The Revelation

5 1 0
                                    

KIM POV

"Maniwala ka dre, mapapasagot ko rin si Denice!" pagyayabang ni tito Brayan sa telepono habang kausap si Neightan.

Connected kasi ang telepono sa kuwarto namin kaya hindi ko sinasadyang marinig ang pag-uusap nila ni pineapple.

"Tang-ina! Dre, wala ka talagang pinapalagpas!"

"Siyempre naman! Si Brayan Depensor yata 'to!"

"Manang-mana ka talaga sa 'kin! Pasalamat ka na lang malakas ka sa 'kin. Kung nagkataon baka talo-talo na tayo noong pinaiyak mo pinsan ko!"

"Dre, naman! Parang hindi mo alam ang history namin ni Lois. Siyempre minahal ko 'yang pinsan mo. Nagkataon lang na hindi nya 'ko deserve."

"Gago ka rin kasi! Malay ko ba naman pinsan ko pala tinutukoy mo noong first year tayo. Eh 'di sana hindi kita sinuportahan d'yan sa kalokohan mo!"

"Well, past is past. Hindi ako gano'n kayaman para bilhin ang kahapon pero nakahanda naman ako utangin ang ngayon makasama lang si Denice bukas."

"Tang ina mo, Brayan! Kadiri ka! Ang korny mo!"

"HOY, TITO BRAYAN UMAYOS KA NGA!" hindi ko na napigilan makisali sa usapan nila.

"Kim?"

"Yes, I am! Hindi ako makagamit ng telepono dahil sa tagal mo magtelebabad! Puwede ba Tito, sa cellphone na lang kayo mag-usap?! Inaabala mo pakikipag-phone-pal ko!"

"Oy, Lim Kim Park, sino na naman 'yang kinalolokohan mo? Akala ko ba may pustahan kayo ni Brayan? Bilis-bilisan mo baka maunahan ka n'yan kay Denice.

"Kilabutan ka nga sa pinagsasasabi mo, Neightan Kalle. Isang Forbes 'yang tinutukoy n'yo!"

"Eh, ano? Prinsesa nga ng London hindi pinalagpas ni Brayan. Si Denice Forbes Hadji-Ali pa kaya?"

"Juskolord! Masisiraan talaga ako ng bait sa inyong dalawa!"

***

Kinabukasan, maaga ako gumising para hindi makasabay pagpasok si tito Brayan. Alas-kuwatro pa lamang ay nagpasya na 'kong umalis ng bahay. Dumiretso ako sa parking para sana kunin ang bisekleta pero hindi ko naman ine-expect na maaabutan doon si eomma at ang fiancé niya. Akay-akay n'ya ito dahil sa pagkalasing.

"H-hindi ako papayag! Hindi! H-hindi!" paulit-ulit na sigaw ni Atty. Depensor.

Ayoko maagaw ang atensyon nila kaya hinintay ko na lang makapasok muna sila sa loob ng bahay bago ko nilapitan ang nakaparadang bike.

"I never saw kuya Kian that wasted since the day your mom back," sabat naman ng kung sino mula kung saan.

Hinanap ko kaagad ang nagsalita hanggang bumungad si tito Brayan. Nakasuot na rin siya ng school uniform.

Kung mamalasin nga naman!

Mukhang makakasabay ko pa siya. Inagahan ko na nga ang pagpasok para makaiwas sa kan'ya pero mukhang wala pa rin.

"I think something happened last night," sabi  pa niya habang nakasandal sa Porsche.

"Then, it's not my business," sagot ko.

"He's still your dad. Show some concern, nigga!"

"Para ano pa? 'Di pa ba sapat na sinira n'ya ang masaya kong teenage life sa Korea?!"

"What a drag, Kim! Is that all your point?" daing niya. "Alam mo ba, dito sa Pilipinas, maraming bata ang nakakalat sa kalsada. Walang matirahan. Walang mga magulang. Kung tutuusin napakasuwerte mo nga kasi mayro'n ka kumpletong pamilya. Mayroon kang Kian Depensor na pilit isinisiksik ang sarili sa 'yo para lang tanggapin mo bilang Ama... I wish you'll never regret when time comes," pagkasabi'y tumalikod siya at humakbang palayo.

Nakapagtataka kasi hindi niya ginamit ang Porsche. Clueless ako sa pagiging Emo niya all of the sudden.

