DK AIRISH POV
"Hi, everyone! My name is DK Airish Forbes Hadji-Ali. I'm 16 years old. A proud Muslim." pagpapakilala ko sa harap ng DSLR na nakapatong sa tripod.
Nakaupo ako sa gilid ng kama at mag-isa kong nire-record sa kuwarto ko ang vlog na pina-project ng teacher namin sa TLE. Tatapusin ko na ito ng maaga kahit next month pa ang submission para hindi ako matambakan ng mga project sa iba pang subjects.
"Let me guys tour you to our dearest hacienda. The Forbes!" sabi ko pa saka kinuha ang DSLR sa tripod.
Kahit nasa loob ng bahay ay hindi ko pa rin inaalis ang scarf na nakalagay sa mukha ko. Mga mata ko lamang ang palaging nakikita hindi tulad ni mommy at ng kakambal ko. Ewan ko ba kung bakit ayaw na ayaw ni mommy na mayroon ibang nakakakita sa mukha ko. Wala naman kakaiba sa 'kin kaya ewan ko na lang kung para saan ang pinapagawa niya sa 'king ito.
Lumabas ako sa kuwarto bitbit ang DSLR. Nadaanan ko sa Entertainment room si mommy. Gugulatin ko sana siya pero napahinto ako pagkarinig sa report na ibinabalita sa TV. Tungkol iyon sa nangyaring barilan sa isang hotel sa Cebu, lastweek.
"Sino kaya ang nasa likod no'n?" naitanong ko na lang.
"Oh! Airish, nand'yan ka pala!" gulat na reaction ni mommy saka nilipat ang palabas sa ibang station. "Why you're holding a DSLR? Ina-idolize mo na rin ba si Lois?"
"For educational purpose 'to, mom."
"I see," pagkasabi'y tumayo si mommy sa inuupuang sofa. Lumapit siya sa 'kin at mahigpit akong niyakap. "You better sleep. Maaga pa ang pasok mo bukas."
Gumanti naman ako nang yakap sa kan'ya. "Just a few moments, mom."
Lumakad si mommy palabas ng Entertainment room na para bang may mabigat na dinadala dahil nakabagsak ang magkabila niyang balikat habang naglalakad palayo. Sa tingin ko'y hindi iyon normal at nararamdaman kong mayroong bumabagabag sa kan'ya.
"And that's my mom. Dianne Forbes Hadji-Ali!" pagpapatuloy ko sa vlog nang mapansing hindi ko pala iyon nai-pause. "She's pretty right?"
Ipapa-trim ko na lang kay Nikki sa editing ang mga unnecessary videos at palalagyan ng effects para maging maganda. Malakas naman ako kay Nikki, eh!
Actually, mag-bestfriend ang mga mommy namin kaya naging mag-bestfriend na rin kami. Isa iyon sa dahilan kung bakit kami na-engaged ni Kentaki. Our parents wants they're bond to continue until the next generation and keeps they're legacy until the last. That's why I have no choice but to follow they're decision since they're just doing it for the better. Aside from that, magaan naman ang loob ko kay Kentaki kaya hindi imposible na matutunan ko siyang mahalin. But for now, ayoko muna i-entertain ang possible feelings na 'yon.
"Gagawin namin ang lahat para mapagsalita si Sharon." statement ng pulis na narinig kong kausap ni tita Louisa sa Guest Room.
Nag-stay ako sa 'di kalayuang poste para hindi makaabala sa pag-uusap nila.
Twice a month kung mag-report ang mga pulis kay tita Louisa at tuwing nagre-report ang mga ito ay very confidential ang bawat reports nila. Aware na ako sa ganitong scenario. And— what I see, what I hear, leave it here, ang motto namin dito.
After 15 years of pagtira sa Middle East ay ngayon lang kami bumalik sa Philippines. Sa hacienda ng mga Forbes nga pala kami nakatira kasama ang asawa ni tito George na si tita Louisa. Magpinsang buo ang mommy ko at si tito George at sa mansyong ito na sila lumaki.
Kahit extended family kami rito ay hindi naman iyon naging issue dahil masyadong malaki ang hacienda para maging masikip sa pagitan namin at ng asawa ni tito George. Besides, palagi rin naman sila wala rito dahil sa kani-kanilang agenda sa buhay.

BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2008
أدب المراهقين"Ako gawa sakit. Ikaw, gawa gamot sakit... Kapag binili at ginamit mo ang Matte Lipstick, hindi ka na tatanda. Kailangan mo lang i-maintain ang gamit para manatili ang kabataan. Pero bawal ma-overdose dahil kabaliktaran no'n ang magiging resulta." S...