KIM POV
Araw ng linggo. Wala kaming pasok sa school.
Ayokong tumambay sa bahay kaya minabuti ko ang lumabas para maghanap ng pupuntahan. Hindi ko naman talaga alam kung saan ako pupunta.Hindi ko nga alam kung ano itong naisip ko para magsuot ng kulay orange na jersey, walking shorts at rubber shoes sa katanghaliang tapat. May sinabit pa nga 'kong towel sa kanang balikat pagkalabas ng gate. Isinalpak ko rin sa magkabilang tainga ang malaki at malakas na bluetooth headphone. Boys over flower soundtrack ang pinapatugtog ko.
Yayain ko na lang kaya si Jerryme?
Siguradong wala itong ginagawa sa bahay nila at katulad ko ay bored na bored na rin sa buhay.
Palabas na ako sa gate ng subdivision pero bigla naman humarang sa daan ang BMW. Tinited iyon kaya hindi ko maaninagan ang nasa loob. Lilihis na nga sana ako nang daan subalit hindi pa man ako nakakalayo ay dalawang men in blue suits ang bumaba sa sasakyan at buong pwersa akong kinaladkad pasakay ng kotse. Hindi ko naman ine-expect na si Princess Lois ang bubungad sa 'kin sa loob.
"Ano na namang pakulo 'to?" nakaismid kong tanong kay Princess Lois. "You better take me to Angel's Orphanage, coz I'm sure being with you will drag me to another trouble. Please lang, huwag mo na 'ko idamay."
Mabuti na lang, naisip ko kaagad puntahan ang orphanage. Naaalala ko pa rin kasi 'yung eksena kung saan hinatak n'ya 'ko papunta sa Forbes Supermall para lamang samahan siyang magpagupit. Kaya ayoko nang maulit pa uli iyon. Ayoko na marinig at makita ang kadramahan nila ni Brayan.
"Madalas ka ba pumunta sa Angel's Orphanage?"
"Ano naman klaseng tanong 'yan?" bigla ako naguluhan sa tinanong niya. Hindi ko rin kasi ine-expect na magkakaroon siya nang interest sa orphanage, all of a sudden.
"N-nevermind," napailing na lamang siya.
Pakiramdam ko, meron siya gustong i-open na topic kaso nagdadalawang-isip pa siya kung magsisimula o hindi.
"Saan ba ang punta mo ngayon?" pag-iiba ko na lang sa topic.
Bahagya ko rin ibinaling ang tingin sa suot niyang color beige na off-shoulder on top and highwaist denim skirt na tinernuhan ng estelleto hills at body bag.
"Don't tell me, magsisimba ka."
"Pupunta ako sa Metrobank."
"May bukas bang bangko kapag linggo?" mapaisip tuloy ako sa sinagot niya. "Well, 24/7 nga pa lang available ang mga ATM machine kaya malamang ay bukas nga. Pero bakit mo pa kailangan mag-withdraw? Puwede ka naman mag-swipe na lang gamit ang mga credit cards mo."
"Sino ba ang nagsabing magwi-withdraw ako? Ang sabi ko, pupunta ako sa Metrobank. I mean, pupuntahan ko si Maureen sa Metrobank."
"Bakit?" mas lalo tuloy ako naguluhan sa paliwanag niya. "Sigurado ka bang nasa Metrobank siya? Hello, sunday kaya ngayon. Walang pasok."
"But she has. It's up to you kung sasama ka o ibababa na kita sa orphanage."
Sa huli ay sumama na ako kay Princess Lois. Ewan ko ba kung ano ang nagpabago sa isip ko para mapapayag niya sa kabila nang desidido kong pagtanggi kanina.
***
Matapos ang mahabang biyahe ay nakarating kami sa building ng Metrobank. Bumaba na kami sa lobby kasama ang dalawa niyang bodyguard samantalang dumiretso naman sa parking area ang kotseng sinakayan namin para doon pumarada.
Sa labas pa lang ay may mga investors na kaming nakasalubong na sobrang sosyalin ang mga suot. Ang ilan pa nga sa kanila ay mahahalatang taga-Western country dahil sa kulay ng mata, buhok at kutis.
"Uy, Kim, Kim, Kim!"
Naramdaman ko naman ang ginawang pagsiko ni Lois sa tagiliran. Napatingin tuloy ako sa kan'ya at inalis sa tainga ang suot na headphone. Isinabit ko iyon sa leeg. "
"Bakit?" tanong ko.
"Mga representative sila ng Samsung," tukoy niya sa mga negosyanteng lumabas. Wari'y itinuro pa ng nguso niya ang direksyon ng mga iyon.
"Ano naman gusto mong gawin ko?"
"Nothing. Nakaka-amaze lang kasi. Imagine, sobrang big time na pala talaga 'tong best friend ko kasi kung sinu-sinong representative from malalaking kompanya ang nakakaharap niya. Kaya hindi na 'ko nagtataka kung bakit s'ya gan'yan ka-busy."
"Pero hindi pa rin sapat na dahilan 'yon para hiwalayan niya si Kentaki," napanguso na lamang ako saka siya inunahan sa paglalakad. Masyado na rin kasi matagal ang pag-stop over namin sa lobby.
"Teka, mag-change outfit ka muna!" habol niya. "Masyadong informal 'yang suot mo!"
Hindi ko na siya pinansin sa halip ay dumiretso ako sa Reception Area. "Excuse me, saan dito ang office ni Maureen Lincoln?" tanong ko sa empleyadong kaharap.
Napahinto pa nga ito sa pakikipag-usap sa telepono at napanganga sa tinanong ko.
"Anong floor ba? Second? Third? Fourth? Fifth? Or what?" duktong ko sa tanong. Baka kasi hindi nito na-gets ang una kong sinabi. "We're on hurry. Can you make it fast?"
"Mayroon po ba kayong appointment?"
"Appointment?"
"Wala, eh," sabat naman ni Princsee Lois. "But I'm her best friend. For sure, ie-entertain n'ya kami once sabihin mo sa kan'ya ang mga pangalan namin," kampante pa niyang pahayag. "I'm Princess Eloisa Watson Mc Bridge and this is Kimberly Lim Depensor, we're from Camp Bridge Academy. Please tell Maureen to go downstairs kasi nandito kami."
"Ah, eh, excuse me. For a sec, Ma'am," pagkasabi'y nag-dial sa telepono ang Receptionist.
"Baliw ka ba?! Bakit mo sinabing Kim Depensor ang pangalan ko?" paghihimutok ko naman sa harap ni Lois.
"As usual! Ayos na 'yung birth certificate mo! Depensor na ang nakalagay sa last name mo kaya meaning to say, hindi ka na lang basta Depensor by blood but also mandated by the Law na rin!"
"Whatever!" napanguso na lamang ako saka muling ibinalik ang tingin sa Receptionist. "Excuse me, Miss. Matagal pa ba? Anong sabi?"
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2008
Ficção Adolescente"Ako gawa sakit. Ikaw, gawa gamot sakit... Kapag binili at ginamit mo ang Matte Lipstick, hindi ka na tatanda. Kailangan mo lang i-maintain ang gamit para manatili ang kabataan. Pero bawal ma-overdose dahil kabaliktaran no'n ang magiging resulta." S...