan ang itim na buhok. "Correction, hindi tayo talo!" sunod n'yang hinawakan ang DSLR.

"Huwag ka mag-alala, may exemption naman ang pambababae ko," sinadya ko lakasan ang pagtupi sa hawak na magazine bago tumayo sa sofa. "Huwag mo 'ko itulad sa iba, kahit sino pinapatulan!"

"Picture-ran mo na lang ako," utos niya na parang walang narinig saka inabot sa 'kin ang DSLR. "Ok na ba 'yong ganitong pose?" nag-poute siya ng labi.

"Aigoo! Kahit ano... Sige, mag-pose ka lang."

Kung ano-anong angle shots ang pinagawa niya sa 'kin as if namang may background ako sa Photography. Pero gano'n pa man ay patuloy pa rin siya sa pagpo-pose na tila pino-promote ang Salon at ang quality of good service ng mga staff nito.

"What if, tumanggap na kaya ako ng mga commercial offer?" pag-o-open niya ng topic matapos mangawit sa pagpo-pose. "Di hamak na mas appealing naman ako kumpara sa mga baguhang model ngayon."

"Aba! Siyempre naman, our dear Princess Lois!" pagsang-ayon pa ng Hairstylist. "Walang-wala sila sa kalingkingan mo! Lalo na 'yang Tyra Han na 'yan!"

"Si Tyra Han pa talaga ang ginawa n'yang example, ha!" napaismid na lamang ako habang binubura ang mga panget na shots sa DSLR.

"Maganda naman s'ya, eh." pilit-ngiti pang sabi ni Princess Lois. "By the way, magsi-CR lang ako."

Hindi ko na siya nilingon pa dahil ayoko makita ang napaka-plastic niyang ngiti.

Pinagpatuloy ko lang ang pagde-delete ng mga panget na camera shots sa hawak na DSLR. Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko mapigilan mainis dahil puro stolen shots ni Brayan ang nakikita ko na kulang na lang ay gumawa siya ng isang folder kung saan panay mukha lamang nito ang laman.

Kung akin lang siguro ang memory card na nakalagay rito ay baka nag-delete all na 'ko!

Pero hindi pa 'yon doon nagtapos dahil ang sumunod na video ang sobrang nagpataas sa kilay ko.

CAMP BRIDGE: Class of 2008Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon