"It's nothing," umiling muna si Maureen saka tumayo sa inuupuan at binitbit ang bag. "I'm leaving."
"Nand'yan na daddy mo?" tanong ni Sammara.
"Yup! He texted nasa gate na raw s'ya."
"Hindi ka ba magpapaalam sa 'babe' mo?" habol naman ni Princess.
"I'll call Kentaki na lang along the way. So, byeee."
At hindi na nga nila napigilan ang nagmamadaling umalis na si Maureen. Samantalang kasabay nang pag-alis nito ang pagdating ng order ni Brayan.
"Seryoso ba talaga si Maureen na pupunta siya sa Shareholders Meeting?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Neightan.
"Hala! Hindi ka ba na-inform na ngayon ang proclamation sa kan'ya bilang bagong CEO ng Metrobank?" pagbabalita ni Princess.
"CEO?!" pareho kami napa-react ni Neightan.
"CEO ng Metrobank sa edad na 16 years old? Agad-agad? Mas baliw pa yata ang magulang n'ya, eh!"
"Grabe ka naman, Kuya! Hindi ba puwedeng maaga lang siya sinasanay sa business?"
"Waiter, dalawang pineapple juice po," giit naman ng isang babae na umagaw sa atensyon ko.
Palibhasa nakaupo kami sa counters area kaya sabay-sabay kaming napatingin sa direksyon nito.
"Si Kentaki 'yon, 'di ba?" bulong ni Sammara. "Sino 'yung babaeng naka-black blazer na kasama n'ya?"
"Nawala lang si Maureen may pinopormahan na kaagad 'tong si Kentaki. Iba rin talaga dumiskarte ang mga Yamamoto, eh!"
"Brayan, 'wag mo nga itulad sa 'yo si Kentaki! Ungas ka talaga!"
"Judgemental talaga kayo. Fyi, kapatid n'ya 'yan!" saad naman ni Princess. "Wait, tatawagin ko."
"Nikki!"
"Hi, Lois!"
"Pauwi na ba kayo?"
"Hindi pa," sabat ni Kentaki.
"Tara! Gala muna tayo sa mall!" giit naman nang tinawag niyang Nikki.
"Shopaholic ka rin pala, huh!"
"Hindi naman. Curious lang ako sa mga mall dito. Ayaw kasi ako samahan ni kuya."
"Emo kasi 'yan! Takot sa tao. Ewan ko na nga lang kung paano s'ya natatagalan ni Maureen!"
"Miss, heto na ang order mo," hayag naman ng waiter.
"'Yan lang binili mo? Kina-career mo talaga ang pagda-diet, ha. Ikaw na!" hindi pa rin tumigil sa kadaldalan si Princess Lois pagkakita sa biniling pineapple juice ng kausap.
"Tamang diet lang. Sabi kasi ni Kuya marami raw bully sa Camp Bridge kaya mahirap na kung ako naman ang mapag-trip-pan."
Napatingin ako kay Neightan. Bully pala, huh.
"By the way Nikki, na-introduce na ba sila sa 'yo ng Kuya mo?"
"N-not yet. But it doesn't matter. Famous naman sila kaya imposibleng hindi ko sila kilala." sarkastikong sabi pa nito, at mukhang alam ko na kung kanino nagmana.
"Sus! Huwag ka maniniwala sa rumours dahil much better pa rin kung makikilala mo kami personally," biglang sabat ni Sammara sa usapan ng dalawa. "By the way, I'm Sammara Kelly B. Watson," umakto pa ito nang paglapit sa kanila.
"It's nice to meet you, Sammara. I'm from section two. Nikki, Nikki Yamamoto."
Totoo nga.
"Ikaw na ba 'yong tabatchoy na nasa family picture nila Kentaki?" sabat ni Neightan na hindi inaalis ang tingin kay Nikki habang palapit. "Mas maganda ka pala sa personal."
"Naku! Nikki, pagpasensyahan mo na lang ang kuya Neightan ko. Sadyang kulang lang 'yan sa pagmamahal."
"Oo nga. Wala kasi nagkakagusto sa kan'ya." duktong pa ni Princess. "Malay mo, ikaw na pala ang destiny n'ya."
"Bakit ako? Ikaw talaga kung ano-anong naiisip mo."
"Tigilan n'yo na nga 'ko!" usal naman ni Neightan matapos matauhan. "Hi, Nikki. I'm Neightan Kalle," inilahad niya ang kamay sa kaharap. "I'm glad to finally meet you."
"A-ano ibig mong sabihin?" pgtataka pa nito habang pinag-iisipan ang pakikipag-kamay sa kan'ya. "Kilala mo na ba 'ko, dati pa?"
"Nikki, huwag mo nang pansinin 'yang si Neightan." sabat ni Kentaki na pumagitna sa kanila. "Tara na," pagkasabi'y hinigit nito ang kapatid papalayo.
"Kahit kailan, ang KJ talaga ng Kentaki na 'yon!" maktol ni Princess Lois.
"Naniniwala ba kayo sa love at first sight?" wari'y hindi pa rin inaalis ni Neightan ang nakalahad na kamay sa pag-asang baka bumalik si Nikki at tanggapin ang pakikipag-shakehands niya.
"Oy, Neight', 'wag mo sabihing tinamaan ka ka'gad don!" hindi makapaniwalang reaksyon ni Brayan.
"Tara sa bahay, magpapa-party ako!" paanyaya ni Sammara.
"Alam mo cous', gusto ko 'yang idea na 'yan!" dagdag pa ni Princess. "Tara inuman tayo!"
***
Iisang sasakyan lamang ang ginamit namin papunta sa bahay nila Neightan. Hindi na ako namangha nang makitang mag-expand ang Single-type Porsche ni Brayan at nagkasya kaming lima nang hindi nagsisiksikan dahil marami pang mas nakakamanghang kagamitan ang A3.
Basic na lang para sa 'kin 'to!
"Cous', iyan na 'yung bahay ng daddy George mo, baba ka na!"
"Sammara, 'wag ka ngang bully! Kailan pa ako nag-stay sa Forbes Mansion, ha?! Nasa Makati ang Headquarters namin. Hindi rito. Okey?" panggagalaiti pa ng prinsesa.
Sa pagkakaalam ko ay sa Forbes Landmark rin nakatira si Brayan at ang iba ko pang kaklase kaya puwede ko sabihing magkakapitbahay sila. Mayayaman naman ang pamilya nila kaya kayang-kaya nila manirahan sa hekta-hektaryang lupain rito. Hindi tulad ko na pambayad na nga lang ng renta sa maliit na apartment, delayed pa.
"Brayan, may Ferrari na huminto sa bahay n'yo!" puna ni Samarra pagkadaan namin sa tapat ng gate nila.
Palibhasa ay hindi pa kami nakakalayo sa block ng mga Depensor kaya kitang-kita sa side mirror ang repleksyon ng Ferrari na tinutukoy ni Sammara— at sa pagkakatanda ko ay sasakyan iyon ni Jerryme.
"Super close talaga nila 'no," tukoy ni Sammara kina Jerryme at Lim Kim Park. "Madalas ba ihatid ni Jerryme si Kim?"
"Minsan," sagot naman ni Brayan na bahagya rin pinagmasdan ang dalawa sa side mirror. "Lagi naman sila magkasama, eh."
"Hindi kaya nagkakamabutihan na sila?" sabat naman ni Neightan.

BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2008
Novela Juvenil"Ako gawa sakit. Ikaw, gawa gamot sakit... Kapag binili at ginamit mo ang Matte Lipstick, hindi ka na tatanda. Kailangan mo lang i-maintain ang gamit para manatili ang kabataan. Pero bawal ma-overdose dahil kabaliktaran no'n ang magiging resulta." S...