Lim Kim Park

7 3 0
                                    

KIM POV

"Yoeboseyo?" sinagot ko ang tawag sa cellphone matapos ang ilang beses na pagri-ring. Hindi ko na nga sana sasagutin dahil alam kong si Eomma lang naman ang tumatawag.

"Kim, nasa school ka na ba?"

"I'm on my way," tinatamad kong sagot saka ibinaling ang tingin sa bintana ng minamanehong kakarag-karag na pulang kotseng kuba na pinahiram ni tita Natalya papunta sa Camp Bridge.

Palibhasa panahon ng Presidential Election kaya nagkalat sa kalsada ang mga namimigay ng fliers at ang maingay na back up jingle ng bawat botante.

"Nagda-drive ka?" kahit hindi nakikita ay alam kong nakataas na naman ang isang kilay niya. "Ang sabi ni Natalya, kanina ka pa raw umalis sa bahay n'ya. Don't tell me pumunta ka na naman sa orphanage."

"Yah, yah, yah," naiinip kong sagot habang hinihintay mag-go signal ang stop light. "Kung ikaw nga nakipag-one night stand, eh."

"Anak, alam mo naman divorced na kami ni Prime Minister at biological dad mo ang kasama ko kagabi. Kaya kung puwede lang, iwasan mo nang ma-involve sa orphanage or sa kahit anong bagay na may kinalaman sa kan'ya."

"Promise, this will be the last."

Mabuti na lang nag-go sign na ang sa stop light kaya sunod ko nang itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.

Kung tutuusin ay napakarami kong dahilan para mangatuwiran kay Eomma pero pinili ko na lamang ang tumahimik para hindi na humaba ang pagtatalo namin. Ganito ako palagi sa tuwing pinagsasabihan niya. Una makikipagtalo at sa huli'y magpapakumbaba. Maayos naman ang naging pagpapalaki n'ya sa 'kin, pero ang hindi ko matanggap ay kung bakit ako ganito.

I mean, my gender.

Grade five pa lamang ako noong nagsimulang sumali sa Women's Swimming club ng school. Palibhasa puro lalake ang mga nakasama ko sa team kaya mabilis ko na-adopt ang kilos nila. Sunod no'n ay nakahiligan ko na rin ang pagsusuot ng mga damit pang-lalake. Hanggang pati hairstyle nila ay ginaya ko na rin.

Masyado talaga mabilis ang naging impluwensya ng Korea sa 'kin at hindi ko naman iyon pinagsisisihan, dahil dito ko natutunan kung paano magpakilig at magpaasa ng mga babae na talaga namang nae-enjoy kong gawin.

I'm a lesbian.

Tanggap ko na 'yon sa sarili dahil aminado ako na mas attracted talaga ako sa magaganda't balinkinitang babae kumpara sa guwapo't maskuladong lalake. Cross-dresser din ako at hindi ko ikinakahiyang ipaglantaran sa buong mundo ang pagkatao sapagkat suportado naman ako ng mga magulang ko.

Pero noon 'yon.

Noong nasa Korea pa ako. Noong akala ko ay si Prime Minister Park Suk Goo ang daddy ko. Iba na kasi ngayon.  Ngayon nga'y nasa Pilipinas na 'ko. Alam ko na rin si Atty. Frank Depensor ang totoo kong daddy. Which leads me to the conclusion that 16 years of my life was a big lie!

***

Sa sobrang lalim nang pag-iisip ay kung saan-saan na naman nakarating ang utak ko...

Muntikan pa nga ako lumagpas sa gate ng Camp Bridge kung hindi ko lang napansin ang sunod-sunod na pagdating ng mga mamahaling sasakyan papunta sa iisang lugar.

Napa-U-turn tuloy ang kakarag-karag na kotse papasok sa mala-tarangkahang gate ng Palasyo. Pagkarating sa basement ay hinanap ko kaagad ang Parking Attendant pero mukhang wala yata gustong mag-assist sa 'kin dahil cheap ang sinasakyan ko.

Kaya naman nagpaatras-abante na lamang ako sa paghahanap nang mapagpaparadahan hanggang makakita ng bakanteng lote sa tabi ng itim na BMW.

"NAKAHANAP DIN!" naisigaw ko pa habang nagmamane-obra.

CAMP BRIDGE: Class of 2008Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon