"Correction, tomboy si Kim!" pagdidiin ni Princess. "Alam naman natin BABAE ang pareho nilang gusto."
"Eh, ano? Babae pa rin naman si Linking Park kaya anong imposible do'n?" pagkasabi'y sinindihan niya ang hawak na sigarilyo gamit ang lighter.
"Kuya, huwag ka ngang manigarilyo sa tabi ko!"
"Kung paligawan ko kaya kay Rick Lee si Linking Park?" sabi pa ni Neightan at hindi pinansin ang daing ng kapatid.
"Seryoso ka ba talaga d'yan?" paniniyayak naman ni Brayan.
"Ang ganda kayang lovestory no'n. Bakla at tomboy, nagka-inlove-ban. 'Di ba, Garry?"
"D'yan ka naman magaling, eh!" ismid ko.
Mula't sapul ay si Neightan naman talaga ang may pasimuno sa lahat. Kaya walang nakapagtataka kung bakit marami ang naiinis sa kan'ya at isa na nga ako sa mga 'yon.
Sana nga makatulong ang pagiging 'in love at first sight' niya sa kapatid ni Kentaki para mabawasan ang pagiging 'siga' niya sa Camp Bridge. Tatanawin ko talaga 'yon isang napakalaking utang na loob, pagdating ng araw.
Ang totoo, si Princess Lois lang naman talaga ang concern ko rito. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang tagalan ang ganitong senaryo lalo na't narito si Brayan na nagpauto kay Neightan para gamitin siya. Ang akala ko talaga, seryoso na si Brayan sa panliligaw sa prinsesa dahil iyon ang nakikita namin sa bawat effort nito simula pa noong first year.
Hanggang dumating sa eksena si Lim Kim Park na napagkatuwaan nila sirain ang masaya sanang high school life sa Camp Bridge. At kung saan kailangan pa maagrabyado ang nananahimik na prinsesa para lang maging epektibo ang paghahari-harian nila sa school.
Kakaiba talaga ang trip ng mga laki sa layaw!
***
"What took you so early?"
"Class suspended, Mom," sagot ni Neightan saka inabot sa katulong ang bitbit na bag.
Sa wakas ay narito na nga kami sa bahay nila, at mommy nila ang bumati sa 'min pagkababa pa lamang sa mansion. Inakay kami nito hanggang makapasok sa Living Room kung saan naabutan abala sa paglilinis ang ibang katulong.
"Mom, I thought nasa hospital ka," giit naman ni Sammara.
"I supposed to. But I decided to set my appoinment with my amigas here instead."
"You seems very busy ha, Tita."
Hindi ko na inunawa ang pag-uusap nila.
Naging agaw-pansin kasi sa 'kin ang malaking family picture na naka-display sa hagdanan. Makikita sa picture ang magkapatid na Dr. Kalle at Madame Louisa kasama ang mga magulang. Sa tantya ko ay nasa kolehiyo pa lamang ang magkapatid noong kinunan ang larawan dahil para silang version 2.0 ng magpinsang Neightan at Lois. Isa rin sa napansin ko ay ang lalakeng katabi ni Dr. Kalle. Ito 'yong panganay nilang kapatid na matagal nang patay.
"Anyway, Mom, we brought our classmates here because we have something to celebrate about kuya Neightan."
"Oh really?" biglang lumaki ang pagkakangiti ng mommy nila. "Let's take a sit, everyone." aya pa nito sa 'min saka inakay si Neightan paupo sa malaking sofa. "So, what's this celebration for?"
"It doesn't matter, Mom. Geez! Huwag mo nga 'ko i-baby! Nakakahiya!"
"No, Tita!" sabat ni Princess saka pumagitna nang pag-upo sa dalawa. "It's about him and his first love."
"Seriously? Then, what's her name?"
"She's Nikki. Nikki Samson Yamamoto to be exact."
"That name," biglang nawala ang excitement sa facial expression ng mommy nila.
"Is there anything wrong about her's name, Tita?" tanong ni Brayan.
"Nevermind. Mabuti pa, ipahatid ko na kayo sa shuttle papuntang West Tower Hall para doon na lamang mag-celebrate. Ipapahanda ko na rin ang mga kakainin at iinumin ninyo."
"Thank you, Mom!"
"Anyway, how about him?" mayamaya'y baling sa 'kin ng mommy nila. "Is he your new classmate?"
"A-ako..."
"Oh, yes, Mom! He is Garry Tolentino," pakilala sa 'kin ni Sammara. "And, Garry, our mom, Dra. Amanda Watson."
"G-good afternoon po, Doktora."
Mabuti na lamang hindi ko suot ang eyeglasses dahil malamang kung ano-ano na namang impormasyon ang bigla nito masasagap mula sa high profile villain na si Amanda Watson.
Naaalala ko pa kasi ang nangyari sa 'kin noong nakaharap ko si Madame Louisa. Iyon 'yong tagpo na halos mabaliw ako sa sobrang dami nang na-absorb kong impormasyon. Mabuti na lang dumating si agent Samson noon.
***
"Guys, para kayong sira!" daing ni Neightan pagkarating namin sa West Tower Hall. "Bakit sinabi n'yo pa 'yon kay Mommy?"
"As usual, nagtanong siya. Ano gusto mo sabihin namin?" giit naman ni Princess saka pasalampak na naupo sa sofa.
"Hindi n'yo kasi nakita 'yong transition ng facial expression ni Mommy kanina. Pakiramdam ko nga, hindi pa rin sila ok ni Ms. Natalya hanggang ngayon."
"You know what kuya, paranoid ka lang," sabi pa ni Sammara saka sinawsaw sa mayonnaise ang piraso ng french fries na nakahain sa lamesa. "Kain kayo, Guys!"
"Problema na ng matatanda 'yon. Hayaan mo sila mag-away-away basta huwag lang nila tayong idadamay sa problema nila," sabat ni Brayan. Lumapit ito saka nagbukas ng beer in can.
"WOW! NAGSALITA ANG HINDI APEKTADO SA AWAY NG MATATANDA! If I know, kinausap ka ni Mommy para lubayan ako. C'mon Brayan!"
Nabigla kami sa sinabi ni Princess Lois.
Kitang-kita ko naman kung paano nagtiim-bagang ang kamao ni Brayan habang hawak ang beer in can na halos mayupi.
"Bakit hindi mo manlang ako pinaglaban?" tanong pa ni Princess habang nakaharap sa mayonnaise. "Eh, ano kung ampon ka lang?" mabilis na nag-unahan ang mga luha niya. "Brayan, tanggap naman kita kahit ano o sino ka pa. Pero sana ipinaglaban mo manlang ako."
"T-teka, ampon si Brayan?" pagtataka ni Neightan.
"Paano nangyari 'yon?" tanong naman ni Sammara.

BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2008
Novela Juvenil"Ako gawa sakit. Ikaw, gawa gamot sakit... Kapag binili at ginamit mo ang Matte Lipstick, hindi ka na tatanda. Kailangan mo lang i-maintain ang gamit para manatili ang kabataan. Pero bawal ma-overdose dahil kabaliktaran no'n ang magiging resulta." S...