"I hired a private investigator. Hindi ko kasi matanggap 'yung mga dahilan n'ya para ipagpalit ako sa iba nang gano'n lang. Until I found out, he's an orphan. Nalaman 'yon ni Mommy kaya kinausap nito si Brayan para tigilan na 'ko," kuwento pa ng prinsesa.
"I'm sorry, Lois. I have nothing."
"Then what? Duwag ka, Brayan! Duwag ka!" pagkasabi'y tumayo siya sa kinauupuan at kinuha ang bag. Sandaling napahinto sa paghakbang saka napasapok sa noo. "I'm sorry for loosing out of control. B-Basta bigla na lang 'yon lumabas sa bibig ko. Sorry. Sorry. Sorry talaga. Sorry, Guys. Sinira ko ang party ninyo. Excuse me."
"Princess sandal—" hahabulin ko sana siya subalit pinigilan ako ni Sammara.
Hinablot nito ang braso ko. "Pabayaan muna natin s'ya mapag-isa."
Kung sa bagay, hindi ko rin naman alam ang gagawin kung sakaling maabutan ko nga sa labas si Princess Lois. Isa pa'y hindi ko rin talaga alam ang tungkol sa pagiging ampon ni Brayan.
Wala manlang ako nasagap na impormasyon tungkol sa bagay na 'yon. Hindi rin ako sigurado kung may alam ang A3 tungkol dito.
"Paano na? Sira na 'yong party ko!" maktol naman ni Neightan. "Oy! Brayan, magkuwento ka nga!" pabagsak ito naupo sa rocking chair na naroon. Kinuha nito ang beer sa lamesa at nilagok. "Kung hindi ka talaga isang Depensor, sinong mga magulang mo? Saan ka nanggaling? Paano ka napunta sa kanila? At paano ninyo naitago ang tungkol sa bagay na 'yon sa loob nang matagal na panahon?"
"Dahil sa pera at impluwensya ng mga Depensor kaya hanggang ngayon ay hindi pa iyon nakakalabas sa media... Basta isang araw, nagising na lang ako nasa bahay-ampunan na 'ko. Pagkatapos, inampon ako ng mag-asawang Depensor, binigyan ng pangalan, at tinuring na parang isang tunay na anak. Maliban doon, wala na 'kong ideya kung sino nga ba talaga ako."
"Strange background, huh," komento ni Sammara.
Matapos ang senaryong ito ay wala na ngang selebrasyong naganap.
Kaya naman, pagkagaling sa bahay ng mga Watson ay pumunta agad ako sa Apple Corporation para komprontahin si agent Samson subalit wala ito roon. Kaya nagpasya na lamang ako pumunta sa A3 sa pag-asang doon ito makikita.
***
Palubog na ang araw nang tahakin ko ang liblib na talahiban sa Pililla Rizal. Mahigit limang hektarya rin ang tinawid ko para marating ang main gate ng warehouse na nakarehistro bilang extension ng Apple Corporation.
Kung titignan ay isa lamang itong simpleng tambakan pero bubukas lamang ang gate nito kapag na-detect na ang fingerprint ng registered A3 agent. Gano'n lang kasimple ngunit nakapagtataka dahil kanina pa nakalapat ang palad ko sa Apple logo kung saan naroon ang hidden scanner pero kahit anong senyales nang pagbukas ay wala akong maramdaman. Sa halip ay paulit-ulit lamang iyon nag-vibrate parang kuryente.
"Problema nito?!" ismid ko.
"Garry, paano bubukas 'yan, eh, right palm ang gamit mo?"
"Agent Doreen!" laking-gulat ko nang makita siyang nakapamaywang sa likuran ko.
Pareho pa kaming nakasuot ng school uniform.
"K-kanina ka pa ba d'yan?"
Umismid lamang siya bilang sagot saka lumakad palapit sa gate kung saan inilapat ang kaliwang palad sa Apple logo.
Nang bumukas ang gate ay makakapal na usok ang sumalubong sa 'min.
"Astig!"
"Palibhasa kasi, bihira ka na lang pumunta sa A3 kaya pati 'yung scanner nakalimutan mo kung paano pinapagana," sabi pa niya saka lumakad papasok.
"Bakit pa 'ko magpapakahirap pumunta sa napakalayong warehouse na 'to, kung puwede naman kami magkita ni agent Samson sa opisina niya?"
"Iyan! D'yan ka magaling! Kaya ang ending, muntik na kayo mahuli ni Lim Kim Park. Mabuti na lang talaga mabilis ka nakapag-isip nang idadahilan. Pero malay mo, mayroon talaga s'yang narinig at nagpanggap lamang inosente para hindi ka tuluyang ma-hot sit sa section one."
"May narinig man s'ya o wala, hindi naman mahalaga 'yon," pagkasabi'y inunahan ko na si Doreen sa paglalakad.
Binilisan ko ang lakad hanggang makarating sa AI Unit kung saan bumungad ang maliit na babaeng robbot. Humarang ito sa dadaanan namin saka kami ini-scan mula ulo hanggang paa. Ilang sandali pa'y rumehistro ang 'verified' sa noo nito kaya kami nakapagpatuloy sa paglalakad.
"Hindi naman ganito kahigpit dito noong huling punta ko. May nangyari ba?" pagtataka ko habang inoobserbahan ang paligid.
"Well, mas pinahigpitan na kasi ni agent Samson ang security mula nang may nagtangkang mag-tresspass dito. Magiging wild ang AI unit kapag may na-detect na 'Denied' identity sa program."
"Napakalakas naman ng loob no'n!" napanguso na lamang ako saka ipinagpatuloy ang mabilis na paglalakad.
Sumakay ako sa transparent cubicle subalit muli kong ikinagulat nang makita sa loob ang panibagong robbot. Tinanong nito kung saang floor ako pupunta kaya nang sabihin kong sa third floor ay kaagad nitong pinindot ang machine at pinaandar ang cubicle.

BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2008
Genç Kurgu"Ako gawa sakit. Ikaw, gawa gamot sakit... Kapag binili at ginamit mo ang Matte Lipstick, hindi ka na tatanda. Kailangan mo lang i-maintain ang gamit para manatili ang kabataan. Pero bawal ma-overdose dahil kabaliktaran no'n ang magiging resulta." S...