Pagpapakilala

5 3 0
                                    

Huli na nang mag-sync in sa utak ko ang mga sinasabi ni Lim Kim Park kaya huli na rin nang mapansing nakatingin na pala ang buong section one sa 'kin.

"Talaga ba nasa office ka ni ninang Natalya?" baling sa 'kin ni Rick Lee.

"Ano'ng ginawa mo sa Apple Corporation?" pagtataka rin ni Princess.

"Ah, eh," nagkatinginan naman kami ni Doreen.

Paano ko nga ba maililihis ang topic para hindi na ako ang pagbalingan nila nang tingin? Nakakainis kasing Lim Kim Park na 'to! Ang akala ko pa naman hindi n'ya 'ko nakita. Asar!

"Uy, Garry, ano na?" makailang ulit na tanong ni Princess.

"Ah, i-iyon ba?" wari'y napalunok muna ako ng laway saka humugot nang malalim na hininga bago nagpatuloy sa mga idadahilan. "N-napulot ko kasi 'yung wallet ni Ma'am Natalya sa restaurant na pinagtatrabahuan ko kaya ako pumunta sa office n'ya para personal na ibigay 'yung wallet sa kan'ya."

"Oh! Really?" namimilog na mga matang reaksyon ni Maureen.

"Kung gano'n, dapat pala magpatawag ng press conference ang Apple Corporation para sa good thing na ginawa mo!" nag-i-spark pang suggestion ni Rick Lee.

"Pero kahit minsan ay hindi nag-wallet si Mommy," pagtataka naman ni Kentaki na mas lalong nagdiin sa 'kin sa senaryong ito.

"H-hindi ba?" bahagya tuloy ako napakamot sa ulo. "P-pero, h-hindi kaya i-isa iyon sa dahilan kung bakit niya naiwan ang wallet n'ya, d-dahil h-hindi siya sanay mag-wallet?" halos mautal-utal kong pagtatagpi sa mga idadahilan.

Napatango naman sila.

"I see," nasabi pa ni Princess.

Dahil doon ay hindi ko napigilan ang magpakawala nang sunod-sunod na buntong-hininga.

Pakiramdam ko nga'y pinagpapawisan ako nang malamig dulot ng kakaibang tensyon. Mabuti na lamang talaga ay nagawa ko pa makapag-isip nang matino sa kabila ng pangangatog.

"Ok, class, you may take your sit," sabat naman ng dumating na teacher kaya kaagad na umupo at tumahimik ang mga kaklase ko.

"Ayos ka rin mag-alibis kanina, ha!" bulong naman ni Doreen pagkaupo sa tabi ko.

Napaismid lamang ako.

"Next time kasi, sa A3 na lang kayo magkita. Napakaraming lugar, sa office ng Apple n'yo pa naisipan mag-meeting!"

"Wala namang bago do'n. 'Di ba?" pabulong lamang ang pag-uusap namin.

Kung tutuusin ay wala naman talagang bago sa pagpunta ko sa office ni agent Samson dahil isa iyon sa paraan nang pagre-report ko sa kan'ya. Nagkataon lang talaga na naabutan ako ni Lim Kim Park. Kaya para makaiwas sa pang-aasar ni agent Doreen ay itinuon ko na lang ang atensyon sa harap kung saan nagsasalita si Ma'am.

"I am Gloria D. Mabilang. I'm going to be your Biology teacher and class adviser for this year," pakilala ng teacher namin.

Ayon sa profile ni Ma'am Mabilang na nag-pop up sa eyeglasses ko ay graduated ito ng doctor's degree sa Harvard. 33 years old na ito at mayroon isang anak. Mukha naman hindi mahalaga ang iba pang information kaya itinigil ko na lamang ang panghihimasok sa personal nitong buhay at itinuon ang atensyon sa klase.

"This time, I want to know you guys better. So, go in front, introduce yourself and tell me something about your expectations for my subject," sabi pa nito. "Who wants to start?" bumaling ito sa 'kin.

A-ako?

Napailing ako. "H-hindi pa po ako h-handa."

"Mrs. Mabilang, I volunteer myself," sabat naman ni Rick Lee saka umakto nang pagpunta sa harap.

CAMP BRIDGE: Class of 2008Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon