BRAYAN POV
"May bisita pala tayo!"
I didn't expect a hot momma in front of the kitchen who's as busy as kuya Frank while preparing breakfast for three.
"Hi, Brayan! Good morning!" she greeted. "Halika, sumabay ka na sa 'min," she's like a mid 30's porn star wearing a white oversized long sleeve with frizzy hair. "Nakakahiya, naabutan mo 'kong ganito."
"There's nothing to worry, Hon." sabat naman ni kuya Frank. Tinulungan n'ya ang babae sa pagtatali ng buhok. "Big boy na 'yang kapatid ko," sabay kindat sa kaharap.
I'm aware that kuya Frank had been on many dates and a one-night stand. There's nothing wrong since he's already 34 and has his own stable Law Firm. But of all playful nights with random girls, he never brought a girl at home.
Ngayon lang.
"Gagamitin ko po pala 'yong pulang Porsche," napaismid na lamang ako saka hinila ang upuan para umupo. "Pahiram ako ng susi. Ako naman ang makikipag-date," pagkasabi'y tinusok ko ng tinidor ang hotdog saka sinubo.
"How was it?" tanong pa ng babae na ang tinutukoy ay ang lasa ng prinitong hotdog. "Crunchy ba? Mapait? Kulang sa prito? H-hindi ko kasi expertise ang pagluluto, eh. Pasensya na, ha."
"It's fine," tinatamad kong sagot saka ininom ang kape at tumingin kay Kuya. "Akin na po 'yong susi, baka ma-late ako sa General Assembly."
"Frank, ina-allow mo na s'ya mag-drive?" baling ng babae kay kuya. "He's just 16."
"FYI, Miss whoever you are, I've been to many car racing competitions and it has nothing to do with my age."
"I see," napasang-ayon na lamang ito.
That's good. Know your place.
"But wait, maaga pa para sa General Assembly. Alam ko ang schedule ng mga second year sa Camp Bridge dahil d'yan ko rin in-enroll ang anak ko," sabat uli ng babae. "Ikaw ha, saan mo ba susunduin 'yang date mo?"
"Diyan lang sa Headquarters," iritable kong sagot.
Bad trip na talaga ako sa kaingayan nito.
"Dugong-bughaw na taga-London ang mga nakatira sa Headquarters. Don't tell me, nakabingwit ka ng isang prinsesa?"
"Naku! Hon, sobrang tinik pagdating sa mga bababe ng kapatid kong 'yan!" sabat ni kuya Frank. "Kahit minsan ay wala pa 'yang pinakilala sa 'kin pero kung tatanungin mo ang mga kaklase niya, pinakamatagal na raw ang isang linggo sa mga naging girlfriend n'yan."
"So, wala pala kayong pinagkaiba!" she giggled. "'Di ba, certified casanova ka rin noong high school tayo. Pinakamatagal na nga yata ang one month noong naging kayo ni Louisa— bago maging tayo."
"Oo nga 'no!" Kuya laugh out loud. "Parang kailan lang, high school pa tayo. Mapupusok. Hindi ko nga akalain na magagawa ko palang magseryoso sa 'yo. Biruin mo ba naman, 15 years ako naging single para lang hintayin ka."
I get it!
Even without a formal introduction, I already knew who the heck this hot-old lady. She's no other than— Ria Lim. He's undying first love. Ang babae na bukang-bibig ni kuya Frank tuwing lasing at ang dahilan kung bakit single pa rin hanggang ngayon.
"Kung gano'n, kayo na uli?" panghihimasok ko sa usapan nila. "Paano 'yon? Ang alam kasi, kasal ka pa rin sa Prime Minister ng Korea at may anak kayo. Hindi kaya makasuhan nang Adultery si Kuya?"
"Divorced na kami. S-saka, kuya Frank mo ang biological father ng anak ko."
Hinawakan naman ni Kuya ang kamay nito na nakapatong sa lamesa para bigyan ito nang lakas ng loob. "Mahal na mahal namin ang isa't isa, at masyado nang mahaba ang 15 years para hanapin ang mga sarili namin. Sapat nang bumalik s'ya, para sa 'kin."
"Siguro gano'n talaga kapag nagmamahal." Ria added. Itinihaya nito ang kamay na nakapatong sa lamesa para maka-holding hands si Kuya. "Since day one ay magkasama na namin plinano ang future. Iyon bang ikakasal kami pagka-graduate ng college. Magpupundar ng mga investment. At bubuo ng sariling pamilya. Hindi man naging gano'n ka-perfect ang relationship namin, ang mahalaga ay narito uli kami para ayusin 'yon at ipagpatuloy."
Napanguso na lamang ako. Eh, 'di kayo na ang matured mag-isip!
"Kaya magmula ngayon, dito na titira ang ate Ria mo."
What?!
"I can't imagine na magiging ganito ka-furnished itong bahay. Hindi pa kasi 'to natatapos gawin noong naghiwalay kami. Ang akala ko nga, ipapa-cancel na ng kuya mo ang construction pero mabuti na lang na hindi. At least, hindi nasayang 'yung paghihintay n'ya."
"Wow!" nasabi ko na lamang. "S-so, welcome to the family— Ate," pagkasabi'y tumayo ako sa kinauupuan saka inilahad ang kamay sa harap ni kuya Frank. "Bro, give me the key. I might get late."
Mukha naman na-miss nila ang isa't isa kaya ibibigay ko na ang privacy'ng kailangan nila. Hindi na ako tututol sa pagbabalikan nila dahil matatanda na sila.
Basta, bahala na si Kuya sa buhay n'ya!
***
I'm courting London's first in line to the throne, Princess Eloisa Watson Mc Bridge. She's a big catch and making her fall for me is just an ambitious thought of mine. Yet, I'm planning to pick her at the Headquarters so we can go to Camp Bridge together and start our first day of the second year with good vibes.
But since it's too early for the General Assembly, I decided to make a visit at the Angels Orphanage to say 'hi' to my childhood friends and give some token of gratitude.
Katulad noon ay abala pa rin ang mga madre nang pakikipaglalaro sa mga ulila at inabandonang bata. Bumaba ako sa Porsche pero kaagad din napahinto pagkakita sa estudyanteng naroon na kagaya ko rin ang suot na school uniform.
Masyadong malayo ang kinatatayuan ko para kilatisin ito kaya hindi ko masabing babae dahil hindi ito nakapalda gaya ng mga kaklase kong babae. Pero mahirap din sabihing lalake dahil masyado itong malambot kumilos para sa isang lalake na mayroong kulay abong bob-cut hair style.
"Brayan, kanina ka pa nakadungaw d'yan,"
I don't even notice sister Mary's presence. She's a few steps away from me."Who's that, Camp Bridgian?"
"Ah, si Kimberly ba? Balik-bayan siya mula Korea. Siya ang anak ng may-ari ng foundation na nagdo-donate sa Angels Orphanage. Hindi ba't magkababata kayo?"
"Kimberly?" as I heard the name, a rapid chill flows within my veins. "P-pakiabot na lang po nito kay Mother," pagkasabi'y pinahawak ko rito ang puting sobre at ang mga dalang prutas. "Baka ma-late pa po ako sa klase. S-salamat po," matapos ay sumakay kaagad ako sa Porsche.
Damn you, Kimberly!Siyempre, tandang-tanda ko pa ang kababata kong iyan. Posible bang makalimutan ko s'ya, eh, siya lang naman ang kauna-unahang nakapagpaiyak sa 'kin.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2008
Novela Juvenil"Ako gawa sakit. Ikaw, gawa gamot sakit... Kapag binili at ginamit mo ang Matte Lipstick, hindi ka na tatanda. Kailangan mo lang i-maintain ang gamit para manatili ang kabataan. Pero bawal ma-overdose dahil kabaliktaran no'n ang magiging resulta." S...