The clash

6 3 0
                                    

KIM POV

"Good morning, Kim!" nakangiting bati sa 'kin ni Princess Lois nang makasalubong ko siya sa parking lot ng school.

Isang buwan na rin ang nakalipas magmula nang mag-transfer ako sa Camp Bridge.

"Ano'ng maganda sa morning?" wala sa mood kong sagot saka ipinarada ang sinasakyang bisikleta sa tabi nang binabaan niyang Limousine.

"Siyempre, dahil pinaplano ko nang sagutin si Brayan."

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"I mean, bakit mo sasagutin? Eh, hindi ko naman 'yon nakitaan ng sincerity sa ginagawang panliligaw sa 'yo."

"Mayroon kaya! Akala mo lang wala dahil hindi s'ya kasing expressive ng ibang manliligaw," pagkasabi'y nagsimula na siyang humakbang palayo.

Naisip ko tuloy 'yong nakita ko kahapon sa garden na may kahalikang ibang babae si Brayan. Hindi ko alam kung dapat ko na ba 'yon sabihin sa kan'ya o hayaan na lang na siya mismo ang makaalam.

"Uy! Kim, natulala ka na d'yan," baling n'ya sa 'kin.

Hindi ko manlang namalayan na nasa entrance hall na pala kami ng Camp Bridge.

"So, dapat na ba kita tawaging 'tita Lois'?"

"Yuck! Masyado pa 'kong bata!" pagkasabi'y nanggigigil n'ya akong pinaghahampas sa balikat. "Pero totoo nga bang ikaw ang anak nina tito Frank at tita Ria?" sa wakas ay huminto na siya sa paghampas.

"As if may choice ako."

"Kung gano'n, magkasama na rin kayo ni Brayan sa iisang bubong?" namimilog ang mga mata pa niyang sabi. "How was it? Puwede mo ba 'kong kuwentuhan— just like, paano siya matulog, kumain or kumilos kapag nasa loob ng bahay?"

"Correction, hindi lang iisa ang bubong ng bahay namin. Mayroon pa iyong North and South building saka Library section. Thankful na nga lang ako dahil nakatulong ang pagiging malawak ng Depensor residence para hindi lumiit ang espasyo sa pagitan namin. Kasi kung nagkataon, baka nag-teleport na lang ako pabalik sa Korea! Isipin mo ha, mismong tito ko pa ang isa sa mga pasimuno nang pambu-bully sa 'kin dito sa school— na dapat ay pumoprotekta. But then, hindi ko naman hinihiling 'yon sa kan'ya. Bahala na s'ya sirain ang buhay n'ya sa paraan nang pagsama kay Pineapple. Basta, ikinahihiya ko ang pagiging pamangkin niya!"

"Uy! Ang hard mo naman kay Brayan, my loves," sa dami nang dinaing ko ay iyon lang ang sinagot niya.

"Paanong hindi, eh, mas hard pa nga 'yon sa 'kin! Ewan ko ba kung ano'ng nakita mo sa lalakeng 'yon!"

"Well, pakikiligin ka lang naman n'ya in a very different way."

"Hay! Ewan."

"Kim!" hinihingal naman lumapit si Maureen.

Paulit-ulit nitong sinigaw ang pangalan ko kaya halos pagtinginan na kami ng mga estudyanteng nasa hallway.

"B-Bakit?"

"S-sa iyo ba 'yung green japanese bike?"

"Oo. Iyon na ang service ko dahil sinira ni Joe 'yong kakarag-karag kong kotse."

"Ah, eh, kung gano'n, sumama ka sa 'kin sa field!" natataranta pa nitong sabi saka ako hinatak papunta sa field.

Samantalang sumunod naman sa 'min si Princess Lois at gano'n din ang halos lahat ng estudyanteng nakarinig.

Pagkarating sa field ay naabutan naming abala sa paghihiyawan ang mga nagkukumpulang estudyante.

"T-teka, bike ko 'yon ha!"

Laking gulat ko nang makitang kinakaladkad ng sports car na sinasakyan ni Joe ang bisikleta ko, paikot sa one-kilometer jogging lane.

"Kaya nga kita hinanap para ipakita sa 'yo 'yan."

"I'd rather stop them," desidido namang sabi ni Princess Lois saka nagsimulang humakbang palapit sa kinatatayuan ni Neightan.

Mabuti na lang ay nagawa ko pa siyang pigilan bago tuluyang makalapit dito. "Away namin 'to ng pineapple mong pinsan kaya huwag ka na mangialam. Please lang, Princess Lois."

"Huwag mangialam? Kim, hindi kita pinapakelaman. Concern lang ako sa 'yo! Sa tingin mo ba manonood lang ako at hahayaan i-tolerate ang unwanted behaviours ng mga estudyanteng nag-aaral sa school na pagmamay-ari ng pamilya namin? Especially my cousin, that any moment from now ay kayang-kaya ilagay sa kahihiyan ang reputasyon ng Camp Bridge?"

"L-Lois, it's useless," nasabi na lamang ni Maureen.

Hindi ko na kasi siya hinintay matapos sa pagsasalita dahil dali-dali na akong tumakbo sa field para harapin si Joe.

Wala akong pakialam kung sagasaan ako nito, basta ihaharang ko ang sarili sa daraan ng sasakyan para matigil na ito nang pagkaladkad sa bike ko.

"Kim, nababaliw ka na ba talaga?"

"Kim, umalis ka d'yan!'

Ilang metro na lamang ang layo sa 'kin ni Joe pero habang papalapit ito ay mas lalo ko nare-realize na wala talaga itong balak huminto.

Kaya naman ipinikit ko na lamang ang mga mata bilang paghahanda sa pagbangga.

Matapos ang mabilis na pangyayari ay naramdaman ko na lang ang pagtalsik ko sa damuhan kasabay ang pagtilapon ni Joe.

"NABABALIW KA NA BA? KUNG PLANO MO MAGPAKAMATAY, HUWAG DITO!"

Palibhasa hindi pa nagsi-sync in sa utak ko ang mga nangyari kaya nanatili akong tuliro.

"Dali! tumawag kayo ng ambulansya!"

Ano bang nangyari?

"Kim, are you ok?"

Hanggang sa naramdaman ko na lang na may sumuntok sa pisngi ko na naging dahilan para tumalsik uli ako. Pero sa tagpo ito ay malaki ang naitulong ng suntok na 'yon para bumalik ako sa ulirat.

"Brayan, baliw ka na ba? Bakit mo s'ya sinuntok?"

Sa sobrang bilis talaga ng pangyayari ay namalayan ko na lang nasa harapan ko na sina Brayan, Garry, Princess Lois at Maureen.

"A-anong nangyari?" pagtataka ko.

"Mabuti na lang dumating si Brayan para iligtas ka. Ano ba kasing tumakbo sa utak mo para harangan si Joe? Iyan tuloy sumemplang 'yung kotse n'ya!"

"Mukhang dead on the spot na yata."

"Uy, Maureen grabe ka naman!"

"Sa susunod kasi, kilalanin mo muna kung sino ang babanggain mo," pagkasabi ni Brayan ay bumitaw na ito sa pagkakahawak sa 'kin saka lumakad papalapit sa kinaroroonan ng kotse ni Joe.

"Kim, ayos ka lang?" humaharungas namang lumapit sa 'kin si Jerryme na mukhang nahuli sa balita.

Kasama nito sina Kentaki at Sammara.

Kasunod no'n ay ang pagdating ng mga teacher at security guards na sumita at nagpabalik ng mga estudyante sa classroom. Naiwan naman ang section namin sa field.

"Ms. Mc Bridge, how do you explain this mess?" tanong ng school Principal.

"Ah, eh. P-parang Love. It's just so happened."

"Cous', umayos ka nga!" suway ni Sammara.

"Eh, it's just so happened nga kasi. Paano ko ie-explain 'yon?"

***

Matapos ang aksidente ay mga galos lamang ang natamo ko samantalang nagkaroon ng injury sa kaliwang paa si Joe kaya hindi muna ito makakapasok ng ilang araw.

Hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa sa karma nito o maaawa na lang.

"KASALANAN MO KUNG BAKIT NA-INJURY ANG BOYFRIEND KO!"

CAMP BRIDGE: Class of 2008Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon