"You don't need to be kind to Kentaki just to win her sister's heart, Neight," nasabi ko na lamang.
"I agree," pagsang-ayon naman ni Joe.
"Alam n'yo kasi, the way to a women's heart is through her relatives. Kung gusto n'yong dumiskarte, unahin n'yo muna kilalanin ang kapatid, kaibigan at kung matapang ka– suyuin mo na rin pati ang magulang."
"Siomai! 'Wag mong papatusin ang kapatid ko!" sigaw naman ni Kentaki. Pagkasabi'y tinapik niya ng bote ang ulo ni Neightan.
"Tang-ina! Bakit mo ginawa 'yon?!"
"Akala mo lang lasing na 'ko, pero alam ko pa rin ang mga ginagawa ko! 'Wag na 'wag kayo magkakamaling ipagkalat sa iba lahat ng sinabi ko!" pagbabanta pa ni Kentaki sa 'min saka umakto nang pagtayo.
Pero pagkatayo niya ay bigla naman siyang natumba at tuluyang nawalan ng malay.
"Look who's talking!" napailing na lamang ako.
***
We traveled at Samson residence by 12 midnight like Neightan's promise to Nikki. It's just the four of us because Joe decided to stay at the bar.
"Ang tagal naman bumukas ng gate na 'yan!" nakakunot-noong pahayag ni Neightan habang pasan sa likod ang walang-malay na si Kentaki.
"Hindi mo naman kasi kailangang gawin 'yan."
"Kailangan! Dahil kapag nakita ng mommy o kapatid niyang pasan ko siya sa likod, plus points na kaagad 'yon!"
"Hay ewan!" napailing na lamang kami ni Garry.
"Oh, nand'yan na pala kayo!" bungad ni Lim Kim Park pagkabukas ng gate.
"Anong ginagawa mo rito?" halos mabitawan na ni Neightan ang pasan pagkakita kay Kim.
"Oh, no, kuya!" hiyaw ni Nikki saka tumakbo papunta sa sahig kung saan bumagsak ang kapatid. "Ang akala ko ba, you'll take care of him?"
"Ah, eh, p-pasensya na," hindi na halos malaman ni Neightan ang gagawin. "I-ito kasing si Lim Kim Park bigla na lang sumulpot! A-ano bang ginagawa n'yan dito?"
"Pangalawang bahay ko na 'to, may angal ka?!" usal naman ni Kim.
"What's going on here?"
Sabay-sabay naman kami napatingin sa nagsalita. Narito na nga ang mommy ni Kentaki. Kababa lamang nito mula sa pumaradang sasakyan.
"Bakit nakahiga sa kalsada ang anak ko? Guard, pakibuhat nga si Kentaki! Ipasok n'yo s'ya! Bigyan ng malamig na tubig! Punasan ang katawan para mahimasmaaan!" sunod-sunod na utos nito sa mga empleyadong naroon.
Kahit walang nagpaliwanag kung bakit nakasalampak sa sahig si Kentaki ay kaagad nitong nalaman ang rason at mga dapat gawin. Sa unang tingin ay alam na kaagad nitong lasing na lasing ang anak.
"M-mom, I'm sorry. H-hindi ko s'ya napigilan."
"Don't blame yourself, dear. It's not your fault. Pumasok ka na sa loob."
Tumango naman si Nikki saka sumunod sa utos ng mommy nila.
"Mabuti pa po, umuwi na rin ako," giit naman ni Kim. "Oy, tito Brayan, sabay na tayo! Hatid mo 'ko!" baling pa niya sa 'kin.
"You better guys leave too. It's late night," sabi pa ni Tita Natalya.
"O-ok po. P-pasensya na po sa abala," Neightan stuttered.
Natawa naman ako sa inakto nito. "Tol, umayos ka nga! So uncool!"
"But then, thanks for taking care of my son."
***
We decided to part ways since Garry is living far from our way home. And Neightan insisted to drive him home. While Kim and I were both silence along our way. So, to cut this boring ambience, I play a loud music.
Dati rati sabay pa natin pinangarap ang lahat...
"Tito, nakakabulabog sa mga tulog, hinaan mo nga 'yang tugtog mo!" she's nagging.
"Kimberly, paano ka ba naging gan'yan?" tanong ko sa kanya't hindi siya pinakinggan. "What made you change your mind?"
"Anong pinagsasabi mo?" paismid n'ya 'kong tinignan sa rearview mirror.
"Hindi ka naman gan'yan dati, 'di ba?"
"Wow! Kung magsalita ka parang kilalang-kilala mo 'ko, huh! Eh, ikaw? Paano ka ba naging gan'yan?" pagbabalik pa niya ng tanong sa 'kin. "Bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit si Princess Lois pa ang naisip mong saktan? Minahal ka naman n'ya. Hindi pa ba s'ya sapat? Ang swerte mo nga sa kan'ya kung tutuusin!"
"Iyon na nga, eh," iprineno ko ang sasakyan. Huminto iyon at hinarap ko siya. "Masyadong espesyal si Lois para bumagay sa tulad ko."
"Eh, 'di, magsikap ka! Patunayan mong kaya mo rin pumantay sa kan'ya! Hindi 'yong hinahayaan mo lang masira ang buhay mo sa kung sinu-sinong babae!"
"'Di bale na lang," napailing ako saka muling pinaandar ang sasakyan.
Palibhasa kasi ay hindi niya alam ang tungkol sa pagiging ampon ko kaya hindi niya ako maintindihan.
Ngunit ngayo'y marami nang nabago't nangyari.
Luntiang pagtingin, ginagaya pa rin..."Kailan ka ba magtitino?" tanong niya.
Nawala tuloy ang focus ko sa pinapakinggang tugtog.
"Tito, puwede ba lumayo ka na sa frat? Puwede bang tumigil ka na sa pambabae? Puwede bang huwag ka ng mag-inom? Puwede bang, bumalik ka na lang sa dating ikaw?"
Napaismid ako sa sinabi niyang iyon. "Ganito na lang, paunahan tayong makapagpasagot kay Denice. Kapag napasagot mo s'ya, magseseryoso na 'ko. Pero kapag napasagot ko s'ya, susunod ka sa mga sasabihin ko."
"Nababaliw ka na ba?"
"Seryoso ako do'n."
"Gusto mo ba mapatay tayo ng angkan n'ya? Di biro ang mga Hadji-Ali, akala mo ba?"
"Then, so?"

BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2008
Teen Fiction"Ako gawa sakit. Ikaw, gawa gamot sakit... Kapag binili at ginamit mo ang Matte Lipstick, hindi ka na tatanda. Kailangan mo lang i-maintain ang gamit para manatili ang kabataan. Pero bawal ma-overdose dahil kabaliktaran no'n ang magiging resulta." S...