Revlor Cosmetics

4 1 0
                                    

"WE'RE FINALLY HERE!" nakapamaywang na bungad ni Princess Lois pagkapasok sa pinto.

Itinuloy naman ni Maureen ang pag-inom sa hawak na kopita habang nakatuon ang atensyon sa kaharap na laptop. Mukhang may pinapanood itong kainte-interesante.

Sa 'di kalayuan naman ay naroon ang isang empleyado na hinahain sa receiving table ang mga pagkaing nasa paper bag. Sa tingin ko ay iyon 'yung pagkaing dinala ni Clarck.

"Maureen, sana in-orient n'yo manlang 'yung mga empleyado ninyo on how to treat VIP's properly! Shit! I can't even imagine na hindi manlang nila ako nakilala!" maktol pa ng princsesa.

"Ano ba kasing ginagawa ninyo rito?" walang emosyong tanong ni Maureen saka inilapag sa lamesa ang hawak na kopita. Pasimple rin nitong iniharap sa amin ang pinapanoorang laptop kung saan naka-flash ang cctv access sa buong building. "Sa tingin n'yo ba palalagpasin ng Metrobank ang ginawa ninyong pag-tresspass sa property na 'to?"

"C'mon, Maureen! Wag mo nga 'kong takutin! Para naman tayo walang pinagsamahan n'yan!" napaismid si Princess Lois saka padekuwatrong naupo sa sofa kung nasaan ang receiving table. "Mabuti pa ikain mo na lang 'yan. Baka nagugutom ka lang." pagkasabi'y nagsandok siya ng pagkain sa kaharap na pinggan. "Kapag naging kayo ni Clarck, for sure araw-araw kang busog dahil sa masasarap na recipe galing sa restaurant nila. Ingat lang, baka tumaba ka!"

Ngunit sa halip na sumagot ay naupo si Maureen sa shivel chair at humarap sa salamin. Nagsimula itong magpahid ng lipstick sa labi. Matingkad ang pagkakapula no'n. "Sorry, nawalan na 'ko nang gana kumain."

"Naks! Diet! In fairness, bet ko 'yang shade ng lipstick mo. Anong brand 'yan?"

"Revlor."

"Revlor? Parang ngayon ko lang narinig 'yan."

"Actually, nakuha ko lang 'to sa make up kit ni mommy. Ang ganda 'di ba," nag-pout pa ito sa harap ng salamin. "Sa 'yo na 'yan!" pagkasabi'y hinagis nito sa prinsesa ang lipstick.

Nasalo n'ya naman iyon. Binasa at tinitigang maigi ang label. "Are you sure, sa 'kin na lang 'to?"

"Yes. May tatlong shade pa sa bahay. Hindi naman siguro magiging kabawasan sa collection ni mommy kung bibigyan kita ng isa."

"Ok," nakangiti pa niyang ibinulsa ang nasalong lipstick. "Thanks."

"Ah, eh, kumusta ka naman?" naitanong ko na lamang kay Maureen para baguhin ang takbo ng usapan.

Hindi kasi ako maka-relate kapag make up ang pinag-uusapan. Lumapit ako sa tabi nito saka inusisa ang laptop.

"Sus! Kanina mo pa pala kami pinapanood d'yan, hindi ka manlang bumaba!" reklamo ko. "So, ok ka na ba? Wala na bang masakit sa 'yo? Ready to mingle ka na ba talaga?"

"Kung pumunta lang kayo rito para usisain ang tungkol sa 'min ni Kentaki, mabuti pa umalis na kayo kasi masyado akong busy para problemahin ang gan'yan kababaw na bagay," biglaang pagbabago sa mood nito. "So, kung hindi nyo mamasamain, puwede ko na kayo ipahatid sa lobby. Mayroon pa kasi akong appointment sa Bangko Sentral mamaya. Gusto ko na rin sana makapag-prepare."

"Wow!"

"You know what, pumunta ako rito kasi miss na miss na kita. Gusto na kita maka-bonding at sobrang dami kong gustong ikuwento sa 'yo. Pero parang kabaliktaran naman yata no'n ang nararamdaman mo," nasa tono ni Princess Lois ang pagdaramdam habang tinutusok-tusok ng hawak na tinidor ang pork steak sa pinggan. "Nagbago ka na nga talaga."

"Hala sorry! Na-misinterpret n'yo yata 'yung totoong definition ng salitang Transparency," napasapok sa noo si Maureen. "C'mon girls! I'm just trying to be transparent! Anong masama kung hiniwalayan ko si Kentaki? Doon rin naman kami hahantong diba?"

"PERO KAKAHIWALAY N'YO LANG, INE-ENTERTAIN MO NA KAAGAD SI CLARCK!" padabog na ipinatong ni Princess Lois ang magkabilang kamay sa lamesa. Napatayo rin siya sa tagpong ito. "Ang akala ko ba, mahal mo si Kentaki? So, bakit basta mo na lang s'ya isinuko? Bakit hindi mo manlang s'ya ipinaglaban?"

"What's the point, Lois?"

"Ang point ko lang, LUMABAN KA MANLANG SANA! Pero wala, eh, para ka rin si Brayan! PAREHO KAYONG DUWAG!"

"Pasensya na, ha. Hindi kasi kami kasing tapang ng mommy mo." paismid na sagot ni Maureen. "Hindi namin kayang mang-angkin at hamakin ang lahat para sa pansariling kaligayahan. Hindi pa 'ko handang makipaglaban hanggang kamatayan at lalong hindi pa kaya ng konsensya ko ang makasira ng future ng iba," sabi pa nito mula sa kinauupuan habang abala sa paglalagay ng face powder.

"Bawiin mo ang mga sinabi mo tungkol sa mommy ko!" nanlilisik ang mga mata ni Lois na lumapit dito.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Maureen. "Huwag ka na nga magmaang-maangan! Don't tell me, hindi mo alam na mommy mo ang sumira sa unang pamilya ni chairman Forbes?"

"Ibang klase ka talaga," pagkasabi'y humakbang si Princess Lois paatras at nagsimulang humakbang papalapit sa pintuan.

"Bago ka umalis, I just want to inform you that Garry and Doreen are in a relationship."

Napahinto naman ang prinsesa sa pagpihit ng doorknob. Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya sa narinig.

"Nagpunta si Garry sa bahay kasama ang Tito niya. Remember that man on a steel mask? Iyon 'yung Tito niya. Si Dr. Neil. Neil Watson."

"Imposible."

"Huwag sana masayang ang ginawa mong pagpapa-ubaya." sabi ko naman kay Maureen noong kaming dalawa na lamang ang nasa loob ng office. "Huwag ka rin sanang magsisi kapag nakita mo siyang masaya sa piling ng iba."

CAMP BRIDGE: Class of 2008Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon