Chapter 4: Bad news

5 2 0
                                    

GARRY POV

"Oy, Garry! Kumusta ang bakasyon?"

"N-Neightan, ikaw pala." namalayan ko na lang na nasa likuran ko na siya.

Kapapasok ko lang sa Camp Bridge matapos um-absent ng tatlong araw dahil sa aksidente.

"Alam mo ba napakaraming nangyari sa school noong wala ka," pagbabalita pa niya habang sinasabayan ako nang paglalakad sa hallway. "Ano ba gusto mo mauna? Good news or bad news?"

"Bahala ka na," hindi ako komportableng kasabay siya sa paglalakad.

"Good news dahil effective ang pang-iinis ni Brayan kay Linking Park. Akalain mo ba naman, Plan A pa lang eh isinuko na kaagad nito ang girlfriend!"

"I-ibig mong sabihin, syota na ni Brayan 'yong syota ni Kim?"

"Parang gano'n na nga."

"Paano na sila ni Princess Lois?"

"Baliw ka ba? WALANG SILA DAHIL HINDI NAMAN NAGING SILA!"

"P-pero—" napatiim-bagang na lamang ako.

Ang totoo ay gustong-gusto ko suntukin si Neightan dahil hinahayaan n'ya lang paglaruan ni Brayan ang puso ng pinsan niya. Palibhasa ay laro lamang para sa kanila ang lahat kaya wala silang pakialam kahit sino ang maagrabyado.

"Bukas na nga pala ang Periodical exam natin at iyon ang bad news! Pero huwag ka mag-alala kasi may idea na 'ko tungkol sa coverage ng exams," sabi pa niya habang patuloy sa paglalakad. "Marunong ka ba mangodigo?"

Napahinto ako.

"Huwag mo na lang perfect-kin ang exam, baka kasi isipin nila nagkopyahan tayo!" pagkasabi'y sumulyap s'ya sa 'kin at ngayon lang niya namalayang malayo na siya sa kinatatayuan ko. "Bakit ka huminto?" humakbang siya pabalik.

"Teka, nasa'n 'yong salamin mo? Huwag mo sabihing magpapaka-cool ka na rin kagaya ko."

"Bakit ko naman gugustuhin maging kagaya mo? You're nothing against my pain," usal ko na lang saka itinuloy ang paglalakad.

"Wow, huh! Bakit ang angas mo ngayon?" sinundan n'ya 'ko.

"Maiba tayo, gaano mo ba kakilala ang daddy mo?"

"Ano naman klaseng tanong 'yan?"

Napansing kong bahagya siyang napatiim-bagang sa narinig. Pero para ipamukhang hindi iyon big deal ay bigla n'ya 'ko hinatak palabas ng building.

"Maghanap na lang tayo ng bagong mapagti-trip-pan. Nagsasawa na kasi ako kay Linking Park."

"Nababaliw ka ba? Magsisimula na ang first subject, b-baka mawala ako ng scholarship kaka-absent!"

"I got you, bro!"

***

Pagkarating sa canteen ay buong angas na pinaalis ni Neightan ang mga estudyanteng nakaupo sa counter's area para kami naman ang umupo. Sunod ay um-order siya nang napakaraming chili burger para isa-isang ipamigay sa lahat ng mga naroroon.

"Ano'ng nakain mo?" puna ko habang ningunguya ang chili burger na binigay niya.

"Wala naman. Gusto ko lang manlibre."

"Manlibre o mang-asar? Kuya alam mo naman hindi kami mahilig sa maanghang!" maktol ni Sammara pagkalapit sa inuupuan namin. Kasama rin nito si Maureen.

"Anong ginagawa n'yo rito? 'Di ba nasa classroom na dapat kayo?" wari'y napatigil si Neightan nang pagkagat sa burger.

"Class suspended. May emergency meeting lahat ng teacher dahil sa nag-leak na test papers," paliwanag naman ni Maureen habang inaayos ang pagkaka-necktie sa corporate attire.

"And we just heard along our way here na namigay ka raw ng burger. Matutuwa na nga sana kami, but of all flavors— chili flavor pa! You're so mean talaga, kuya!"

"Eh, 'di wag kung ayaw n'yo! Hindi ko naman kayo pinipilit kainin 'yung pinamimigay kong burger!" pagkasabi'y itinuloy na niya ang naudlot na pagkagat.

"Eh, hindi nga kasi kami mahilig sa spicy!" pagdidiin pa ni Maureen na hindi mapakali sa suot.

"Teka nga, ano bang mayro'n at naisipan mo magsuot nang gan'yan? Kaninong costume na naman 'yan?"

"Excuse me, hindi 'to costume!" pagtatanggol ni Maureen sa suot. "Actually, hinihintay ko lang 'yong text ni daddy dahil isasama n'ya 'ko sa Shareholders Meeting ng Metrobank kaya ako naka-corporate atire."

Biglang nabulunan si Neightan sa narinig. "Waiter, tubig... T-tubig."

"Kuya, ok ka lang?"

Ininom naman ni Neightan ang baso ng tubig na inabot ng waiter. "Nagpapatawa kasi 'tong kaklase natin, eh! Para talagang may maitutulong s'ya sa Shareholders Meeting!"

"Kuya, huwag mo nga asarin si Maureen. Para ka namang childish!"

"Pabayaan mo lang s'ya Sammara. Wala kasi s'yang alam sa marketing strategy ko!"

"Wow, huh! May pa-marketing-marketing strategy ka pa d'yang nalalaman. Eh, paggamit nga ng scientific calculator hindi mo alam! Naku! Maureen! Huwag kami!"

Napaismid na lamang si Maureen saka itinuon ang atensyon sa cellphone. "Whatever!"

Kasunod no'n ang malakas na paghalakhak ni Neightan.

"Oy, Neight! Ang ingay mo, ha!" sigaw naman nang papalapit na si Brayan. "What's going on?"

"Wala, nanlibre lang ng chili burger si kuya."

"Chili burger?" halos manlaki ang mga mata nito. "Waiter, dalawa nga rin dito. Charge mo na lang sa bills ni Neightan!"

"Talagang susulitin n'yo ang panlilibre ko, 'no?"

"Siyempre naman! Minsan ka lang manlibre, eh!"

"Uy! Garry, long time no see!"

Sa wakas ay nakita ko rin ang prinsesa. Nakapagtataka dahil magkasabay sila dumating ni Brayan.

"Bakit hindi ka na naka-eyeglasses?"

"Ah, eh, nabasag. H-hindi pa 'ko nakakabili ng bago."

"I suggest, huwag ka na bumili dahil mas bagay sa 'yo ang gan'yan! Lalo kang gumwapo!" komento pa ni Princess saka ngumiti.

"Talaga ba?"

Alam kong hindi ok ang prinsesa kaya kahit gaano kalaking ngiti pa ang ipakita niya sa 'kin ay halata pa rin sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman. Alam kong pinipilit lang niya maging masaya para ipakitang ok sa kabila nang ginawa ni Brayan.

"OMG! There he is!" sabat naman ni Maureen kaya sabay-sabay kami napatingin dito.

"Girl, anong nangyayari sa 'yo?"

CAMP BRIDGE: Class of 2008Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon