GARRY POV
"Nakahanda na 'ko!" habang isinusuot ang school uniform ay hindi ko mapigilan mapangiti sa harap ng maliit na salamin.
Sino nga ba ang isang Garry Tolentino para makatapak sa sahig ng Camp Bridge? Isa lamang ako pangkaraniwang nilalang na may lihim na pagkatao. Walang-wala ako kumpara sa kasosyalan ng mga estudyanteng nag-aaral doon.
Isinuot ko na lamang ang itim na contact lens at ang makapal na reading glasses. Nagsimula ako humakbang papalabas ng apartment nang bumulaga sa tapat ng pinto ang land lady na si aling Bebang.
"MABUTI NAMAN NAABUTAN KITA!" bungad nito sabay pameywang at sinimulan isa-isahin sa mga daliri ang mga kailangang ipaalala. "Bayaran na naman sa MERALCO, NAWASA, landline at renta ng kuwarto. Delayed ka pa nga ng isa, dalawa, tatlo at apat na buwang bayarin— plano mo na naman tumakas! Gusto mo bang paabutin muna nang isang milyon bago ka makaisip magbayad?"
"'Wag ka po mag-alala, babayaran kita nang buo ngayong darating na linggo," nasabi ko na lang habang kinakandado ang pinto.
"Hoy! Garry, last year ko pa narinig ang mga pangako mong 'yan. Tingin mo maniniwala pa 'ko!"
"Pasensya na po talaga, wala pa akong pera ngayon, eh... E-Excuse me po, baka ma-late na po kasi ako sa klase," pagmamadali ko saka nagsimula humakbang palayo. "Kita na lang po tayo mamaya."
"Aba! Walang modong kutong-lupa!"
Malamang nairita ito sa inasal ko kaya galit na galit nitong pinagbabato sa 'kin ang suot na tsinelas, pero mabilis ko naman iyon nailagan kahit hindi nakatingin.
"HOY! KUNG HINDI MO KAYA BAYARAN ANG MABABANG RENTA, MAS LALO NA NAPAKATAAS NA MATRIKULA!"
Hanggang sa labas ng apartment ay rinig na rinig ko pa rin ang nanggagalaiti nitong sigaw.
Magmula nang mapadpad ako sa Maynila ay ganito na ang mundong kinalakihan ko. Sigawan dito, murahan doon... Bingo rito, inuman doon... At walang katapusang tsimisan kahit saan. Nasaksihan ko na rin ang iba't ibang uri ng transaksyon sa lugar naming ito.
Kung tutuusin ay puwede ko naman takasan ang ganitong sistema ng pamumuhay. Napakarami kong paraan para maranasan ang karangyaan subalit mas pipiliin ko pa ang magtago sa katauhang ito nang sa gano'n ay lihim na makapamuhay laban sa mga taong nagnanais na ipapatay ako.
***
Habang naghihintay nang masasakyan ay bigla naman ako dinakip ng mga armadong lalake at sinakay sa Limousine.
"Ano ba? Palabasin n'yo nga ako rito! Sino ba kayo? Saan n'yo 'ko dadalhin?"
"Relax ka lang, bata!"
"A-Agent Tiamzon?" huli na nang mapansin ko ito sa loob ng sasakyan.
"Rather as President Tiamzon. We are in public."
Sa mabilis na paglipas ng panahon ay nakalimutan kong naipanalo na nga pala ni agent Tiamzon ang kandidatura sa pagka-Presidente. Kahit pa alam ng lahat na siya ang nagpapa-aral sa 'kin sa Camp Bridge ay kailangan pa rin namin mag-ingat dahil higit pa sa pagiging sponsor niya ang ugnayan namin.
Isa rin kasi siya sa mga founder ng A3. Isa siya sa mga nagbibigay ng mission sa 'min... Isa sa mga pinagkakatiwalaan ni agent Natalya.
"Nabalitaan kong nakapasok ka na sa kuta ng fraternity ni Neightan."
Hindi na ako nabigla nang makarating iyon sa kanila.
"Kung ganon, para saan pa ang nerd mong image?"
"Ah, ito po ba?" baling ko sa tinutukoy niyang high tech eyeglass na suot. "Naka-save kasi rito ang profile ng Immortals kaya wala akong choice kundi suutin pa rin. Saka malaki naman ang naitutulong nito sa 'kin kaya walang kaso do'n. S'ya nga pala, congratulations po, Mr. President!"
"Salamat."
Nakakatawang isipin na pati ang gobyerno ng Pilipinas ay panghihimasukan namin para lang magkaroon nang laban sa masamang plano ni Louisa Forbes.
"Gano'n po ba talaga siya kasama?"
"Sino?" tila naguluhan naman si President Tiamzon sa tanong ko.
"Ang First Lady ng Forbes Corporation. Gaano po ba kasama ang mommy ni Princess Lois?" kinumpleto ko na ang fill in the blank na tanong.
"Kung alam mo lang kung ilang pamilya ang sinira niya para lang makuha si George. Sayang, bata ka pa kasi no'n."
"Ano po ibig mong sabihin?" bigla ako nagtaka sa kakaiba niyang ipinahiwatig. "A-ano po kinalaman ng kabataan ko sa nakaraan ng First Lady?"
"H-hindi naman mahalaga 'yon," mabilis niyang tanggi. "Mabuti pa, hanggang dito na lang kita ihahatid," pagkahinto ng sasakyan ay saka niya inabot sa 'kin ang puting sobre mula sa bulsa ng itim na tuxedo. "Pinuntahan lang naman kita para ibigay 'yan."
"Ano po ito?"
"Marketing Plan."
Paano magkakasya sa maliit na sobre ang Marketing Plan?
Nakakatawang pakinggan pero malamang na 'Hologram Marketing Plan' ang bigla na lang lilitaw mula sa high tech na imbensyon ng Apple Corporation.

BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2008
Teen Fiction"Ako gawa sakit. Ikaw, gawa gamot sakit... Kapag binili at ginamit mo ang Matte Lipstick, hindi ka na tatanda. Kailangan mo lang i-maintain ang gamit para manatili ang kabataan. Pero bawal ma-overdose dahil kabaliktaran no'n ang magiging resulta." S...