GARRY'S POV
"Grabe! Sobrang boring talaga sa Auditorium!" humihikab si Rick Lee habang papunta kami sa classroom matapos ang dalawang oras na General Assembly. "Sana nag-invite manlang sila ng guest performers, 'di ba!"
"Dapat kasi ikaw na lang 'yong nag-perform!" kantyaw ni Maureen.
"For sure nasa classroom na 'yong ibang nating classmates na wala sa Assembly kanina."
"Asa ka pa!" ismid ni Doreen. "Garry, feel at home ka lang sa section namin, ha. 'Wag kang mahihiya."
"Ah, eh, salamat."
Sa wakas may isang tao rin na makakaintindi sa kawirdohan ko. Mabuti na lang naging kaklase ko na si agent Doreen at hindi lamang ako ang nag-iisang secret agent sa Camp Bridge.
"Just let us know kapag na-bully ka na naman ng squad ni Cindy or ng frat ni Neightan, si Princess Lois ang bahala sa 'yo!"
"Mauren, akala ko naman ikaw ang magtatangol! Mapapa-wow na sana ako, eh!"
Natawa na lamang kami sa kant'yaw na 'yon.
"Si Denice," usal naman ni Kentaki na nagpabago sa takbo ng usapan.
Napahinto kami sa pintuan ng classroom pagkakita isang babae na hindi halos mapakali habang pabalik-balik sa paglalakad. Nakasuot ito nang kulay puting blazer at nakatakip ang mukha ng baybaying bandana.
"Denice?" makahulugan namang tinignan ni Maureen ang kasintahan sa halip na 'yong babaeng tinawag na Denice.
"I wasn't informed we're gonna be classmates!" sabi pa ni Kentaki saka ito nilapitan at hindi manlang pinansin si Maureen.
"K-Ken, you're here! Me too, actually. It's just... Mom's idea," sunod itong tumingin sa 'min. "Hi, classmates! I'm Ashnea Denice Forbes Hadji-Ali. You can call me Denice."
"Are you related to Airish DK?" tanong naman ni Doreen.
"Yup! She's my twin sister."
"Eh 'di, magkamukha kayo?!" wari'y tinitigan itong maigi ni Rick Lee mula ulo hanggang paa.
Kung ilalarawan ay halos magkasing-tangkad lamang sila ni Maureen sa height na 5'5, 'yun nga lang ay mas mataba ito nang kaunti. Sunod kong napansin ang mahabang pilantik ng mga pilikmata. Muslim ang relihiyon ng mga Hadji-Ali kaya hindi na kami nagtaka nang hindi nito tanggalin ang bandanang nakapalibot sa ulo.
Bahagya kong sinulyapan si Maureen na tila umurong ang dila't natameme pagkakita sa kapatid ng fiancé ni Kentaki.
"Alam mo girl, puwede ka sumali sa beauty pageant," dagdag pa ni Rick Lee. "Kung ganiyan ka na kaganda, what more pa si Airish DK? OMG talaga!"
"Eh, 'di ba nga, si Airish DK ang title holder ng Asia's Kids Top Model two years ago? Hindi pa ba obvious 'yon?" sabat naman nang kanina pa pala naroon na si Princess Lois. Nakaupo ito sa huling hanay ng mga upuan. "Also, knowing their mom who crowned as Miss Universe last 1995. Isn't obvious that genetically speaking, beauty is hereditary?!
"Ah, eh. Lois, please, don't mention it, nakakahiya."
"Sus! 'Wag ka ngang humble! If I know, isa ka rin sa mga GGSS! Don't me, Denice!" nakakunot-noo pang sabi ng prinsesa saka sunod na ibinaling ang tingin sa paligid. "Teka nga, nasan na ba ang magagaling kong mga pinsan?"
Kahit kailan ay hindi talaga mawawala ang pagiging 'prangka' ng prinsesa. Kakaiba talaga ang tabas ng dila niya!
"Huwag mo nang hanapin."
Sabay-sabay naman kami napatingin sa pintuan kung saan nagmula ang boses.
"Is that Jerryme?" paniniyak ni Doreen.

BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2008
Teen Fiction"Ako gawa sakit. Ikaw, gawa gamot sakit... Kapag binili at ginamit mo ang Matte Lipstick, hindi ka na tatanda. Kailangan mo lang i-maintain ang gamit para manatili ang kabataan. Pero bawal ma-overdose dahil kabaliktaran no'n ang magiging resulta." S...