***

Palibhasa maaga pa naman kaya naisp ko dumaan muna sa Angel's orphanage kahit na ilang beses na 'ko pinagbawalan pumunta ni eomma.

Pagkarating ko sa orphanage, napakaraming sasakyan at bodyguards ang naabutan kong nakahelera sa daan. Nakapagtataka dahil sobrang aga pa para sa VIP guest.

Curious ako kung sino ang bisita kaya dali-dali akong pumasok sa loob at doon nga'y hindi ko ine-expect sina Mr. George Forbes at Dr. Kalle Watson habang kausap si Mother Mary.

Anong ginagawa nila rito?

Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi naman kasali ang kompanya nila sa mga nagdodonate sa orphanage. Ibig sabihin ba nito ay magdo-donate na rin sila?

"Narito pala si Kimberly!" baling sa 'kin ni Mother Mary.

Ngayon ko lang napansing nakatingin na pala silang lahat sa 'kin. Wala na 'kong nagawa kung 'di lumapit sa kanila.

"B-bakit po?"

"Kimberly, hindi ba kababata mo si Bray-Bray?"

"Bray-Bray?"

"Si Bray-Bray, 'yong ulila na kalaro mo noon. Ikaw talaga Kimberly makakalimutin. Bueno, ito nga pala si sir George, nandito siya para i-verify ang mga dokumento ni Bray-Bray... Sayang naman hindi mo na naaalala ang tungkol sa kababata mong iyon."

"Pasensya na po, w-wala po kasi ako maalala. Wrong timing po ba ang pagpunta ko? Sige po, babalik na lang ako sa ibang araw," pagkasabi'y umakto ako para dumistansya sa kanila.

"Sandali lang, Kim!"

"B-bakit po, sir. George?"

"Kumusta na si Kian? Ang daddy mo?"

"Si D-dad? L-Lasing na lasing po," hindi ko alam kung bakit pero nanlalambot ang mga tuhod ko. Hindi ako makapag-isip nang maayos.

***

Patapos na ang first subject nang dumating ako sa Camp Bridge. Nakapagtataka dahil sina Sammara, Denice at Rick Lee lamang ang naabutan ko sa classroom.

"Gosh! Kim, buti umabot ka pa!" hiyaw ni Rick Lee.

Napahinto tuloy sa pagtuturo ang Math teacher namin. "Why are you late, Ms. Depensor?"

"Ms. Depensor? Me?"

"Yes. Did I call Mr. Depensor?"

Tumingin ako sa paligid para hanapin si tito Brayan. "No, Ma'am."

Magsasalita pa sana ang teacher namin pero biglang tumunog ang bell. "You're safe, for now. Class dismissed!"

"Kim, nasaan si Brayan?" tanong ni Denice. "Hindi ba papasok ang tito mo?"

"Nauna s'ya sa 'kin umalis. P-pero teka nga, anong nangyari sa section natin? Bakit apat lang tayong nandito? Nasaan 'yong iba?"

"Absent sila."

Napatingin ako kay Sammara. "Sabay-sabay?!"

"Magkakaiba naman sila ng alibis," sagot ni Rick Lee. "Si Maureen, home schooling na. Si Doreen, babantayan sa hospital 'yong mommy nila. Si Garry, may interview para sa scholarship n'ya. Si Princess Lois, may tv commercial na gagawin. Si Jerryme, tinanghali raw ng gising. Si Kentaki naman napuyat kakaiyak dahil sa break up nila ni Maureen. While Neightan and Brayan were both nag-cutting— I guess."

"Nice reporting, huh!" komento ko na lang.

"But feeling ko, masyadong dinamdam ni Brayan 'yong about sa Freedom Wall kanina kaya hindi s'ya pumasok."

"Anong mayro'n sa Freedom Wall, Sammara?"

"Hindi mo ba nabasa 'yong nakasulat do'n pagkapasok mo sa looby, Kim? Poser says Brayan is an orphan. Letters from magazines pa nga 'yong ginamit sa sentence no'ng nagsulat."

"Ampon si tito Brayan?"

"Nabasa ko rin 'yon kanina. Na-shocked din 'yong ibang students na nakasabayan ko sa pagbabasa. But feeling ko, that's a prank lang naman," sabi pa ni Denice.

"What if totoo ngang ampon si Brayan?"

"I also wonder kung sino ang totoo n'yang mga magulang. Who do you think?"

CAMP BRIDGE: Class of 2008Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon