GARRY POV
"Sigurado ka ba talaga walang tao sa loob?" pabulong kong tanong kay Doreen sa tapat ng gate nila.
"Daddy and Maureen were on a meeting. Don't worry, pinatay ko ang cctv kaya hindi nila malalamang pinapasok ko kayo."
Ngayon nga'y narito ako sa tapat ng bahay nila Doreen. Sumama ako rito para maging side-kick, look out, at assistant ni Dr. Neil sa gagawin niyang check up sa kondisyon ng first lady ng Metrobank. Masyado kasi confidential ang gagawin namin kaya kailangan namin mag-ingat para hindi makahalata ang pamilya Lincoln sa pagkakaroon ng koneksyon ni Doreen sa A3.
Maganda ang mansion nila. Mayroon silang malawak na bakuran at paradahan ng mga sasakyan. Sa kinatatayuan ko nga'y natatanaw ko ang malalim nilang swimming pool. Namumulaklak rin ang mga rosas sa makulay nilang garden. Mayroon din sila mga alagang ibon na nakakulong sa hawla. Kung saan-saan ko inilibot ang tingin kaya hindi ko namalayang nakapasok na pala sa loob sila Dr. Neil.
Pagkapasok ay nadantnan namin abalang naglilinis sa sala ang dalawang katulong. Nagpupunas ng figurines ang isa at nagba-vacumme naman ng sahig ang pangalawa. Sa hagdanan ay naroon ang iba pang katulong na pawis na pawis habang pinupunasan ang bawat sulok ng railing.
"Ang sipag naman nila," komento ko pa.
"Naku! Puro chismisan nga lang ang inaatupag ng mga 'yan kapag walang tao sa bahay. Kung hindi lang sila na-warning-ngan ni Maureen malamang daig pa ng mga 'yan ang nakawala sa hawla."
"May pagkaistrikto rin pala ang bagong boss ng mga Lincoln, ano."
"Ok na rin 'yon," kibit-balikat pang sagot ni Doreen saka nagsimulang humakbang paakyat sa hagdan.
Sumunod naman kami.
"Mas ok na maging busy ang kapatid ko para madali niya makalimutan si Kentaki."
"Masasabi mo bang nag-mature na s'ya?"
"I think so," kibit-balikat uling sagot ni Doreen. "Nandito na pala tayo sa kuwarto nila mommy."
Namalayan ko na lang nasa masters bedroom na pala kami.
"Hi, Mom!" bati ni Doreen sa first lady pagkapasok.
Nadatnan namin nakaupo sa tapat ng salamin ang mommy nito. Abala iyon sa paglalagay ng lipstick sa labi. Kapansin-pansin rin ang panunuyo ng balat nito.
"...Sa oras na magsalita s'ya, katapusan na ng maliligayang araw mo." sabi pa ng mommy nito. Wari'y napahalakhak ito kaya lumagpas-lagpas ang nilagay na lipstick. "Ang akala mo ba, mapapatahimik mo s'ya nang gano'n lang? Puwes! Nagkamali ka ng kinalaban!" nagpatuloy ito sa paghalakhak na parang hindi kami nakikita.
"Ilang araw na ba s'yang gan'yan?" tanong ni Dr. Neil.
"Magdadalawang linggo na."
"May iniinom ba s'yang gamot?"
"Wala."
Kasunod no'n ay ibinasta na nga ni Dr. Neil ang mga gamit mula sa bitbit na bag. Hinayaan ko na lamang siya sa ginagawang check up sa mommy ni Doreen na halos sumigaw na nga't magpumiglas huwag lamang mahawakan at maturukan ng injection. Para itong bata kung titignan. Sa huli ay hindi rin ito nakapalag at walang malay na humandusay sa kama.
"Kung sakaling nababaliw na nga s'ya, ipapaubaya ko na sa mga Watson ang pagpapagaling sa kan'ya. Sa ngayon ay papatulugin ko muna siya ng dalawang araw. Habang tulog s'ya, susuriin kong maiigi ang test result at pag-aaralan kung ano ang dapat gawin. Sa paggising n'ya, tignan natin kung may magbabago."
"This can't be!" daing ni Doreen. "Hindi pa baliw ang mommy ko!"
"It's for us to find out," sabi pa ni Dr. Neil saka pinulot ang nakakalat na lipstick sa sahig.
Matapos ang senaryong iyon ay hinatid na kami ni Doreen sa baba. Palabas na sana kami subalit hindi naman namin inaasahan na makakasalubong sa pintuan si Maureen.
"Oh, Garry, nandito ka pala!" bati nito sa 'kin.
Magsasalita sana ako subalit sunod namang bumaba mula sa sasakyan si Dr. Watson kasabay ang pagsulpot ng mommy ni Princess Lois sa kabilang side ng kotse.
"T-tito Kalle?" halos mamimilipt ang dila ni Doreen sa hindi inaasahang pagdating ng mga panauhin. "Tita L-Louisa, ano pong ginagawa n'yo rito?"
"Naparito kami para bisitahin ang first lady ng Metrobank. Nabalitaan kasi namin may sakit s'ya. Who knows, we'll help her out," sagot ng mommy ng prinsesa. "Ikaw, mayroon ka palang mga bisita. Hindi ba makakasama sa kondisyon ng mommy mo kung basta ka lang nagdadala ng kung sinu-sinong bisita sa bahay n'ya?"
"Ah, eh, actually b-bboyfriend ko po si G-Garry. P-pumunta lang sila ng t-tito n'ya para b-bumisita."
"So, boyfriend mo na pala s'ya," kalmado namang pahayag ni Maureen pagkarinig sa sinabi ni Doreen.
Napakagat na lamang ako sa dila ng mga sandaling ito. "Ah, eh,"
"Bakit uuwi na sila? Hindi mo manlang ba sila ipapakilala kay Dad?"
"Wrong timing nga, eh. Akala ko kasi n-nandito s'ya," napapakamot sa buhok pang paliwanang ni Doreen.
"Don't get me wrong ija pero mukhang gangster ang tito n'yang boyfriend mo. Mag-iingat ka d'yan!" komento pa ng mommy ng prinsesa habang nakatingin sa mukha ni Dr. Neil. "Baka pati ikaw makapagsuot ng prosthetics legs and artificial mask ng wala sa oras."
Palibhasa kasi ay gawa sa metal ang binti ni Dr. Neil kaya kaagad ito nahusgahan ng matapobreng mommy ng prinsesa. Idagdag pa ang maskarang gawa rin sa metal na kanang bahagi ng pisngi ni Dr. Neil.
Napansin ko naman ang ginawang pag-ismid ni Dr. Neil sa pahayag na 'yon ng mommy ng prinsesa. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago."
Kakaiba ang naging tensyon sa pagtitinginang iginanti nilang dalawa sa isa't isa. Para silang nag-uusap sa mga mata at tila magkakila na dati pa.
"Louisa, tara na sa kwarto ng pasyente!" sabat naman ni Dr. Kalle Watson mula sa pintuan. Nauna na pala itong pumasok sa loob nang hindi namin namalayan.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko kila Dr. Neil at sa magkapatid na Watson. Pare-pareho silang may kulay asul na mga mata at kulay labanos na kutis. Magkapareho rin ang tindig at hubog ng pangangatawan nina Dr. Neil at Dr. Kalle Watson. Kung wala lamang sigurong metal sa mga katawan si Dr. Neil ay posible na naging magkamukha silang dalawa.
Sa pag-alis namin sa mansion ng mga Lincoln ay doon lamang ako nakahinga nang maluwag. Huli na rin ng ma-realize kong ipinakilala nga pala ako ni Doreen bilang boyfriend sa kapatid nito kaya naman halos magsisisigaw na lamang ako habang pinipilit itong bawiin ang mga sinabi kanina.
"Sorry na. Nabigla lang kasi ako sa pagdating nila. Ok lang sana kung si Maureen lang 'yung dumating. Eh, kaso may kasama rin pala itong mga doktor. Sorry na. Don't worry, akong bahala. Promise hindi 'to makakarating sa school. Besides, ayoko rin naman maging girlfriend mo! Hello? Hindi kita type!"
Natawa na lamang ako sa mahaba nitong salaysay.
"Doreen mabuti pa bumalik ka na sa mansion." sabat naman ni Dr. Neil na sumira sa pag-uusap namin. "Obserbahan mo maigi ang mga gagawin nina Louisa at Kalle. Siguraduhin mong hindi nila mahahalata ang ginagawa mong pagmamanman sa kanila. "
"Paano ako?" tanong ko naman.
"Sumama ka sa 'kin pabalik sa A3."
Napatango ako.
"Malakas ang kutob ko na hindi lamang ordinaryong sakit sa utak ang nangyayari sa mommy mo. At iyon ang kailangan kong alamin ngayon." Sabi pa nito kay Doreen.
"Sana nga gumaling na si Mom. Masyado na rin kasi akong nawi-wirduhan sa kinikilos ni Maureen. Hindi na s'ya kasing playful tulad ng dati. Masyado na s'yang seryoso to the point na ang sungit-sungit n'ya na. Feeling ko pati siya nahahawa na sa sakit ni mom."

BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2008
Teen Fiction"Ako gawa sakit. Ikaw, gawa gamot sakit... Kapag binili at ginamit mo ang Matte Lipstick, hindi ka na tatanda. Kailangan mo lang i-maintain ang gamit para manatili ang kabataan. Pero bawal ma-overdose dahil kabaliktaran no'n ang magiging resulta." S...