GARRY POV
Ito ang unang araw ng periodical exam namin. Alam kong late na 'ko pero daig ko pa ang nagliliwaliw habang nagmumuni-muni sa Sunken garden. Hindi mahahalata ang pagmamadali sa bawat hakbang ng mga paa. Parang walang hinahabol na oras. Parang ayos lang hindi makapag-exam. Parang wala akong grade na kailangang i-maintain sa pagiging scholar.
Ewan ko ba!
Sa Sunken garden ay hindi ko inaasahang makita si Maureen. Nakatulala siya habang naglalakad papunta sa direksyon ko. Hindi ko alam kung naaaninagan ba niya ako o hindi. Nakapagtataka rin kasi ngayon ko lang uli siya nakitang nakasuot ng proper school uniform.
Naalala ko tuloy 'yung mga sinabi ni agent Doreen tungkol sa mommy nila. Paano kung isa pala iyon sa mga pinoproblema ni Maureen ngayon? Paano kung hindi pa talaga siya handa maging CEO ng kompanya nila?
"Garry!" isang kamay ang tumapik sa balikat ko.
Nilingon ko ito. Si Neightan pala.
"Garry, bakit hindi ka pa pumapasok?"
"Papunta na 'ko sa room."
"Papunta? Parang hindi ka naman nagmamadali. Anong oras na oh?! Late ka na, bro!"
"Eh, bakit ikaw?"
"Tapos na 'ko mag-exam. Sisiw nga, eh!"
"Kung sabagay, may kodigo ka nga pala," napabuntong-hininga na lamang ako. "O s'ya, iwan na kita d'yan."
Lilihis na sana ako nang daan kaso naaninagan ko si Kentaki habang sinasalubong si Maureen.
"You're not yet taking the exams," hinihingal itong lumapit sa kasintahan.
"Nag-drop na 'ko."
"Stop kidding, Babe. You're not funny."
"K-kaya lang naman ako nandito para personal na asikasuhin ang papers ko. Starting tomorrow, magtatrabaho na 'ko sa Metrobank as CEO... Puwede ko pa rin naman ipagpatuloy ang pag-aaral, iyon nga lang, home study na."
"Babe, I can ask my mom regarding your mom's condition. We have the best scientist in our company. I'm sure they can invent a perfect formula as soon as possible. Please huwag ka muna mag-drop."
Kung gano'n, alam na rin pala ni Kentaki ang tungkol sa sakit ng first lady ng Metrobank. At sigurado akong si Dr. Neil ang scientist na tinutukoy nito. Pero hindi ko inaasahang kilala pala nito ang aming quack doctor. Ano pa nga kaya ang iba nitong nalalaman tungkol kay agent Samson at sa A3?
"Oy, Maureen! Kung magda-drop ka, sino na ang magiging leader ng OTAKU?" sabat naman ni Neightan na sumali sa usapan ng magkasintahan. Lumapit ito sa kanila.
"I don't know," kibit-balikat na sagot ni Maureen. "Maybe, they should elect the new leader."
"Desidido ka na ba talaga mag-drop?" tanong ko.
"Yup! No choice, eh. Ayoko ng maraming hassle sa buhay. Masyado kasi magiging complicated kung magkakasabay-sabay lahat ng appointments ko."
"Paano na si Kentaki n'yan?" tanong pa ni Neightan.
Kitang-kita ko naman kung paano napahawak sa dulo ng palda si Maureen. Humigpit ang pagkakahawak niya doon.
"Nand'yan naman si Airish, eh. She's good enough for him," sinubukan pa niyang ngumiti. Ningitian niya si Neightan. "Oh, well, I have to go. May meeting pa kasi ako," iniwasan niya ng tingin si Kentaki saka umakto nang paghakbang palayo.
"MAUREEN, ANO BA?!" sigaw naman ni Kentaki. "'Di ba napag-usapan na natin 'to? Akala ko ba magtutulungan tayo sa kompanya ninyo."
Nagpasalit-salit ang tingin ko sa magkasintahan. Taliwas ito sa madugong sagupaan na inaasahan ko sa Camp Bridge. Naalala ko pa nang tanggapin ko ang misyon at nang sabihin ni agent Samson na bantayan ko rin ang mga tagapagmana ng Immortals kung saan kabilang ang anak niya.
Naroon ako noong nakipagsuntukan si Kentaki para lang ipaglaban si Maureen. Nasaksihan ko rin kung paano naghabol si Maureen kay Kentaki. Buong akala ko noon ay laro lamang ang relasyon nila pero sa nakikita ko ngayon ay kakaibang intensity ang namamayani. Nararamdaman ko ang emosyong bumabalot sa kanila at anomang oras ay puwedeng-puwede sila magkasakitan gamit ang mapapangahas na salita.
"Tapusin na natin 'to, Ken."
"Gano'n na lang 'yon?"
"Bakit, Ken? Kapag sinabi ko bang i-give up mo 'yong engagement ninyo ni Airish, gagawin mo ba? Kentaki, ayoko na pahirapan ang sarili ko," nasa tono ng boses ni Maureen ang panginginig. "Alam ko naman hindi ko mapapantayan si Airish sa puso mo, eh. Alam kong hindi ka puwede maging akin nang buong-buo lalo na ngayong magiging busy ako. Wala akong assurance sa relationship na 'to coz in the end, sa kan'ya ka pa rin naman ikakasal." pagkasabi'y hindi na niya naitago ang pag-iyak at luhaang hinarap si Kentaki. "I love you so badly. That's why, I am setting you free."
Kasabay no'n ang pag-ihip nang malakas na hangin. Tinangay no'n ang maiksing palda't mahabang buhok ni Maureen.
"Hindi mo manlang ba 'ko ipaglalaban?" tanong ni Kentaki.
"I'm sorry pero mas kailangan ako ng kompanya namin, higit sa pangangailangan ko sa 'yo," inalis ni Maureen ang pagkakahawak ng kamay ni Kentaki sa braso niya saka naglakad papalayo at hindi na lumingon pa.
Naiwang mag-isa sa kinatatayuan si Kentaki.
"Ok lang 'yan! Expired na rin naman 'yung five months contract natin, eh. Tara iinom na lang natin 'yan!" sabat ni Neightan saka umakto nang pag-akbay sa balikat ni Kentaki.
Napailing na lamang ako.
Sa pag-iling kong iyon ay hindi naman sinasadyang mahagip ng mata ko ang kinatatayuan ng kapatid ni Kentaki. Nakatayo si Nikki sa terrace ng building ng mga second year at nakatingin sa direksyon namin. Sa tabi nito ay naroon ang isang babaeng muslim na balot na balot ang suot na tanging mga mata lamang ang nakikita. Sa tingin ko'y kilala ko na kung sino iyon.
Si Airish DK.

BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2008
Teen Fiction"Ako gawa sakit. Ikaw, gawa gamot sakit... Kapag binili at ginamit mo ang Matte Lipstick, hindi ka na tatanda. Kailangan mo lang i-maintain ang gamit para manatili ang kabataan. Pero bawal ma-overdose dahil kabaliktaran no'n ang magiging resulta." S...