The Successor

4 2 1
                                    

KIM POV

Kasabay nang pagsisid ko sa kailaliman ng swimming pool ay ang pagbulusok ng mga dahilan kung bakit ko kailangan sumabay sa agos ng kapalaran. Bagaman mahirap sabayan ang ganitong pamamaraan ay ipagpapatuloy ko pa rin ang paglangoy.

Malunod man ako't salubungin nang naglalakihang alon— basta, hinding-hindi ako sasalungat sa agos at magagawa ko umahon sa sarili kong paraan.

"Pasado ka na sa try out!" anunsyo ni couch Taoka, pag-ahon ko sa swimming pool.

"Thank you, Couch." nag-vow ako sa harap nito. "I'm looking forward to work with your team, po."

"We'll see," pagkabi'y tinapik ako nito sa balikat saka sunod na nilapitan ang iba pang nagta-try out sa Swimming Club.

"Congrats, Kim!"

"A-anong ginagawa mo rito?" nagulat ako sa paglapit ni Princess Lois.

"As usual, sinusuportahan ka!" pagkasabi'y sunod niyang itinuon ang atensyon sa hawak na DSLR. "Ang ganda nga ng shots ko sa 'yo, eh! Tingnan mo," pinanood pa niya sa harap ko ang video. "Mula pagsisid hanggang pag-ahon ay na-video-han ko. Ang sexy-sexy mo palang lumangoy!" hindi maalis ang pagkakangiti sa labi niya habang sinasabi 'yon.

"Tigilan mo nga ako!" napaismid na lamang ako saka nagsimulang lumakad papunta sa shower room.

Mahigit isang oras rin ako nag-shower kaya naman hindi ko ine-expect nang abutan si Princess Lois na nasa swimming pool area pa rin. Nakaupo siya sa bench at mukhang may pinapanood sa hawak na DSLR.

"Bakit nandito ka pa?"

"Uy, Kim! N-nandyan ka na pala!" pinindot muna niya ang DSLR saka nakangiting humarap sa 'kin. "Tara gala tayo!"

"Saan naman tayo pupunta?"

Si Princess Lois ang tipo na basta na lang nanghihigit nang kahit sino papunta kung saan tuwing mayroon gustong takasan. Magkababata kami kaya alam ko na ang gan'yang ugali niya.

"Sa mall," sagot naman niya saka nakangiting huminto sa tapat ng pintuan. "Gusto ko kasi magpa-salon."

"Bagay naman sa'yo ang gan'yang hairstyle. Bakit magpapa-salon ka pa?" tukoy ko sa maninipis na pagkakakulot nang bawat hibla sa waisted blonde hair niya.

"Nagsasawa na kasi ako sa ganitong image," pagkasabi'y bumungisngis siya kahit wala naman nakakatawa.

"Kaya ba pati nananahimik mong buhok ay pagti-trip-pan mo rin tulad nang ginawa ng mayabang mong pinsan sa pineapple n'yang buhok?"

Ngumiti lamang siya bilang sagot.

Hindi ko alam kung anong mayro'n sa ngiti niya, pero kakaiba ang mga ngiting nakikita ko sa kan'ya ngayon. Para bang sa likod no'n ay mayro'n s'ya gustong pagtakpan. Halata naman kasing pilit ang bawat ngiti niya at manhid lang ang hindi makakahalata.

"Gusto ko rin mag-bike," mayamaya'y deklara niya pagkarating namin sa parking lot. "Angkas mo na lang ako."

"Gusto mo ba sumemplang tayo?" giit ko habang tinatanggal sa pagkakakadena ang Japanese bike na gagamitin. "Magpahatid ka na lang sa driver mo."

... pero wala naman nagawa ang pagtanggi ko, dahil sa huli ay nagpumilit pa rin siya umangkas sa bike ko.

Daig ko pa ang nakipagpatentero sa highway matakasan lang ang mga bodyguard ni Princess Lois. Muntik pa nga kami sumalpok sa poste, mawalan ng preno at ma-out of balance. Masyado kasi nagmamarunong ang prinsesa kung saan ililiko ang bike na kulang na lang ay siya ang magmaneho.

Pero may naitulong rin naman ang pagmamarunong niya kahit paano dahil nang iliko niya sa masikip na eskinita ang bike ay hindi na nakasunod sa 'min ang malalaking sasakyan ng bodyguards niya.

***

"Finally! Here we are at Forbes Supermall, Makati!" deklara pa ni Princess pagkarating namin sa parking lot ng mall.

"ANONG SILBI NANG PAKIKIPAGPATENTERO NATIN KAY KAMATAYAN KUNG MAGPAPAKITA KA RIN PALA SA CCTV NG MALL NA 'YAN?" pabagsak kong binitawan ang bike. "As if, walang access ang mommy mo rito!"

"Correction, walang dugong Forbes na dumadaloy sa ugat ko."

"Pero asawa na ngayon ng mommy mo si Mr. George Forbes. In short, step-dad mo na s'ya."

"Wow! Nagsalita ang hindi galing sa broken family! Ibig sabihin ba n'yan, tanggap mo na si Atty. Frank Depensor bilang totoo mong daddy?"

"May magagawa ba 'ko?"

Kilala si Mr. George Forbes bilang pinakamayamang negosyante sa mundo. Isa lamang ang mall na ito sa napakaraming lupain na pinapamahalaan nito. Maliban sa Real Estate at Broadcasting Company ay ito rin ang presidente ng korporasyon ng mga korporasyon. Ang Immortals Group of Network or ang I.G Network.

"Napakasuwerte siguro ng asawa't anak ni Mr. George," komento ko pa habang nililibot ang tingin sa paligid ng Forbes Supermall.

"Suwerte sana kaso wala naman s'yang anak."

"Ayaw mo ba no'n? Sa 'yo mapupunta lahat ng property n'ya."

"Hello, ang yaman-yaman ko na! Pati ba naman assets ng Forbes aangkinin ko?"

"Kung sabagay, ikaw nga pala 'yong tinaguriang 'hindi pa man naipapanganak ay nakaplano na ang future'!" napakibit-balikat na lamang ako. "Naisip ko lang, bakit kaya pumayag maging pangalawang asawa ng mommy mo si Mr. George? Napakarami naman d'yang single at galing rin sa nirerespetong pamilya pero bakit kaya mas pinili n'yang magpakasal sa mommy mo? Baog ba sya?"

"Kim, ano ba klaseng tanong 'yan?" napakunot-noo pa si Princess. "Eh, 'di ba, halos lahat naman ng bumubuo sa Immortals ay mayroong conflict sa marriage? Ang parents mo na lang for example. Pati na rin 'yong third party between ninang Natalya, ninong Kentaru and Ms. Maricar. Idagdag mo pa ang nanganganib na marriage nina tito Kalle at tita Amanda dahil sa pagdating ni tita Dianne. Can you imagine that?"

"Sabi ko nga," napabuntong-hininga na lamang ako. "Pero parang hindi ko naman nabalitaang nagkaroon ng issue ang pamilya ni Dr. Kalle Watson."

"Kasi nga, gano'n sila ka-mysterious! Ultimo, buong pagkatao ng Immortals, balot ng mystery."

Napaisip naman ako sa sinabi niya. "Kung misteryo ang bumubuo sa pagkakaibigan ng mga magulang, tita-tito at ninang-ninong natin— bakit ikaw lang ang aware?"

"Sa tingin mo ba ako lang ang may pakialam sa bagay na 'yon?" napahinto siya sa paglalakad. "May pakialam din sina Neightan at Kentaki, since parents nila ang involved."

Hindi ko lubos maisip, sa kabila nang jolly image ni Princess Lois ay gan'yan pala siya ka-out of the box kung mag-isip.

"Alam mo, puwedeng-puwede ka maging researcher," nasabi ko na lang. "Bagay kayo pagsamahin ni Garry sa galing n'yo mag-imbistiga!"

"Garry?"

"Si Garry. Garry Tolentino. 'Yung kaklase natin. 'Yung member ng frat. 'Yung nerd. 'Yung scholar ni President Tiamzon. 'Yung agent ng Apple."

"ALAM MO LAHAT?!"

CAMP BRIDGE: Class of 2008Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon