Katapusan ko na yata.
Mabuti na lang hindi nahubad ang suot kong sunglasses at hoody kaya hindi pa rin nila namumukhaan kung sino ako.
"Bibigyan kita ng isang minuto para magmakaawa, magpakilala, at magpaliwanag bago kita tuluyan patayin. Simulan mo na!" nananakot na banta ni Louisa habang hawak ang 9mm cal. revolver na nakatutok sa noo ko.
Napahawak na lamang ako sa earpods para humingi ng back up. "Naloko na!"
Kasabay no'n ang pagkamatay ng mga ilaw sa paligid. Malamang ay narinig ni Doreen ang mensahe ko kaya mabilis niyang pinutol ang linya ng kuryente na nagdulot ng block out sa buong hotel.
Sa tagpong ito ay naging maluwag ang pagkakahawak sa 'kin ng mga armadong guwardya at nawala na rin sa 'kin ang atensyon nila. Kaya naman ginamit ko ang pagkakataon para matadyakan ang nakaharang sa harap ko at paika-ikang tumakbo palabas.
"Mga bugok! Habulin n'yo!" narinig kong sigaw ni Louisa.
"Ano ba talagang nangyayari?" pagtataka naman ni Dra. Amanda.
Pagkalabas sa silid ay napakahabang hallway ang bumungad sa 'kin. Hindi ko malaman kung kakaliwa ba ako o kakanan. Masyado rin madilim ang paligid at tanging liwanag ng buwan na lumulusot sa bintana lamang ang nagsisilbing ilaw.
Sa tagpong ito ay kailangan ko maging alisto. Inihakbang ko ang mga paa pasulong sa kanang direksyon ng hallway, subalit hindi pa man ako nakakalayo ay isang kamay ang humigit sa 'kin papasok sa loob ng panibagong silid.
"Hindi ka kasi nag-iingat!" maktol ni Doreen pagkasarado ng pinto. Inihagis niya sa 'kin ang flashlight. Mabuti na lang nasalo ko iyon.
"N-nasa kanila 'yong flash drive," pagbabalita ko naman.
"Pabayaan mo na 'yon! Ang mahalaga makalabas tayo rito!" giit niya habang humahanap ng madadaanan palabas.
Itinutok ko rin ang flashlight sa paligid para makahanap nang madadaanan. Binuksan ko ang bawat pinto ng silid sa pagbabaka-sakaling mayroong mahanap na puwedeng makatulong sa 'min.
Pero sa kakabukas ko ng pinto ay isang bodyguard ni Louisa ang nakakita sa 'kin at nagturo sa iba pang kasamahan nito't nagpaulan nang napakaraming bala ng baril.
Aatras sana ako pero nagpaputok ng baril si Doreen at nakipagpalitan ng putok sa mga kalaban. Natamaan niya sa balikat ang isa sa mga 'yon.
"Ano pa tinutunganga mo? Tumakbo ka na!" utos niya.
Masyado kasi ako nabigla sa mga nangyayari kaya hindi ko namalayang natulala na pala ako.
"ALIS NA SABI!" ulit pa niya.
Duwag lamang ang aatras para tumakas at pabayaan sa bingit ng kamatayan ang kakampi... Kaya naman hindi ko hahayaang iwan na lamang basta si Doreen... Nag-isip ako ng paraan.
Sa gitna nang nagpapalitang putok ng baril ay inilibot ko ang tingin sa paligid. Gamit ang salaming nakasuot sa mata ko ay nade-detect nito ang mga bagay na posibleng makatulong sa 'min. Maliban sa mahabang hallway ay mga babasaging figurines at naglalakihang flower vase lamang ang nasa paligid. Hindi ako sigurado kung may maitutulong ang mga iyon kaya naman kinapa ko ang bulsa ng suot kong rubberpants kung nasaan ang tatlong Portable Capsule. Una kong nakuha ang kulay pulang capsule, pinisil ko iyon hanggang sa isang makapal na usok ang lumabas.
Nabigla naman si Doreen at ang mga kasagupaan niya sa nangyari.
"Tara na!" aya ko kay Doreen.
Tumango naman siya't ibinaba ang baril. Humakbang siya paatras.
Naglabas uli ako ng capsule kung saan kulay berde ang sunod na nakuha. Pinisil ko uli iyon hanggang sa isang Lion ang lumabas.
Ipinaubaya ko na sa mabangis na Lion ang mga kalaban at magkasama kami tumakbo ni Doreen papunta sa kabilang direksyon ng mahabang hallway."Paano naman nakapagpaamo si agent Samson nang gano'n kabangis na Lion?" pagtataka pa ni Doreen habang tumatakbo.
"Ewan ko," napakibit-balikat na lamang ako. "Malay ko rin kung paano niya naikulong at napagkasya sa maliit na capsule ang tulad no'n."
Pagkarating sa lobby ng hotel ay naabutan namin nagkakagulo ang mga sibilyan. Lahat sila ay nagpa-panick at pare-parehong gusto mauna sa paglabas.
"TARA SA FIRE EXIT!" utos ni Doreen.
Hindi pa man ako nakakapayag ay hinigit n'ya na ang kamay ko papunta sa fire exit. Dumaan kami roon paakyat sa rooftop kung saan naghihintay ang Helicopter. Subalit hindi naman namin inaasahang makakasalubong ang pababang sina Louisa, Dra. Amanda at Mr. Mat kasama ang kanilang bodyguard.
"Tignan mo nga naman," giit ni Louisa.
Nagkatitigan na lamang kami ni Doreen. Pareho kami nagpakiramdaman sa susunod na gagawin. Block out pa rin hanggang ngayon kaya flashlights lamang ang nagsisilbi naming liwanag. Napansin ko rin pilit kaming kinikilatis ni Louisa habang tinututukan ng flashlight ang mga mukha namin.
"AKO, AYAW GANITO KAGULO. KAYO AYOS NITO!" hiyaw ni Mr. Mat saka nanginginig na tumakbo pababa.
Sumunod naman dito ang bodyguards nito. Pinabayaan na lang namin sila makaalis dahil ang focus namin dito ay ang sister's in-law.
"Sino ba talaga kayo?" tanong ni Dra. Amanda.
Hindi kami sumagot.
Napaismid naman si Louisa.
May isa pang capsule na natitira sa bulsa ko. Hindi ko alam kung may maitutulong iyon. Bahala na!
Pagkapisil ko sa inilabas na puting portable capsule ay isang mahabang lubid ang lumabas. Na-gets ko na kung paano iyon magagamit kaya naman inihagis ko iyon paitaas at siniguradong kakawit ang hook sa nakasabit na chandelier sa kisame. Pagkatapos no'n ay hinawakan ko si Doreen at automatic kaming hinigit ng lubid paakyat sa itaas.
Kitang-kita ko kung paano nabigla ang magbalae sa nangyari.
Pagkatungtong sa chandelier ay tumalon kami papunta sa huling baitang ng hagdan. Narinig at nakita naman naming hindi pa rin nagpaawat sa pagpapaputok ng baril ang mga bodyguard nila Louisa pero wala rin naman silang nagawa.
Sa huli ay nakarating kami sa rooftop kung saan naghihintay ang helicopter na naghatid sa 'min dito. Pinauna ko na si Doreen umakyat sa nakalambitin na hagdanan at kaagad rin naman akong sumunod sa kan'ya.
Nakasakay na kami sa Helicopter nang maaninagan namin ang pagdating nina Louisa at Dra. Amanda sa rooftop. Natulala na lamang ang mga ito at wala nang nagawa kung 'di panoorin kami sa pag-alis habang umaangat ang Helicopter.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2008
Fiksi Remaja"Ako gawa sakit. Ikaw, gawa gamot sakit... Kapag binili at ginamit mo ang Matte Lipstick, hindi ka na tatanda. Kailangan mo lang i-maintain ang gamit para manatili ang kabataan. Pero bawal ma-overdose dahil kabaliktaran no'n ang magiging resulta." S...